Kabanata 37
Unedited. You may encounter typos and grammarical errors. Hoping for your kind consideration
__________________________________________________________________
"Okay ka lang ba Silic?" Iyon ang tanong sa akin ni Wim.
Kahit na hindi niya pa ako tatanungin, alam niya naman sa kanyang sarili na hindi ako magiging okay since day one ko pa sa kanilang puder. Ilang araw pa ba ang bibilangin ko? At araw-araw nalang ba akong nag-aabang sa mga posibleng susurpresa sa akin.
"Hindi mo na dapat pang pinoproblema pa iyang iniisip mo Silic." muling sabi sa akin ni Wim. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Wim na nananatiling nakatayo sa aking harapan. Dumaan na ang ilang araw noong nandito si Don Guillermo pero hindi pa rin ako mapakali sa kanyang sinasabi sa akin. Dahil sa mga sinasabi sa akin ni Don Guillermo, hindi ko maiwasang mag-isip nang masama kina Wrum.
Damn it. "Kailan pa ba tayo babalik sa Manila?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko talaga alam kung kailan ito. Wrum did not informed me about it." aniya. "He just said that he still have things need to be done here at Cebu. Alam mo na, still it is a business related."
Napatango nalang ako sa kanyang sinabi. Siguro nga at matagal-tagal pa kaming makakabalik sa Manila. My God. Gusto ko ng bumalik doon para malaman kung okay lang ba talaga ang ama ko. Iyon ang sabi sa akin ni Don Guillermo. Ewan ko ba kung bakit hindi niya nalang sa akin sinabi ito. Kinaladkad din naman ako ni Wrum pabalik dito.
"Okay." nasabi ko nalang sa kanya. "I'll just ask him instead." dugtong ko at napatayo nalang ako muli sa aking pagkakaupo.
"Okay." sagot din ni Wim.
"Hindi mo naman siguro ako pipigilan kung lalabas ako nang kwarto hindi ba?" tanong ko agad sa kanya. Gusto ko lang masiguro na hindi na mauulit ang ginawa ko sa kanya. My God. Siguro naman akong okay pa ang kanyang sandata diyan.
"Hindi na kita pipigilan. Hindi ko naman alam na fighter ka rin pala." sabi niya. "Iyon nga lang, nanunutok nang baril kahit wala naman itong bala." dugtong niya at napangiti. My God.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Malay ko bang wala iyong bala. Hindi niya alam hindi naman talaga ako marunong humawak ng baril. Hindi ko nalang sasabihin ito sa kanya. Baka mauulit pa ang gano'ng mga pangyayari, may magagamit na akong pambanta sa kanya.
"Ewan ko sayo." nasabi ko nalang sa kanya at bahagyang lumabas. Agad lang itong sumunod sa akin hanggang sa tuluyan na akong makababa ng hagdan.
Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa pag-iisip tungkol sa aking ama. Kung makakatulog naman ako, mapapaginipan ko naman ito. Humihingi sa akin ng tulong sa akin. That's why I want to know about the safety of my father, not just my father, but also my mother. Sana ay nasa mabuti itong kalagayan.
Damn it. Pag may ginawa talaga sila sa magulang ko, baka ito na ang araw para maghihiganti ang isang slave.
____________________________________________________________________
"Where are we going?" tanong ko agad kay Wrum. Sinabi niya sa amin ni Wim at Xander kanina. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta sa ngayon. "At bakit hindi kasama sina Wim at Xander?"
Napahinto lang si Wrum sa paglalakad at napaharap sa akin. "Do you want them to join us?" tanong niya sa akin. Nagtataka naman ako sa kanyang sinabi. Palagi niya namang sinasama sa tanang mga lakad niya. Ngayon lang siguro ang hindi.
May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit agad na itong tumalikod sa akin. Binuksan na niya ang pintuan ng front seat. Nangangahulugan lang itong siya ang magmamaneho nito. Hindi si Xander o di kaya nama'y si Wim. My God. Saan ba kami pupunta? Marami pa akong problemang iniisip.
Yawa. Wala nalang akong nagawa. Umikot ako sa bandang harapan ng sasakyan at agad na pumasok mula sa driver's seat door. Nang nakapasok na ako ay saka pa niya binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.
Ito ang unang pagkakataon na umalis si Wrum na walang kasama. Ibinaling ko agad sa kanya ang tingin ko. "Hindi ka ba natatakot na ma-ambush kagaya ni Wim noon?" tanong ko. "I mean, hindi ko naman sinasabing gusto kitang ma-ambush. Ang akin lang, sana nagsama ka ng mga tauhan mo, to protect you." dugtong ko.
"I'm not afraid. I can protect myself." sagot niya lang sa akin habang nagmamaneho. "I can even protect you." he added.
Agad ko lang na iniwas ang tingin ko sa kanya at agad na napalunok. Hindi nakakakilig ang kanyang sinabi sa akin. Hindi dapat ako nakaramdam ng ganito. Naku naman self.
"Kailan pa tayo babalik sa Manila?" pag-iiba ko sa kanya ng usapan. Baka kung saan na naman mapunta 'yon. "I want to be sure that my father is alive and still breathing."
"I can assure you that he is still breathing and alive." aniya. "I just want you to stay away from my father. He wants you, and I can't let him do that. You're just mine."
Hindi nalang ako napasagot sa kanyang mga sinasabi sa akin. Tinatanong ko lang naman sana siya kung kailan ang balik namin sa Manila, iba naman ang sinagot niya.
I can't still trust him. No.
"We're going back to Manila tomorrow night." narinig kong sabi niya. "But before that, we are going somewhere." dugtong niya sa akin.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" muli kong tanong sa kanya. Palagi niya nalang na hindi sinasabi sa akin ang aming pupuntahan.
"Somewhere. It's time to relax before going back to Manila." sagot niya lang sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa noong nasagot na niya ang tanong ko sa kanya. Mabuti nga at naisipan niyang mag-relax muna. Para na rin makapag-relax ako sa kakaisip ng mga problema.
Ipinagpatuloy niya lang ang kanyang pagmamaneho. Nakikita ko siya minsan sa aking peripheral view na nakatingin siya sa akin ngunit agad lang din niya itong ibinalik ang tingin niya sa daan. Hinihintay ko lang itong magsalita sa akin pero wala naman siyang sinasabi sa akin.
Bumuntong hininga nalang ako. Kung hindi pa ako kinuha ni Wrum sa bar noon, hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ngayon. Maybe I'm busy sa trabaho ko, gagala kasama si Luna para ipaghanap niya ako ng lalaki. She's shipping me to someone that I don't know. Namimiss ko 'yon, pero kung hindi nangyari ito, hindi ko din malaman ang katotohanan sa likod ng aking ama. Hindi ko rin makikilala si Wim, Wrum at Xander.
Did I regret it? Na mapunta ako sa kamay ni Wrum sa hindi inaasahang pagkakataon? Yawa.
"Kanina pa tayo nakarating." narinig kong sabi ni Wrum sa aking tabi hudyat para mapabalik ako sa realidad. "I thought you're listening to me, but you are not. Tulala ka lang diyan."
"Sorry." sabi ko nalang
Ibinaling ko ang tingin sa harapan. I saw a sign saying, 'Welcome to Sum Paradise Resort!'
We're in the resort? Ibinalik ko agad ang tingin sa kanya.
"What are we doing here?" tanong ko sa kanya.
"To relax. Obviously." tipid na sagot niya. Binuksan na niya ang pintuan at agad na lumabas. Wala na akong nagawa pa kung hindi ay lumabas at sumunod nalang sa kanya.
________________________________________________________________
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...