Dedicated to: Jesha Mae Grace Olamit
Kabanata 26
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
+
Cold air and cloudy night welcomed me. Wala akong makikitang mga bituin sa kalangitan noong bumaba na kami. Tila ba ilang minuto o oras mula ngayon, babagsak na ang ulan na namumuo sa kalangitan. We suddenly entered the black van. Kung saan nag-aabang sa amin noong nakababa na kami ng eroplano.
I turned my gaze to Wim which he sat beside me. Sa kabilang tabi ko naman si Wrum. Sa mga pagkakataong ito, gusto ko na sanang matulog dahil sa pagod. Pero hindi ko magawa dahil palagi kong naalala ang nangyari sa amin ni Wrum sa restroom ng private plane niya.
I don't want to turned my gaze to Wrum. Not today. Maybe tomorrow, I can get over it. I should get over it.
Suddenly, I heard someone's phone vibrating. I don't know who's that phone, pero nararamdaman ko nalang na may kung anong kinuha si Wrum sa aking tabi. So, I was expecting na sa kanya iyon.
"Hello." narinig kong sagot nito sa kabilang linya. "We're heading now already to the mansion." narinig ko pang sabi nito. Hindi ko magawang ibaling sa kanya ang tingin ko. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, nakikinig ang aking mga tenga sa kanyang mga sinasabi.
"What?...Fvck..Just don't let him kill that man. Stupid!" galit nitong sambit at nakikita ko mula sa aking peripheral view na ibinaba na niya ang kanyang cellphone. Hindi ako nagkakamali sa aking narinig. May nabanggit itong patayan. What was it?
Nag-iisip na naman ako nang kung anu-ano. Haist. Ilang oras din ang biyahe namin papunta sa mansion na sinasabi ni Wrum. Malaki ito at modern style mansion. Hindi kagaya ng mansion niya sa Manila. And as expected, marami din itong mga guwardiya na nakabantay sa mansion. No one can easily get over here.
"Are you tired?" Wrum asked me. Hindi na niya dapat tinatanong sa akin 'yon. Sino ba namang hindi mapapagod sa biyahe, aber.
"You know already the answer." sagot ko nalang sa kanya.
"Fvck." mahina niyang mura sa akin. What was wrong with it? Sinabi ko lang naman sa kanya.
"Wim, ihatid mo siya sa kwarto niya sa taas." sabi nito kay Wim na nakatayo lang sa aking tabi. "At lagyan mo ng dalawang tauhan ang labas ng kwartong kanyang hihigaan." he added.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "I told you, hindi nga ako tatakas diba? Bakit kailangang may nakabantay pa?" tanong ko kay Wrum.
Seryoso lang din siyang nakatingin sa akin. "You're tired right? Bakit hindi ka nalang pumasok sa kwarto mo para magpahinga." aniya. "At alam kong hindi ka aalis. You still need me." bago pa man ako makasagot sa kanya ay agad na itong tumalikod sa akin.
I still need him? Hindi niya ba ito binaliktad. Siya ang may kailangan sa akin, hindi ako. Hindi naman ako ang kusang pumunta sa kanya. Siya mismo ang kusang nagpapunta sa akin dito. Tsk.
"Halikana Silic. Huwag mo nalang pansinin ang sinabi ni Wrum." sabi nalang ni Wim sa aking tabi. "Hayaan mo muna siya. He still need something to do here. Some business. Alam mo na." dugtong niya at napatango lang ako sa kanya.
Sumunod lang ako sa kanya paakyat ng hagdan habang nakasunod lang sa amin ang dalawang tauhan. Wala na akong magagawa pa. Kahit na sabihin kong ayaw ko, hindi sila susunod sa aking sasabihin.
Dinala agad ako ni Wim sa isang kwarto. Well arranged ang kwarto, pagkatapos niya akong maihatid dito ay agad na rin siyang magpaalam. Pinaaalahan niya ako na huwag basta-bastang lumabas. Tinanong ko siya kung bakit, pero sinabi niya lang na sundin ko lang daw siya dahil iyon din ang utos ni Wrum.
