Kabanata 27

1.5K 60 9
                                    

Kabanata 27

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

+

Buong araw nila akong nandito sa kwarto. Dinadalhan lang nila ako ng pagkain at snacks ni Wim at kung hindi naman si Wim, si Xander. I don't exactly understand. Hindi ko rin naman ito itinanong nila Wim at Xander kanina.

"Here's your dinner Silic." maligayang sabi ni Wim sa akin noong inilapag na niya ang pagkain mula sa maliit na mesa. "Do you need anything para dalhan kita dito?" muli niyang tanong sa akin.

Napailing lang ako sa kanya. "Okay na 'yan at wala na akong ibang gusto." I said.

"Okay. Kailangan ko ng bumaba." aakma na sana itong tatalikod sa akin ngunit pinigilan ko siya.

"Wait." pigil ko hudyat para mapabaling pa siya sa akin ng tingin.

"What?" tanong niya.

"Gusto ko lang malaman kung bakit ako nakakulong sa kwarto buong araw. Kanina ko pa ito gustong itanong sa inyo ni Xander." ani ko. "May nangyayari bang hindi ko alam sa labas?"

Napalunok ito. Napangiti at napailing. "Walang nangyayari sa labas Silic. May mga bagay na hindi mo dapat makikita na kailangang aasikasuhin ni Wrum." aniya.

"What is it?" curious kong tanong sa kanya. "Anong mga inaasikaso ni Wrum? Sabihin mo sa akin Wim."

"Hindi mo kailangang alamin pa ito Silic." sumeryoso ang kanyang tingin. "Just think about it that Wrum wants to protect you that's why you're here." paliwanag niya sa akin.

"I don't think so Wim. Para akong nasa preso nito." sabi ko sa kanya at napatayo. "Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin ang totoo? Alam kong may tinatago kayo sa akin? Hindi ba?" may pagdududa kong tanong sa kanya.

He cleared his throat. He tried to smile at alam kong napilitan lang siyang ngumiti para sabihing okay lang ang lahat.

"Alam mo Silic, wala kaming tinatago sayo." paliwanag niya. "Just stay here at your room. Alam kong sinabi ni Wrum sayo 'yon. At siguro bukas, makakalabas ka na."

"Wim-"

"Please Silic, hindi ko na masasagot pa ang mga katanungang nakatengga sayong isipan." aniya. "This is for your own protection and....and for the safety of.....nevermind. I need to go." aniya at agad na tumalikod sa akin.

"Wim, I knew you know it." sabi ko sa kanya.

"Yes I know it but I am not going to tell you about it. That is an order from Wrum." aniya at agad nang binuksan ang pintuan saka lumabas. Sinarado niya din ito.

Napaupo nalang ako muli sa gilid ng kama at napabuntong hininga. Akala ko noong bumibiyahe pa lang kami papunta dito. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala. Hindi ko alam kung bakit nila ako ikinulong dito? At sabi ni Wim, kailangan ko raw iisipin na ang kanilang ginagawa sa ngayon, ay ang pagproprotekta sa akin.

What it could be? Kinuha ko ang tray na dala ni Wim saka nagsimula na akong kumain. Kahit na kumakain ako, nasa aking isipan pa rin ang mga sinasabi ni Wim. Mga sinasabi ni Wrum sa akin. Ang mga pagbabanta ni Wrum sa akin.

Hindi ko naubos ang dinala ni Wim sa akin na pagkain. Ibinalik ko nalang ito muli sa maliit na mesa malapit dito sa aking kinaupuan.

Kapag lumabas ako mula dito sa kwarto, alam kong may nakabantay na mga tauhan ni Wrum diyan sa labas. God. Ayaw ko nalang ngang lumabas. Wala na din naman akong pag-asang makalabas pa dito. Wala na nga ba?

Namalayan ko nalang ang aking sariling napatayo at bahagyang naglakad papunta sa may pintuan. Gusto kong pigilan ang aking sarili para lumabas, pero huli na. Nahawakan ko na ang doorknob. Bahagya ko itong inikot. Dahan-dahan kong binuksan ito saka bahagyang sinilip ang labas nitong kwarto.

May nakita akong dalawang tauhan ni Wrum na naglakad palayo dito sa kwarto.

"Hindi na 'yon lalabas. Panigurado na akong natutulog na 'yon sa loob."

"Tama. Alam kong natatakot din siya kay boss. Kaya hindi niya 'yon susuwayin."

So they trust me na susundin ko talaga si Wrum? Hindi niya naman siguro ako makikitang lumabas dito at hindi din naman niya masasaktan ang aking ama. I'm just curious. Even if curiosity will kill me, lalabas pa rin ako.

Inilingon ko pa ang aking tingin mula sa kaliwa't kanan. Wala akong makikitang tauhan ni Wrum. So, this is already my time to go out.

Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto noong nakalabas na ako. Bahagya na agad akong pumunta malapit sa may hagdan at aakma na sana akong bumaba nang may nakita akong may tao sa may paanan nitong hagdan. Mga tauhan ito ni Wrum na tila ba nag-uusap ng kung anong mga bagay.

"Ang ama ni boss ay nandito sa Cebu kaya siya ay naparito din ito." narinig ko mula sa kanilang pag-uusap.

"At bakit naman nandito sa Cebu si Don Guillermo?"

"May bihag ito at papatayin daw ni Don Guillermo ang kanyang bihag. Pero gusto itong pigilan ni boss. Hindi ko alam kung bakit."

"Baka kilala niya ito."

"Siguro."

"Bakit kayo bumaba, malalagot kayo ni boss nito dahil iniwan niyo si Silic sa taas."

Bahagya akong napaatras at bahagyang napatago sa gilid para hindi nila ako makita at para na rin marinig ko pa ang kanilang pag-uusap. Hindi ko naman inaasahan na iyon ang marinig mula sa kanila. Nandito pala sa Cebu si Don Guillermo at may bihag pa ito.

Damn it. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Kung kinakabahan ba ako na baka mahuli ako no Wrum na lumabas o kinakabahan ako dahil narinig ko ang kanilang pinag-usapan? I don't know.

Iyon kaya ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinalabas sa kwarto ko? Maybe.

"Who told you to go out?"

"Ay butiki!" gulat kong sambit. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat at napabaling agad ng tingin sa aking likuran. I saw Wrum. Napa-cross arm lang ito habang may seryosong tingin siya sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Atleast may nakuha akong information. Sulit pa rin ang paglabas ko.

"I told myself to go out. Kaya lumabas ako." nasabi ko nalang sa kanya.

"Stupid." mahina niyang utal.

Napahinga lang ako ng malalim. "Nandito ba si Don Guillermo sa mansion kaya mo ako hindi pinalabas sa kwarto?" I asked him.

"Sinong nagsabing nandito siya sa mansion? At sinong nagsabing iyon ang dahilan kung bakit hindi kita pinalabas sa kwarto mo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Narinig kong nag-uusap ang mga tauhan mo sa ibaba. Huwag ka nalang mag maang-maangan pa Wrum." ani ko. "You're here not because of business."

Sinamaan niya lang ako ng tingin at bahagya itong naglakad palapit sa akin. "Don't mind them. What if I told you you're right? Still this is not your business. Huwag ka nalang makialam pa." he said at agad niyang hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay. Hinila niya ako pabalik sa kwarto.

"Ano ba Wrum, bitawan mo ako! Babalik din naman ako ng kwarto! Hindi mo naman ako kailangang hilahin!" sigaw ko nalang sa kanya. Hindi siya nagpatinag sa aking pagsigaw sa kanya. Binuksan niya ang kwarto. Nauna na itong pumasok. Patuloy lang niya akong hinihila hanggang sa binitawan niya ako at bahagyang itinulak hudyat para mapahiga ako sa kama.

"Sleep." tipid niyang sambit habang nakita kong napabaling siya ng tingin kung saan inilagay ko ang tray. May natitira pa itong pagkain. "Don't go out again, kung hindi ko pa sinabing lumabas ka." muli niyang sabi sa akin.

Tumalikod na ito at agad na lumabas.

Napahinga naman ako ng malalim habang nanatili pa rin akong nakahiga dito sa kama. Stupid. Looks like he's not angry at me. Ano bang nakain niya at hindi na niya ako sinisigawan? Hindi niya ako binabantaan? Sinuway ko siya, dapat sana'y pinagalitan niya ako. Mabuti na nga 'yong hindi.

Napaayos ako ng higa. "Totoo kayang nandito ang kanyang ama? At may bihag pa ito?" Damn it.

+
TheDarkProphecy

To be continued...

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon