KABANATA 12.

1.8K 46 2
                                    

Chapter 12

I woke up thanking God for giving me another day to live. Thanking Wrum not to let me be a slave to his father, I think it is not a good idea to do. Siya ang dahilan kung bakit ako nahihirapang makatulog kagabi.

Ginawa ko na ang aking morning routine dito sa mansion pagkatapos ay lumabas na ako para hanapin si Wim. Gusto ko siyang kausapin para hindi maging boring ang umaga ko. Yes, I am bored enough staring at the ceiling again. I want to create a new morning routine.

Wim is in the sofa watching TV. May dala itong tuwalya at nang napaupo ako sa kanyang tabi ay pinatay niya lang TV saka napaharap sa akin. Ang damot niya kung ganon. Minsan ko na nga lang maisipang lumabas mula sa kwarto.

"Narinig ko ang kanilang pinag-usapan kagabi Silic. You need to be thankful for Wrum is now doing his duty to protect you." he said smiling.

"Wrum's duty to protect me? Come on Wim, he doesn't have any duty like that." I said remembering what Wrum had told me last night. Damn him, better not to think what he had told me. "Kailan may hindi ako 'thankful' dahil sa ginawa niya. Saka na ako magpapasalamat sa kanya kung papalayain na niya ako ng tuluyan."

"Hindi mo alam kung gaano ka-brutal si Don Guillermo. May napatay na iyang dalawang babae dahil sa hindi pagsunod sa utos niya. Even his own people, may napatay na rin ito. Gusto ni Don Guillermo ang masunod siya palagi at natatakot ako para kay Wrum, sayo at sa pamilya mo. This might lead to a war between a son and the father." he explained.

"Masyado ka lang siguro nanood ng probinsiyano kaya mo 'yan naisip o di kaya mga movies ni James Bond." tanging sagot ko. Wala pa rin akong ideya sa maaaring mangyari sa amin.

"No I am not an avid fan of 'those' teleserye and movies you have mentioned. I'd rather watch science fiction movies." said Wim. "Anyway, isipin mo na lang na ginawa ni Wrum iyon para sa kapakanan mo. Alam niya kung ano ang mangyayari sayo doon."

"Let us stop talking about that." sabi ko na lang.

Nag-vibrate ang kanyang cellphone. Tinignan niya pa kung sino ang napatawag. "This is an important call Silic," he said at ibinigay niya sa akin ang kanyang tuwalya. Tinanggap ko naman iyon. "Ibigay mo iyang towel kay Wrum. He is in the pool. Just act normal in front of him. He will not bite you." tinapik niya ang aking balikat saka tuluyan na siyang tumalikod.

Napatayo na ako mula sa aking pagkakaupo sa sofa. Lumabas mula sa glass door sa gilid ng sofa at bahagyang pinagmasdan si Wrum na nagswi-swimming sa pool. May dalawang guwardiyang nakabantay sa kanya sa gilid ng pool. Armado sila, may mga palakad-lakad pang may malalaking armas. Para na tuloy silang mga terrorista.

Wala na sigurong magnanakaw na makakapasok pa dito dahil panigurado akong matutusta ito at hindi aabutin ng ilang segundo, mamatay na ito. Same goes to me if I am trying to pursue and create an escape plan. Matutusta na rin ako.

Papunta na sana ang direksyon sa langoy ni Wrum dito sa aking kinatayuan ngunit bumalik pa ito ng isang second round hanggang sa muli na itong napaahon mula sa pool. He is so damn hot wearing a short that makes shis shaft forming a mountain, ang kanyang six packs abs na may dumadaloy na tubig, at ang kanyang buhok na basang-basa. Namalayan ko na lang na sobrang lapit ko pala sa kanya kaya dali akong napaatras para magkaroon kami ng distansiya sa isa't-isa.

Matangkad pala ito sa akin. Hanggang leeg lang ako. Sinubukan kong pagpantayin ang height namin, ngunit hindi na iyon. Kahit na susubukan ko pang tumingkayad, hindi ko pa rin maabot ang kanyang height.

Napakurap ako ng ilang beses. Sinubukan ko na muli ang aking sariling hindi mapabaling sa ibaba para tignan ang kanyang katawan. I want to congratulate myself for being so hard-headed trying to see his damn hot body again. You are innocent for this self, why are you acting as if you already a wild one for this? My God.

"Here's your towel." ibinigay ko na sa kanya ang towel para masimulan na niyang punasan ang kanyang sarili at para na rin maiwas ko ang makasalanang mata ko sa kanya.

"Where's Wim?" takang tanong niya. "Siya ang inutusan ko para dalhin ang tuwalya, hindi ikaw."

"May sinagot siyang tawag. Sinabi niya sa akin na ako muna ang magbigay sayo niyan." paliwanag ko. Natatakot akong iisipin niyang ginawa ko ito para makita ang kanyang katawan.

Sinimulan na niyang punasan ang kanyang katawan para matuyo na ito, pati na rin ang kanyang buhok. At dahil natapos ko nang naibigay sa kanya iyon, may balak na sana akong tumalikod sa kanya ngunit muli ko na naman siyang narinig na nagsalita.

"Sinabi ko na bang umalis ka na?" tanong niya sa akin hudyat para ako ay manatili sa aking kinatayuan.

"Edi manatili." I said.

"Wrum, si Silic ang pinabigay ko sa tuwalya kasi may sinagot pa akong tawag mula sa ating mga cliente." paliwanag ni Wim nang siya ay lumapit mula sa aming kinaroonan.

"I know." tipid na sagot ni Wrum.

"One more thing, I need to meet Mr. Cohengco now. Gusto ko lang magpaalam baka pag hindi na naman ako nagpaalam, pagbabantaan mo na naman akong patayin." muling sabi ni Wim.

"I'm not an idiot killing someone without any reasons. Get lost and meet him."

Napatango si Wim. Bahagya itong nag-bow sa kanya at tuluyang tumalikod saka umalis.

Lahat naman siguro sila dito mula sa kanyang tauhan, katulong at pati na rin ako ay napagbantaan niya.

He is acting like a king and all of us here is his people—his slave. Tanging boses lang niya ang maririnig. I know secrets and even dirty secrets are hidden in his mansion. I need to know about it, I need to know why my father did it.

Napabalik ako sa realidad habang nakita kong tinawag ni Wrum ang dalawa niyang tauhan hudyat para lumapit ito sa kanya. May kung ano pa siyang inutos sa kanyang tauhan at nagulat ako nang bigla nila hinawakan ang aking kamay.

"Anong kalokohan na naman ito Wrum at bakit mo na naman ako pinapahawakan ng mga tauhan mo?" natataranta kong tanong sa kanya. Sinubukan ko pang magpumiglas mula sa kanyang pagkakahawak sa aking kamay ngunit hindi ko na ito magawa pa dahil sa lakas nila.

Napa-smirk si Wrum. "Bring her to the room of punishment. Ang kwarto kung saan ginagawa ko ang pagpaparusa sa mga taong matigas ang ulo katulad mo." he explained.

"Darn it!" sigaw ko. "Don't do this to me!"

Akala ko ay makikinig pa siya sa akin, ngunit nagkakamali ako. Nauna na siyang pumasok sa loob ng mansion. He wants to punish me, dahil lang sa paggamit ko ng cellphone niya. Ang babaw naman ng kanyang dahilan kung gan'on. Hindi ko nga alam kung may ginawa na siya sa aking pamilya. He might be paying someone to trace where do I live, where my parents are now located. He can afford to do that.

+
thedarkprophecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon