KABANATA 15.

1.7K 48 3
                                    

Chapter 15

"Behave and relax Silic. This is a punishment that won't kill you. I promise." Jeric raised his right hand as a sign of promise. "It is a bit painful, so don't shout." he added.

Ihiniga ako sa kama nila. Kinabahan lang ako sa kanilang ginagawa sapagkat tinali nila ang aking kamay at paa dito sa kama hudyat para hindi ako makagalaw. Tanging aking ulo lang ang maigalaw ko. Ibabaling sa kaliwa at kanan. I am begging them not to do the 'punishment' they want. I am afraid they did this because of their interest to do so.

They explained to me again that this is really a punishment for what I did. Stepping at the underground stairs. Okay lang naman sa akin na hindi nila ako pakakainin ng isang araw o di kaya ikulong ng isang araw sa kwarto.

"Jeric, please lang itigil mo ito. Ikulong mo ako sa kwarto as a punishment," kinabahan kong utal sa kanya. "Sasabihin ko kay Wrum ang gagawin mo sa akin ngayon Jeric."

"Hindi kami pwedeng maawa sayo Silic. Kahit gustuhin pa namin, pero ayaw naming suwayin ang gusto niya alam mo 'yon." said Jeric. Malapad ang kanyang ngiti ni Jeric nang siya ay lumapit sa akin. Hinaplos niya ang aking kamay.

"Itigil mo 'yan Jeric. Hindi naman iyon magtatagal si boss sa hospital." pagpigil ng isa sa kanyang kasama. Napatigil si Jeric at sinamaan niya lang ng tingin ang lalaking iyon. "Hindi niya naman tayo inutusan na gawin iyan.  Alam na alam mong wala akong balak na gawin ito Jeric. Piniit mo ako." halos iiyak na ang lalaking iyon sa pangamba.

I want to thank that guy for standing the truth. Now I know that this is not really an order from Wrum. Napatayo si Jeric at napaharap sa lalaking iyon. Kinuwelyuhan niya. "Sundin mo na lang ang utos ko kung hindi mo gustong mapatay kita. Utos ito ni Wrum. Tandaan mo 'yan sa at ipasok mo 'yan sa isipan mo."

"Kailan ma'y hindi tayo uutusan ni Wrum na gawin ito Jeric. Tandaan mo rin 'yan kung ayaw mong mamatay!" sigaw ng lalaki at itinulak niya si Jeric hudyat ito ay matumba sa sahig. Kinuha ng lalaki ang baril ng isa niyang kasamahan, kinuha niya rin ang kanyang baril sa isa niyang kamay at sabay niyang tinutukan ang isa niyang kasamahan at si Jeric ng baril. Hindi ko ito inaasahan na mangyayari.

Napabangon si Jeric mula sa kanyang pagkakaupo sa sahig at sinubukan niyang agawin ang baril na nasa kamay ng lalaki. Tinulungan din si Jeric ng isa niyang kasamahan na agawin ang baril na nasa kamay nito.

Habang sila ay nag-aaway pa, sinubukan ko namang makatakas mula sa kanilang pagkakatali sa akin. Mahigpit ang pagkakatali nila kaya naman nahihirapan akong makawala sa tali. Hanggang sa napatigil nalang ako sa aking ginawa. Hihintayin ko lang silang matapos sa kanilang pagtatalo at pakawalan ako dito sa tali ng lalaking iyon.

"Kapag hindi mo ito itigil, mapapatay kita. Mas mabuting tulungan mo ako sa plano ko kaysa naman maging loyal ka kay Wrum." naagaw ni Wrum at ang isa niyang kasama ang baril saka itinutok ito sa lalaki. Itinaas na niya ang kanyang kamay as a sign na susuko na siya.

But I was wrong. Akala ko ay hindi lalaban ang lalaking iyon ngunit lumalaban pa siya hangga't makakaya niya. Sinubukan niyang agawin muli ang baril. Two versus one ang labanan at ako ang naging audience sa kanila. Dahil sa kanilang pag-aagawan ay naiputok nila ito sa kisame ang baril hudyat para ako ay kabahan. Natatakot akong maiputok nila ang kanilang baril sa aking wari.

Pero ang sunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Napaluhod na ang lalaking iyon, may lumabas na dugo mula sa kanyang labi, magulo na ang kanyang buhok, pinagpapawisan na siya at mahina na ang kanyang katawan na para bang talo na siya sa kanilang laban.

May kinuhang silencer si Jeric. Inilagay niya ito sa kanyang baril at itinutok ito sa ulo ng lalaki. Pinigilan ko silang huwag nilang patayin ang lalaking iyon ngunit hindi sila nakinig sa akin. Kahit na anong gawin kong sigaw. Kung tutuusin ay hindi sila magkalaban. They are the people of Wrum and they should be the one helping each other. But no, they did not to it, but instead, binaril nila ang lalaking iyon sa aking harapan.

Duguan ang lalaking iyong nakahandusay sa sahig. "Wala kayong awa sa kasamahan niyo. Mga demonyo!" sigaw ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Tawagin mo kami kahit anong gusto mong itawag sa amin Silic. This is what we do for a hard-headed person, hindi marunong makisama at lalong-lalo na ang hindi cooperative na tao." sabi ni Jeric. Hinipan niya pa ang baril na nasa kanyang kamay. "Natatakot akong magamit din ang baril na ito sayo Silic. Wala na akong sinasanto sa ngayon at mas mabuting tumahimik ka na muna diyan." napaharap siya sa kanyang kasamahan at pinag-usapan kung paano nila ito ililigpit.

Para na akong mabaliw sa kaba. Pabalik-balik sa aking isipan ang ginagawa sa lalaking iyon. Halos maiihi na rin ako sa kabang nararamdaman sa aking hinihigaan.

Narinig ko mula sa kanila na ililigpit na nila iyon at kung ano ang posible nilang idadahilan kay Wrum kung sakaling hahanapon ang lalaki. To hide the body, kumuha sila ng isang body bag. Pinasok nila ang lalaki at tanging ginawa ko na lang ay ang mapapikit para hindi makita ang kanilang kagagawan at nang ako ay napadilat na, wala nang dugo na nagkalat sa sahig. Malinis na ang lahat na para bang walang nangyaring patayin dito.

Bumalik na rin si Jeric at ang kanyang isang kasamahan dito na para bang may balak pa rin silang ipagpatuloy ang parusa sa akin.

"Siguro naman at nakita mo na kanina at nasabi ko na rin sayo na kailangan mong sumunod sa gusto namin Silic." panimula ni Jeric. Bahagya siyang napahakbang sa kama dala pa rin ang kanyang baril. Itinutok niya pa ang kanyang baril sa aking ulo. Hinawakan na niya muli ang aking kamay. "Pumili ka Silic. Papatayin kita o paparushan? Madali lang naman akong kausap."

Napalunok ako. Nanginginig na ang aking buong katawan. "Patayin mo na lang din ako para matapos na ang lahat. Wala na akong balak na sumang-ayon sa parusang gusto mong ipapataw sa akin." sambit ko.

Napailing lang siya. "I do not want to kill you without—"

"Jeric. Hindi naman ako kagaya ni Mark na pinipigilan sa nais mong gagawin ngunit nandito na si boss. Natatakot akong mapatay tayo." natatarantang sambit ng kasamahan niya. Tila ba may nag-text sa kanya.

Napangiti lang ako kay Jeric. "Subukan mong ituloy ang balak mo Jeric. Isusumbong kita kay Wrum—" hindi ko rin naituloy ang nais ko sanang sasabihin sa kanya sapagkat sinakal niya ako ng dalawang beses sa tiyan.

"Ayaw na ayaw ko sa mga babaeng sumbumgera katulad mo." sinutok niya na muli ang aking tagiliran.

Iniinda ko lang ang sakit na nararamdaman ko sa ginawa niyang pagsakal. Napansin ko ang aking katawan na unti-unting nanghihina at narinig kong sinabi ng kanyang kasamahan na iwanan nalang nila ako dito bago pa man sila maabutan at mapatay ni Wrum. Masaya akong nandito na si Wrum ngunit ang paningin ko ay unti-unti na ring dumidilim.

Sana sa paggising ko, buhay pa ako. I am afraid they will kill me when I am still unconscious. Wrum is the only one who could help me and he will be the one who could get rid of them. I am helpless.

+
thedarkprophecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon