Kabanata 45
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
_________________________________________________________________
Surprise of death.
"We're back and I was hoping that your sadness and worries will fade away." ani Wrum sa akin.
Hindi pa kami tuluyang nakababa ng sasakyan at nananatili lang kami dito sa sasakyan. Hindi ko nalang ibinaling sa kanya ang tingin ko. Paano ko magagawa ang kanyang sinabi? Siguro ay madali lang na sasabihin iyon, ngunit mahirap gawin.
Ang sayang aking nararamdaman gabi ay siyang nag-fade at agad itong napalitan ng kalungkutan na palagi kong nararamdaman.
Napangiti nalang ako sa kanya. Isang fake na ngiti ang pinakita ko sa kanya. Ayaw kong mag-aalala siya sa akin. Ewan ko ba kung bakit pa siya mag-aalala sa akin.
"I'm okay. Don't worry about me Wrum." sagot ko lang sa kanya.
"I should worry about you." he added. "Cause you are mine."
Ayan na naman siya. Kung anu-ano nalang ang lumalabas sa kanyang labi. Haist. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa akin kagabi. 'Je't aime' alam ko naman ang kahulugan n'on.
My God. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa puntong iyon. Hindi ko alam kung dapat pa akong kiligin, kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa sinabi niya sa akin.
"Lalabas na tayo. Gusto ko nang pumasok sa kwarto." aakma na sana akong lumabas pero agad ko ding ibinalik sa kanya ang aking tingin.
"Nasaan pala sila Wim at Xander? Bakit hindi nila tayo sinalubong?" nagtataka kong tanong sa kanya. Minsan kasi ay sinasalubong kaagad kami ni Wim o di kaya ay ni Xander kung hindi sila sasama at kung sila ay mananatili lang sa mansion.
"They have some things to do kaya wala pa sila dito sa mansion." paliwanag niya. "Hindi pa sana tayo uuwi nang ganito kaaga dahil wala pa sila. But you insist na umuwi na tayo, wala na akong magagawa pa kun'di ang sumunod lang sa gusto mo." aniya.
Napatango nalang ako. Busy naman sila nitong mga nakaraang araw. They are preparing something at tila ba may pinaghahandaan sila.
"Okay." sagot ko. Aakma na ulit akong lalabas pero pinigilan naman ako ni Wrum.
"Wait." aniya sa akin kaya napatigil ako. Nakita kong lumabas na ito ng sasakyan. Bahagya itong umikot sa bandang harapan at bahagyang napalapit mula sa front seat door. Hindi nga ako nagkakamali sa sunod na nakita kong ginawa niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"You can go out now." aniya sa akin noong nabuksan na niya ang pintuan.
Hindi ko naman inakalang gagawin niya sa akin ito. Puro utos lang naman ang naririnig kong kaya niyang gawin. Well, atleast nakita ko ang kanyang pagka-gentleman sa ngayon.
"Kailan ka pa natutong pagbuksan ako?" tanong ko sa kanya.
"Ngayon pa lang." aniya. "I just want to do this with you. What's wrong with that?"
"Nothing is wrong with that. Naninibago lang naman ako." paliwanag ko. "But still, thank you." dugtong ko at agad na akong lumabas mula sa kotse.
Inilibot ko ang aking tingin sa kanyang mansion. Wala naman itong pinagbago, pero naninibago lang ako sapagkat wala akong nakikitang tauhan ni Wrum na gumagala dito sa labas. Maski isa sa kanyang tauhan wala akong makikita.
Anyway, sinabi din naman ni Wrum sa akin na may inasikaso sila Wim at Xander baka pati ang kanyang mga tauhan. Hindi ko nga nakita ang ilan sa mga sasakyan ni Wrum dito.
"Papasok na ako sa mansion." sabi ko sa kanya.
"Pumasok na tayo." yaya niya sa akin. Inilagay niya agad ang kanyang kamay sa aking beywang hudyat para mapabaling ako sa kanya ng tingin. "I did nothing wrong to you so, h'wag mo akong tignan na para bang may masama akong nagawa sayo." aniya.
Damn it. Gusto kong alisin ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito sa aking beywang, pero hindi niya ito inaalis. Binalewala ko nalang iyon at nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa loob. Hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa loob.
Nasa may pintuan pa kami nang bigla kong nakitang may nakahandusay na tauhan ni Wrum na muntik ko nang matapakan ito. Duguan ito at tila ba binaril ito sa kanyang puso.
Sa loob ng mansion ni Wrum pinapatay mismo niya ang kanyang mga tauhan? Bigla akong kinabahan at bigla nalang akong napahawak sa braso ni Wrum.
"Wrum." kinabahan kong utal sa kanya.
"I am with you. Don't be afraid." aniya.
Nakita kong inilabas niya ang kanyang baril mula sa pagkakasuksok nito sa kanyang likuran. Inalis ko naman ang pagkakahawak sa kanyang braso at nakita kong bahagya itong napaluhod.
"Humihinga pa ba?" tanong ko sa kanya nang nakita ko itong chineck niya kung buhay pa ba ito.
"He is dead. He is no longer breathing." aniya.
Kaya siguro wala akong nakikitang tauhan niya na gumagala sa labas. Kahit na may inasikaso ang kanyang mga tauhan, alam ko namang may mananatili ditong iilang mga tauhan para bantayan ang kanyang mansion.
Wala na akong ibang naisip na gumawa nito. Kun'di si Don Guillermo lang. Hindi ko naman alam kung siya talaga. Hindi ko din naman alam kung bakit niya ito ginawa sa tauhan ng kanyang anak.
Damn it. Kinakabahan na ako. Ang kinatatakutan kong labanan sa pagitan ng ama't anak dahil lang sa akin ay malapit nang mangyayari.
Napaharap si Wrum sa akin. "Everything will be alright soon." aniya sa akin at napatango nalang ako. "Don't be scared."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakita naming may tatlo pang mga tauhan niya ang nakahandusay sa sahig. Dito na ako mas lalong kinabahan. Habang nagpakasaya kami ni Wrum kagabi, may madugong labanan ang nangyari sa kanyang mansion.
Napahinto ako sa paglalakad nang may nasigpatan akong isang pamilyar na taong nakaupo sa may sofa. That is Don Guillermo at hindi nga ako nagkakamali. Siya nga ito at siguro naman at siya ang pumatay sa mga tauhan ni Wrum dito.
Itinago ako ni Wrum sa kanyang likuran. Habang itinutok niya agad ang dala niyang baril kay Don Guillermo. Sumilip pa ako saka nakita kong napatayo si Don Guillermo sa kanyang pagkakaupo saka napaharap kay Wrum.
Napangiti ito. "Did I surprise you son?" maligayang tanong ni Don Guillermo kay Wrum.
"What did you do to my people?" may bahid na galit na tanong ni Wrum sa kanya. "Bakit mo sila pinatay?"
"It is not my fault son. Hindi nila ako pinapasok sa mansion mo. Well, inilabas nila ang kanilang baril at muntik na nila akong barilin so kailangan kong depensahan ang sarili ko." paliwanag ni Don Guillermo.
"You stupid." ani Wrum. "I'm going to kill you!"
"Sure you can kill me now." nakangiti nitong sabi na tila ba hindi natatakot na mamatay. "Pero kailangan ding mamatay ang magulang ni Silic pagnagkataon."
"Don't kill him." nasabi ko nalang kay Wrum baka mamatay ang aking mga magulang. "Please, my family is in trouble if you do."
"See. Silic cares for me than to you my son." ani Don Guillermo. "Oh, I forgot to tell you my son. I bring my people here in your mansion."
Ilang sandali pa ay nakita kong pinalibutan na kami ng mga tauhan ni Don Guillermo. Mula sa ikalawang palapag, basta't pinalibutan niya kami habang ang kanilang mga baril ay nakatutok sa amin.
"Fvck!"
___________________________________________________________________
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...