I'm tired. Humiga na agad ako sa kwarto. Makatulog na nga ako. May maaalala na naman akong bagay na hindi ko na dapat maalala. Lalo na ang ginawa ni Wrum. Haist.
***
"Just stay in your room." nagulat lang ako sa sinabi ni Wrum sa akin.
"Why?" tanong ko sa kanya. "Dinala mo ako dito sa Cebu, pero hindi mo naman ako pinalabas. Ano ba kasi ang mayroon at bakit hindi mo ako pinapalabas?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
May seryoso lang siyang tingin sa akin. "Just do what I say." mahinahon niyang sabi ngunit alam kong nagagalit na ito. Lumabas na sana ako kanina pero hinila niya ako pabalik dito sa mansion. Tila ba may nakikita itong bagay na ikinagulat niya.
"Fine. Dito nalang ako sa kwarto ko." sabi ko nalang sa kanya habang napaupo dito sa gilid ng kama.
Napabaling ako sa kanya ng tingin habang nakita ko naman ang kanyang seryosong tingin sa akin. I can't help it, but to asked him. "Natatakot ka na naman bang makatakas ako dito? God. What kind of mindset you have?" I asked him at mas lalo lang siyang nagalit sa akin.
Bahagya siyang naglakad palapit sa akin kaya ko naman ikinagulat ito. "Sinabi ko na sayong sundin mo lang ang sinabi ko sayo. Huwag mo ka ng maraming tanong pa." sabi niya.
"Bakit hindi mo nalang sagutin ang lahat ng tanong ko sayo para tumahimik na ako?" pa-tanong na sabi ko sa kanya.
"This is for your own protection. Can't you get it?" tanong niya sa akin.
"Oo na. Naintindihan ko na 'yon." sabi ko nalang sa kanya. "Lumabas ka nalang at dito na lang ako sa kwarto ko." dugtong ko pang sabi sa kanya.
"Then that's good." sabi niya nalang sa akin. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mapaisip kong ano ang dahilan.
"Paano kung susuwayin ko talaga ang utos mo hindi lumabas? Ano ang gagawin mo sa akin?" tanong ko.
Hindi lang ito kaagad na nakasagot sa akin. Ilang sandali pa bago pa man niya ako tuluyang sinagot. "Then your father's life is in danger." aniya at nagulat lang ako sa kanyang sinabi. "Hindi lang ito isang pagbabanta."
Napalunok lang ako sa kanyang sinabi sa akin. "Alam kong tinatakot mo lang ako."
Napailing lang siya sa akin. "Hindi lang ako hanggang salita."
"Akala ko ba hindi mo na sasaktan ang pamilya ko ngayong nasa kamay mo na ako? Matagal na tayong nag-uusap niyan diba?" may pangambang sabi ko sa kanya.
"Kaya nga sundin mo lang ang gusto kong gawin. Sundin mo ang gusto kong manatili dito. Naintindihan mo ba 'yon?"
Napakurap lang ako. "Hindi na ako lumabas." sabi ko nalang sa kanya.
"Do it." sabi niya at agad na tumalikod sa akin. Lumabas na ito at sinarado na agad ang pintuan. Ako nalang ang tanging nandito sa kwarto.
"Nakakainis naman. Dinala nga nila ako dito ngunit ikinulong na naman niya ako dito sa kwarto." sabi ko sa sarili ko at napahiga. "Ano ba kasi ang kinatatakutan niyang makita ko dito?" ang tanong na tanging si Wrum lang ang makakasagot nito. Siya lang.
It's not my thing to know it, but I'm curious now. Business nga ba ang pakay ni Wrum dito? Sabihin na nating oo, pero bakit nakakulong ako dito?
Damn it.
May tinatago kaya siya? What it could be? Hindi ako nakakasiguro pero may kutob ako. This not actually a business trip. I know its not.
+
TheDarkProphecyNote: Yeah, hope you enjoy it mga tao.
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...