Chapter 20
"Welcome to my mansion again." bati ni Don Guillermo.
Wala na akong nagawa pa, kahit na si Xander na pumigil sa kanya, wala na itong nagawa pa. Mga alipin lang kami nila. Mga boses talaga nila ang dapat na masusunod. Hindi ang mga boses naming mga alipin nila.
"Smile Silic. Dapat kang masaya at dapat kitang makita masaya dito sa aking mansion. Bawal ang malungkot dito." muli niya pang sambit.
Paano naman ako maging masaya? Sinaktan niya ako, pinilit niya akong mapunta dito sa kanyang mansion at sa ngayon gusto niya akong makitang nakangiti? Never. Hindi ko ipapakita ang matamis kong ngiti sapagkat alam kong maipapakita ko lang sa kanya ang malulungkot na ngiti. Ang ngiting masakit.
As usual, may mga lumang gamit pa rin dito sa loob ng kanyang mansion. Mas maraming gamit at mas maraming tauhan ang nakapaligid at pagala-gala dito sa loob ng kanyang mansion. Mahigpit naman ang seguridad sa mansion ni Wrum, pero mas mahigpit pa rin dito.
Hindi ko alam kung bakit niya ako sinama dito sa kanyang mansion, pero may masama akong kutob. May masama siyang balak na gagawin sa akin. I just want to think positively.
Pinakain niya ako dito sa kanyang mansion. Kumain lang ako ng konti sapagkat nawawalan ako nang gana. Pagkatapos naming kumain ay nag-uusap muna kami. Marami siyang sinasabi sa akin. Sinabi niya na naman sa akin kung paano pinatay ni Papa ang kanyang asawa like hell, ilang ulit niya na bang sinabi sa akin iyan?
"Follow me." he said to me, nang ito ay napatayo na sa kanyang kinaupuan. Nagsimula na itong maglakad pero agad din itong napahinto. "I said follow me!" galit na bulyaw niya sa akin. Like father, like son.
Wala na akong nagawa kung hindi ay mapatayo nalang at sumunod nalang sa kanya. He tours me inside his goddamn mansion. Mula kusina, sala, movie room hanggang sa pangalawang palapag ng mansion. Pinakita niya sa akin ang bawat kwarto. Sa pagkakatanda ko, aabot sa sampung kwarto. Malalaki ang mga kwarto, may sariling banyo at shower room at mga balkonahe para makapag-relax sila.
When Don Guillermo's phone suddenly vibrated, iniwan niya ako dito sa hallway. Iginala ko na lang din ang aking tingin sa mga pictures na nakadikit sa dingding. May nakita akong malaking family picture na nakadikit. Si Don Guillermo ang una kong nakita katabi niya ang isang magandang babae habang nasa lap naman ng isang babae isang bata. Kung hindi ako nagkakamali si Wrum. May nakasulat pa sa ibaba nito na 'Clapton Family'
Ngayon alam ko na ang kanilang apelyido at ngunit ang hindi ko lang alam ay ang pangalan sa ina ni Wrum. Isang magandang babae ang ina niya at hindi na ako nagtataka kung bakit gusto nalang ipaghiganti nila ang babaeng 'yan. May pagdududa tuloy akong love triangle ang dahilan ng lahat. Don Guillermo and that woman are together while my father is trying to destroy their relationship. Like hell, hindi naman siguro ganoon ang nangyari sa nakaraan.
May mga picture pa sa itaas ng mesa. Familiar na mukha at nakita kong si Wrum ito. Well, kahit kailan hindi naman talaga maitago na may itsura si Wrum. Mula sa kanyang pagkabata hanggang sa lumaki na siya. Parang noong inuluwal na siya sa kanyang ina ay agad na itong nag-glow-up. Sana all na lang talaga.
Bumalik na si Don Guillermo dito at niyaya niya maligo sa pool. Ibinigay niya sa akin ang isang shorts at isang sleeveless na upper. I tried to say no to him, but he show me his angry face. Ayaw kong makipag-hang-out sa kanya at maliban pa diyan, makulimlim ang kalangitan. Maginaw ang tubig sa pool. Of course, because I did not said yes, binantaan niya muli akong papatayin. Sa lahat na pwedeng ibanta sa akin, halos silang lahat sila 'papatayin kita' ang tanging masambit.
Sumang-ayon ako sa kanya para matapos na kaagad ang aking pananatili dito sa kanyang mansion. Pumasok ako sa isang kwarto para palitan ang aking suot sa ibinigay niya at pagkatapos ay lumabas ako mula sa kwarto, pinuntahan ko na siya agad sa pool area. He is topless sitting near at the pool while there are juices and cookies in table near him.
I sat at the next chair, kumuha ng isang cookies at inamoy kung amoy lason ba ito pero iba ang naamoy ko. Cookies ka talaga so kinain ko na 'to.
"Drink some juice. I prepared it for you." he said.
"Kung hindi mo nilagyan ng lason ang juice na hinanda mo, iinom ako. Better prepare, baka may balak ka pa namang papatayin ako." I said. "Isinuot ko na ang gusto mong suotin ko Don Guillermo. Siguro naman ako kung malaman ni Wrum na dinala mo ako sa mansion mo, mawawalan na siya ng respeto sa iyo. Sinabi niya sa akin nitong mga nakaraang araw Don Guillermo. Don't let that your son will be your worst enemy you ever had." paliwanag ko. Kumuha muli ako ng cookies.
"Your cookies doesn't taste bad. Thanks for this." muli ko pang sambit sa kanya.
Bumuntong-hininga lang si Don Guillermo. "And if that happen, then Emmanuel and Anita will die as soon possible. My resources are wide than to my son." he is refferring to my mother and father. This made me damn felt nervous. "Well, sa sinabi ko na sayo kanina. Let us enjoy this moment before Wrum interrupt."
Napatayo na siya sa kanyang kinaupuan. Sa totoo lang, sinasakyan ko nalang ang trip ng matandang ito. Sinabihan niya pa akong sabayan na mag-swimming sa pool. Napantango na lang din ako sa kanya. Nagulat na lang din ako nang bigla niya akong itinulak sa pool hudyat para mapalangoy ako nang wala sa oras.
"Ang saya pala kapag may bago akong asawa. Naisip ko lang ito bigla dahil sayo Silic." nagulat nalang nang pumunta na rin dito sa pool.
Napahilamos ako. "Matanda ka na Don Guillermo at mabuting magpahinga ka na lang. Stop playing." sambit ko. "Let me go back to the mansion or let me go back to my home." paliwanag ko.
Napangiti pa ito. "Matanda man ako sa iyong paningin, pero malakas pa rin ang pangangatawan ko Silic. I can be your husband if you want to."
"Stop it!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako titigil Silic. Mas nararapat kang manirahan dito at maging asawa ko at maging anak-anakan mo na si Wrum." napaubo na lang ako sa kanya. Mas matanda lang siguro ng konti si Wrum.
"Wala akong balak na maging asawa mo. Period!" sigaw ko.
"Sinabihan na kita na h'wag na h'wag mong pakialaman si Silic! Wala kang karapatan na bastusin siya!" sigaw ni Wrum kasama si Xander sa kanyang gilid. Sinamaan din ako ng tingin niya at panigurado akong sinabi na ni Xander ang lahat. "Huwag mong hintaying mawalan ako ng respeto saiyo."
Napaahon ako mula sa pool area. Sinalubong ako ni Xander at binigyan niya ako ng tuwalya para hindi lamigin.
"Bakit ba ganyan na lang ang trato mo sa babaeng iyan at bakit hindi mo ako hahayaang makapag-usap sa kanya dito sa mansion? Wala akong ginagawang pambabastos sa babaeng iyan!" sigaw ni Don Guillermo at napaahon na rin siya mula sa pool. "Sige kung gusto mo na akong kalimutan bilang ama mo, wala akong pakialam. Gawin mo ang gusto mo. Tignan lang natin."
Ito na naman sila. Nag-aaway dahil sa akin. Mabuti naman at dumating si Wrum. Is this already the sign that I need to thank him?
+
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...