Kabanata 63

1.4K 27 14
                                    

Kabanata 63

"Kung ano man 'yang iniisip mo sa ngayon, kalimutan mo na 'yan. Maghahatid lang ito sa'yong hindi makakatulog ngayong gabi." sabi ni Wrum habang ibinaling niya lang ang kanyang tingin sa TV. Kasalukuyan kaming nanunuod ng Midnight Sun. "At kung seguridad mo ang iniisip mo, hindi ka na mag-aalala pa. Alam mo na kung paano lumaban. Ilang araw mo ka ring nag-eensayo para diyan at isa pa, may mga tauhan naman akong magpro-protekta sayo. Alam mo 'yon."

Napatango ako, ibinaling at ipinako ang aking tingin sa kanya. "Alam ko naman 'yon." sabi ko at sinigurong walang ibang tao o wala sina Wim at Xander sa amin para hindi marinig ang aming pag-uusapan. "Hindi ko lang alam pero bigla na lang itong pumasok sa aking isipan. Paano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo sa ngayon, ang siyang maging kalaban mo bukas? Paano kung maging ako, kalaban mo rin sa mga darating na araw? Papatayin mo rin ba ako?"

Napangiti siya sa aking tanong. Wala namang dapat na ikangiti sa aking katanungan sa kanya sapagkat ang seryoso ng aking mukha. I am not even smiling at him or something like that.

"Ang advance mo naman mag-isip. Una, hindi mangyayari 'yon. Pangalawa, hindi kita magiging kalaban, at panghuli, mas lalong hindi kita papatayin. Ilang beses mo na atang tinanong 'yan sa akin." sabi niya. "Kulang ka lang ata sa tulog kaya mas mabuting itulog mo nalang 'yan." kinuha niya ang remote sa TV at pinatay niya ito.

"There is a high chance na mangyayari 'yon Wrum, I am telling you." bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa aking sinabi. "Sana hindi na lang ako natutong gumamit ng baril at makipaglaban."

Kinunotan niya lang ako ng noo. "Itulog mo lang 'yan Silic. Kung anu-ano na lang 'yang negatibong iniisip mo." napailing siya at naunang tumayo. Hinila na lang din niya ako at tinulungang mapatayo.

Maraming mga posibilidad ang pumapasok sa aking isipan na hindi ko pa nasabi sa kanya. Napailing na lang din ako at napabuntong-hininga. Tama si Wrum, kulang lang talaga ako sa tulog nito.

****

Maraming mga araw ang lumipas at hindi ko na kaya pang mag-isip ng mga bagay-bagay. Nandito na ako sa aming bahay, gamit ang aking kotse since wala naman si Wrum, hindi niya malalaman na umalis ako ng mansion. Bilin pa naman niya sa akin na kinakailangan kong magdala ng isang guard. To protect me for possible attack. Wala e, matigas ang aking ulo. Sigurado rin naman akong kaya kong protektahan ang sarili ko.

May baril naman akong dala, memorized ko pa lahat ng mga body parts na tamaan kung sakali mang may magtatangkang kidnapin ako. Una na diyan ay tadyakan ang private parts ng mga lalaki. Atleast, you already have a tip from me. If worst, then, kakagatin na lang ang taong 'yon dahil alam kong may rabies din tayong mga tao. Joke, I don't know if we have.

Again, nasusorpresa na muli ang aking Mama at Papa dahil sa aking biglaang pagdating. Of course, nagpapasalamat din sila sa akin dahil tinupad ko ang kanilang kahilingan na mag-eensayo kung paano lumaban.

"Ano pala ang dahilan kung bakit ka umuwi dito sa atin? Hindi ka ba pagagalitan ni Wrum?" tanong ni Mama sa akin habang inilapag na niya sa center table ang ginawa niyang pan cake at juice. Si Papa ay inaantok kaya nasa kwarto ito natutulog. Kaya kami na lang ni Mama at nakipagchikahan dito sa may sala.

"Bakit naman siya magagalit e hindi niya naman ako anak. Fiancé na niya ako Ma, at mas lalong hindi niya ako maaaring ikulong sa mansion. I need freedom, you know." sabi ko. Kumuha ako ng cookie at tinikman. "May kailangan din akong tanungin sa inyo ni Papa ngunit wala naman siya dito, ikaw na lang ang tatanungin ko." I added.

Sumeryoso ang tingin ni Mama sa akin. "Ano na naman 'yan Silic. Jusmeyo 'yan lang ba ang pinunta mo dito para tanungin kami? Pwede mo naman kaming tawagan na lang." kinuha niya ang kanyang kape na nasa center table. Hindi ko lang alam kung ano ang naisip niya at nagka-kape ito kahit na tanghaling-tanghali at mainit ang panahon. H'wag niya lang talaga ipapakita sa akin na maghalo-halo siya ngayong taglamig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon