Kabanata 34
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
+
"Silic! Silic! Silic!"
Hinihingal akong napabangon dahil ilang beses kong naramdaman na iniyugyog nila ang aking katawan. Agad kong niyakap ang taong nakaupo sa gilid ng kama sapagkat nananaginip ako. Nananaginip akong nakita ko si Don Guillermo. Muntik na niyang pinatay ang aking ama sa aking harapan. Iyon ang dahilan kung bakit ako pawisan, hihingal at kinakabahang gumising.
Is that really a dream? And I was hoping that it is just a dream. Hindi ko kayang may gagawing masama si Don Guillermo sa aking ama. Hindi maaari.
"Siguro ay may napaginipan kang masama Silic. Mabuti nalang at naisipan kong pumasok dito sa 'yong kwarto." narinig kong sabi ni Wim. "At pati na rin ni Wrum. We're worried about you." he said.
Dali kong inimulat ang aking mata. Bahagya akong kumiwala sa pagkakayakap kay Wim. Akala ko si Wim ang nayakap ko pero hindi pala. Si Wrum pala ang nayakap ko habang si Wim ay nakatayo lang sa gilid.
"Sorry." nasabi ko nalang kay Wrum habang may seryoso lang itong tingin sa akin.
"Ano Silic? Okay ka na ba?" muling tanong sa akin ni Wim. "Gusto mo ba ng tubig?"
"Huwag ka ng mag-abala pa sa akin Wim. Okay lang ako." sabi ko nalang sa kanya. "At may napaginipan lang ako." muli ko pang sabi sa kanya at napatango lang ito sa akin.
Ngayon ko palang naalala na pumunta pala kami sa isang pier para doon sa The Ballerina Foundation De Cebu. At ngayon palang pumasok sa isapan o ngayon ko palang naalala ang nangyari kagabi. Hindi isang panaginip lang na nakita ko si Don Guillermo kung hindi nakita ko mismo ito sa barko at naalala ko pa ang kanyang sinabi sa akin. No. Hindi maaaring may mangyari sa ama ko. Posible kayang ang ama ko ang bihag ni Don Guillermo?
No.
No.
Hindi pwede.
"Hindi pwedeng patayin ni Don Guillermo ang ama ko. Hindi pwede." halos maiiyak ko nang sabi sa kanila at nakita ko nalang ang kanilang reaksiyon sa aking sinabi. Tila ba hindi nila ito inaasahan na marinig mula sa akin.
"Anong ibig mong sabihin Silic?" tanong ni Wim sa akin. "Your father is safe. Wala naman siya sa kamay ni Don Guillermo. Hindi ka na dapat pang mag-alala tungkol sayong ama. Panaginip mo lang 'yon Silic."
Napailing ako sa kanila. "No. It's not just a dream." sabi ko pa sa kanila.
Napabaling lang ng tingin si Wrum kay Wim. "Lumabas ka na muna Wim. Ako na muna ang bahala sa kanya." sabi ni Wrum kay Wim at napatango lang si Wim sa kanyang sinabi. Bahagya pa itong nag-bow sa kanya at napatingin din siya sa akin at agad na lumabas ng pintuan.
Bumuntong-hininga nalang ako. "I know, alam mo ito Wrum. Hindi lang 'yon isang panaginip. I saw him. Kahit na sumasakit ang ulo ko dahil nang gabing 'yon, hindi ako nagkakamali sa aking nakita Wrum." paliwanag ko sa kanya. "Sabihin mo sa akin. Ang ama ko ba ang bihag ni Don Guillermo? He warned me. Wala siyang masamang gawin sa akin pero may masama siyang gawin sa aking ama. Sinabi niya pang huwag raw akong umiyak pag namatay na siya."
"It's not true." cold na sabi ni Wrum sa akin. Napatingin pa siya sa wall clock ng kwarto. "It's still 3 o'clock in the morning. Matulog ka na ulit." sabi niya pa sa akin at at aakma na sana itong mapatayo mula sa kanyang pagkakaupo pero hinawakan ko ang kanyang braso at pinigilan siyang makatayo mula sa kanyang pagkakaupo.
"Tell me Wrum. Tell me the truth Wrum." naiiyak ko nang sabi sa kanya. Iniwas niya lang ang kanyang tingin sa akin at napabuntong-hininga. "Akala ko ba walang masamang mangyari sa aking ama kung sasang-ayon akong maging slave mo? Akala ko ba ikaw na ang bahala sa aking ama at hindi mo ito sasaktan kapag magiging slave mo? Akala ko ba-"
"Stop it." singit niya at napahinto ako dahil sa kanyang sinabi sa akin. "Just stop thinking about it." sabi niya sa akin.
Napalunok ako. "Paano ko mapigilang mapiisip? Hindi ko kayang marinig o makitang masasaktan siya." sabi ko pa sa kanya at napaiyak na ako. "Ayaw kong mamatay ang aking ama." muli kong sabi sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako sa kanyang harapan. Bahala na kung ano ang magiging mukha ko. Gusto ko lang ilabas itong aking mabigat na nararamdaman sa ngayon.
"Damn it. Can you stop crying?"
Binalewala ko lang ang kanyang sinabi at ipinagpatuloy ko lang ang aking pag-iyak. Napailing lang ako sa kanyang sinabi. I can't stop crying now. Masyadong mabigat ang aking naramdaman sa ngayon.
"Damn it." tanging narinig ko sa kanya. "Sinong nagsabing mamamatay ang ama mo?" tanong niya sa akin at hindi lang ako sumagot sa kanya.
"Fvck. Why are you still crying? Damn it." narinig kong sabi niya sa akin at ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na bahagya niya akong inilapit sa kanya at namalayan ko nalang na nasa dibdib niya na ako. Niyakap niya ako at hindi ko 'yon inaasahan. I can smell his manly scent again at ang kanyang strong perfume na ginamit mula sa kanyang damit.
"Stop crying now. While you're still in my hands, walang mangyayaring masama sayong ama." sabi niya sa akin. "At ipapaniguro ko 'yon sa akin." dugtong niya pa. Para bang nawala ang kaba at bigat na aking nararamdaman sa ngayon dahil sa yakap niya sa akin. Why do I feel this everytime na magkalapit ang aming mga katawan? Does it mean that I'm falling for him?
Bahagya niya pa akong hinarap sa kanya. Iba ang Wrum na nakikita ko sa ngayon. Not a heartless Wrum that I have used to see. Isang concerned Wrum ang nakikita ko sa ngayon. Pinahirap niya pa ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha.
"Stop crying. I don't want to see you crying." sabi niya pa noong pinunasan niya pa ang luha sa aking mukha. "I want to see you happy with me. Don't worry about your father. He's safe, so you are." aniya pa sa akin habang nakatitig siya sa aking mga mata. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko ito magawa.
"Wrum." marami sana akong gustong sabihin sa kanya ngunit 'yon lang ang tanging lumabas mula sa aking labi. Parang may elektrisidad na kumeryente sa aking katawan at ewan ko kung ganon din ang kanyang nararamdaman sa pagkakataong ito.
Hinawi niya pa ang buhok ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na unti-unti niyang inilapit ang kanyang labi sa labi ko at naramdaman ko nalang na nahalikan na niya ako. I can feel his soft lips. As he continued to kiss me, unti-unti niya akong hiniga sa aking kama.
I should hate him doing this to me, pero hindi. Wala akong kung anong naramdaman sa kanyang galit. Para bang ginusto ko ring halikan niya ulit ako sa pangalawang pagkakataon.
Damn it.
+To be continued.. KABANATA 34.1
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...