Kabanata 33
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
+
"I told you it's business related." Wim said to me noong bumaba na kami sasakyan. "Hindi siya naparito sa Cebu dahil diyan sa mga pinagsasabi mo Silic."
Sinabi ko kasi sa kanila na alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit siya naparito sa Cebu dahil sa kanyang ama. Pero todo tanggi lang sila sa akin dahil business related daw ito habang tahimik lang si Wrum sa biyahe namin.
"How would I know that it's a business related Wim?" tanong ko kay Wim. Kahit na alam ko sa sarili kong hindi talaga ito business related. It's because of his father. Hindi ko alam kung bakit gusto nila itong itago sa akin kahit alam ko na ito.
Marahil, may isang malalim na dahilan sila kung bakit gusto nila itong itago sa akin at 'yon ang gusto kong alamin.
"Malalaman mo ito dito." turo ni Wrum sa isang barko. Nasa may parang isang pier kami. Alam kong hindi ito isang pampublikong pier. Nararamdaman ko agad ang hangin na nagmumula sa dagat at makikita ko mula sa aking kinatayuan ang isang brigde.
"Dito ko malalaman?" tanong ko sa kanya at napatango lang ito.
"Diba Wrum? Malalaman na niya dito?" tanong ni Wim kay Wrum. Ngunit hindi lang ito nagsalita. Walang emosyon na nakatingin lang siya kay Wim.
Napakamot nalang si Wim sa kanyang ulo at ibinaling niya muli sa akin ang tingin niya. "Mamaya na nga lang natin 'yon pag-usapan. Mukhang wala sa mood ngayon si Wrum para pag-usapan ang mga bagay na 'yon." ani nalang ni Wim sa akin.
"Tara na sa loob. Naghihintay na sila sa atin." sabi nalang ni Xander sa amin. Nagsimula na kaming maglakad paakyat ng hagdan ng barko. May dalawang guwardiya itong nakatayo. Tila ba secured at walang bastang makakapasok dito sa barko.
Hindi gaano kalakihan ang barkong ito. Hindi ko rin alam kung ano ang tawag sa barkong ito or tama bang matawag ko itong barko. May mga sumalubong sa amin. They are guiding our way hanggang pumasok na kami sa loob. May isang mini stage sa loob at may mga kaonting mga naka-upong mga taong naka-formal attire.
"Mr. Wrum." agad na bati ng isang babaeng may katandaan na rin. Maraming mga alahas ang kanyang katawan. "You arrived on time and I'm so happy seeing you here." dugtong nito.
Napabaling lang ito ng tingin sa akin ang babae. "Ow, hindi mo sinabing may fiancé ka na pala." aniya kay Wrum. Magsasalita na sana akong hindi ako fiancé ni Wrum pero naunahan akong magsalita ni Wrum.
"As far as I know, we're not here to talk about it Mrs. Pagusara." cold na sabi ni Wrum sa kanya. "We're here for business, I think?"
"Of course Mr. Wrum." sagot nalang ni Mrs. Pagusara sa kanya. "Have a seat." muli niyang sabi sa amin.
Bahagya namang lumapit sa akin si Wim. "Told you. We're here for business Silic." bulong na sabi niya sa akin.
Napabaling nalang ako sa kanya. "Oo na. Nandito na kayo dahil sa business." sabi ko nalang sa kanya. Hindi ako naniniwalang business lang. It can't be.
Napaupo kami ni Wrum sa sinasabing table na dapat naming upuan. Napaupo ako sa tabi ni Wrum habang sila Wim at Xander ay nananatili lang na nakatayo sa bandang likuran namin.
"The Ballerina Foundation De Cebu is now worldwide. It gives more opportunity of teenagers to show their talents in ballerina." panimula ni Mrs. Pagusara. "At ang funds galing sa inyo Mr. Wrum ay malaking tulong upang mapalago pa namin ang Ballerina Foundation. People loves ballerina, and we will make them love ballerina." ani Mrs. Pagusara.
Marami pa siyang sinasabi kay Wrum ngunit hindi na ako nakikinig pa. I never expect this. Sa isang ballerina foundation nag-i-invest si Wrum? Marami pa silang mga pinag-usapan and halos lahat ng kanilang pinag-usapan ay umiikot sa ballerina. Minsan tinatanong ako ni Mrs. Pagusara kaya mapatango nalang ako at minsa'y sinasagot ang kanyang mga tanong.
Inilapag ng waiter ang pagkain sa mesa at may wine din itong inilapag. Uminom lang ako ng wine at kumain sa mga inilapag nilang pagkain habang nagkukunwaring nakikinig sa kanilang pinag-usapan.
"Do you like ballerina Ms. Silic?" tanong ni Mrs. Pagusara sa akin.
Napatango nalang ako sa kanya. "Of course I like ballerina. But sad to say, hindi ko ito kayang gawin." sabi ko sa kanya.
"Same." napangiti si Mrs. Pagusara at bahagyang uminom ng wine pagkatapos ay inilapag niya ito muli. "So I guess, oras na para ipakita sa inyo ang kagandahan ng isang ballerina. They are going to perform infront and I hope and I guess, you will like it." sabi niya pa sa amin.
"Of course we will like it." sagot ko naman sa kanya at napabaling lang kay Wrum.
Napabaling siya sa akin ng tingin. "Tsk." tanging narinig ko mula sa kanya.
Ibinaling ko nalang muli ang tingin ko sa harapan at nakita kong may mga naka-uniporme nang pang ballerina. Unti-unti na nilang iginalaw ang kanilang kamay at paa kasabay ng musika at ilang sandali pa ay nakita ko itong parang lumilipad na ito sa ere kasabay ang pag-ikot-ikot nila. So this is it. Sa telebisyon ko lang sila nakikita noon pero ngayon nasa harapan ko na ito.
"Hindi mo sinabing gusto mo pala ng ballerina." pang-aasar ko sa kanya. I know nothings wrong when a man loves a ballerina.
Nakita ko lang siyang sinamaan niya lang ako ng tingin. "Stupid. I don't like ballerina at all. Gusto ito ng aking ina na patuloy na suportahan ang ballerina foundation. That's what my father said. Kaya ako nandito." pabulong niyang sabi sa akin.
"I see." sagot ko nalang sa kanya.
"What do you think?" tanong ni Mrs. Pagusara sa amin.
"Nice." tipid na sagot ni Wrum.
"Napakagandang sayaw Mrs. Pagusara." sabi ko nalang.
May iba't-ibang klaseng ballerina silang ipinakita sa amin. May konting pag-uusap pa sila at pagkatapos ay napatayo na kami. Akala ko ay uuwi na kami pero hindi pa pala. May mga pag-uusap na nagaganap pa sa pagitan namin ng ibang investors at ang board of directors. Tanging nagawa ko lang ay napangiti, napatango, at sumang-ayon sa kanilang mga sinasabi.
Hindi ko na talagang matiis at nagpaalam ako kay Wrum na pumunta sa restroom kahit hindi naman ako naiihi. Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanilang mga tanong sa akin. It's all business related and ballerina related topics.
Jusmiyo, na-o-op na ako sa kanila at saka palang ako nakahinga ng maluwag noong naalis na ako kay Wrum. Hindi niya sana ako papayagan, pero wala na itong magawa. Hindi niya naman pwedeng iwan ang kanyang mga kausap. Kaya wala na itong magagawa kung hindi ang hayaan akong makaalis.
Haist. Nasaan na ba sila Wim at Xander? Nandito lang 'yon kanina nakatayo.
"Want some wine Miss?"
+
To be continued...KABANATA 33.1TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...