Kabanata 58 (unedited) (warning: read at your own risk, mature content ahead)
"Pumunta si Wim dito sa bahay niyo at may itinago ito sa kanyang likuran?" hindi makapaniwalang tanong ni Wrum sa akin. Hindi ko maiwasang sabihin sa kanya ang pagdaan ni Wim sa aming bahay. Pati siya ay nagtataka sa aking sinabi. "Wala naman akong inutos sa kanya na pumunta doon. Maybe, naging close lang niya talaga ang magulang mo. Don't worry, I'll talk to him about that."
Napatango lang ako sa kanya saka napaayos ng upo dito sa front seat, habang siya naman ay nagpapatuloy sa kanyang pagmamaneho. Nag-uusap lang kami sa aking magulang doon sa bahay at ipinagluto lang nila ako ng paborito kong pagkain. Isa lang sa napansin ko ang kakaiba nilang galaw na tila ba napilitan lang silang tratuhin ako ng maganda. Ganito na siguro kapag may magiging asawa na ako, pero hindi pa naman kami kasal ni Wrum. Sinabi niya sa aking magpapakasal kami kapag naging stable na ang oras niya sa kumpanya at kung may marami na siyang mailaang oras para sa akin.
"Huwag mo na 'yong isipan pa Silic. That is just nothing and I know the past is past." he said trying to smile at me.
"Yeah I know." tipid kong sagot. "Iniisip ko lang sila Mama at Papa. Huwag ka ding mag-alala sa akin, okay lang din naman ako."
Kahit na may pagkatakot pa rin ang nananatili sa akin. Isang trauma sa mga nangyayari sa nakaraan. Dumating na kami sa mansion at sinalubong lang kami ni Wim at Xander. Nang ihininto na ni Wrum ang sasakyan ay pinagbuksan ako ng pintuan ni Wim at binuksan din ni Xander ang pintuan sa driver's seat para tuluyan na ring makalabas si Wrum.
"Marami ka pang dapat na sabihin sa akin Wim." agad kong sambit sa kanya. Napakamot lang din siya sa kanyang ulo.
"Oo na, sasabihin ko rin sa inyo ni Wrum 'yon mamaya." paliwanag niya sa akin. "Alam ko namang hindi mo'ko titigilan."
"She the master of this mansion so prove your loyalty as her people." said Wrum to me. Tinawag niya akong master? Well, maganda naman iyon pero siya pa rin ang master dito. Parang nasanay na rin nga akong sumunod sa gusto niya. Palagi kong pinapasok sa aking kokote na 'future wife' na niya ako, so I need to act as a wife, than being a slave.
"Of course," tanging sagot ni Wim.
Nagsimula na kaming pumasok sa loob. But Xander is discussing all the businessmen that Wrum would like to meet. Some of them agreed, but some of them re-scheduled or moved due to the hectic time of time. That is why I do not want to distract them, I just let them discuss. Hanggang sa hapag-kainan ay nagdi-discuss pa rin sila about sa business hanggang sa tuluyan na lang akong natapos. Nauna nang nagpaalam si Wim na umalis na sa hapag-kainan kasi may tatawagan lang siya.
Because I was born to be a 'curious woman', nagpaalam din muna ako kay Wrum na 'I need to use the comfort room' he just nodded at me. Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo saka sinundan si Wim.
He is at the left wing of the mansion. Malapit ito sa restricted area kaya walang masyadong tao dito. Hindi naman sa pagiging chismosa pero curious lang talaga ako kung ito si Wim ay loyal talaga kay Wrum o di kaya ay isang traydor. He is the most trusted among all of his people.
"Silic build a suspicion to me and I cannot even do the things you want me to do. You know, it is hard to do when someone is already noticed..." the only thing I hear. Rinig na rinig kong pinag-usapan nila ako. Nagtataka lang din ako kung sino ang kanyang kinakausap. "Alright Emmanuel." narinig ko muli. Nangangahulugan lang iyon na ang aking ama ang kinakausap niya sa kanyang cellphone saka tuluyan na niya itong ibinaba at napaharap sa akin. Halos mapatalon siya sa gulat noong nakita niya ako.
"Don't tell Wim you are a traitor here in the mansion?" kaagad na tanong ko sa kanya at napakurap lang siya ng ilang beses at agad na napangiti sa akin. "I heard it all. Sabihin mo sa akin kung ano ang pakay mo sa bahay namin at bakit mo kinakausap ang si Papa. Hindi ko maintindihan ang iyong pinag-usapan." paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...