Chapter 9
Wim tour me to the whole mansion from it's basement to the room and also the restricted area. May mga lugar na pinagbabawalan akong pumunta, because of some undercover. Well, for their information, wala akong balak na pakialaman ang kanilang mga sekreto dito. Slave lang naman nila ako dito, bakit ko naman iyon gagawin? Sinabi din niya sa akin kung ilang guwardiya ang nakabantay kung umaga at mas marami ang nakabantay kung gabi. Para mas lalong higpitan ang seguridad.
"Ito naman ang study room ni Wrum. Kasalukuyan siya ngayong nasa loob kasi may ginagawa siyang mga bagay-bagay. To be specific, dito niya ginagawa ang kanyang mga business." paliwanag ni Wim sa akin. Napahinto lang kami sa isang pintuan. "At para lang din siyang isang library. May books din diyan na mapaglibangan mong basahin. Karamihan ay about sa business. Alam mo na, ganyan talaga ang mga business minded person. Pero may mga fiction pocket books, english novels. Favorite author niya si J.K. Rowling, Nicolas Sparks and the author of Fifty Shades of Grey. Mahilig siya sa SPG, kaya hayaan mo na." pabulong niya pa iyong ginawa.
Mahilig din naman ako sa mga mature-themed books. Hindi naman sa pagiging malibog. May mga life lessons ka rin namang makukuha.
Napabalik ako sa realidad. "Ano na bang dapat kong gawin?" matabang kong tanong ni Wim. "Papasok ba ako diyan sa loob para maglinis, o ano ba ang gagawin ko since marami namang mga katulong dito."
Para naman akong walang magawa dito. Siguro ay mauupo na lang ako sa sofa, tulala, at iisipin na naman kung ano ang maging kinabukasan ko dito.
"Of course, kailangan mo siyang puntahan sa loob since may gagawin pa ako sa ngayon." paliwanag niya sa akin.
Binuksan niya ang pintuan saka bumungad sa aking ang bookself na umabot hanggang kisame. Kailangan pang gumamit ng hagdan upang marating mo ang tuktok ng bookself. May isang glass table at may maraming swivel chair sa bawat gilid nito at sa pinakadulo naman ay isang parang table ni Wrum. May swivel chair na nakaharap sa glass window sa kanyang likuran. Just like he is watching the view while sitting on his swivel chair.
"Approach him. Hindi naman siya nangangagat ng tao. He just lick female's—" hindi niya na itinuloy ang kanyang nais na sasabihin dahil alam kung kabastusan iyon. "I am just joking. Ikaw na balaha sa kanya."
Sinarado na ni Wim ang pintuan. May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit hindi ko na ito magawa pa. Bumuntong-hininga ako at muling napaharap sa table ni Wrum. Tahimik pa akong lumapit dito. Hihintayin ko na lang na mapapabaling siya sa akin ng tingin.
Ilang segundo akong napatayo dito malapit sa kanyang table ay nakita ko na lang na bahagya niyang inikot ang kanyang swivel chair hudyat para ito ay mapaharap sa akin. Ngayon ko pa lang napagtanto na topless pala siya. Well, he is hot. Sinubukan kong hindi mapabaling ng tingin sa kanyang katawan. Dapat akong nakatingin sa kanyang mukha, hindi sa kanyang katawan.
Inayos ko na lang ang aking sarili.
"I saw your staring at my body," he said. "but you are not here for that. You are here to do your work as my slave." napatayo siya mula sa kanyang kinaupuan at mas lalo lang akong hindi komportable sa aking kinatayuan. Nakikita ko ang bumukol mula sa kanyang short. Darn it, bakit ba kasi kung saan-saan na lang mapunta itong aking mata. Focus on his face at siguro, ngayon ko lang din napansin na umiigting din pala ang kanyang panga. "Yeah, I am hot. Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin iyang nasa utak mo."
"I am not saying you are hot idiot." may galit kong sambit. Tama naman, hindi ko naman sinabing 'hot' siya. Nasa isip ko lang 'yon. My God. "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong ipagawa sa akin."
Naglakad pa ito palapit sa akin. Napaatras naman ako. Ayaw kong dumikit mula sa kanyang katawan.
"Ito na ang unang araw mo bilang slave ko. Ayaw kitang pahirapan pa. Lahat ng mga gawain dito sa mansion ay may gumagawa na." he said. Napasandal ako mula sa bookself dahil sa patuloy na paghakbang nito palapit sa akin. Naamoy ko na naman ang kanyang manly scent. "Kaya ngayon, kailangan mong ibigay iyang laptop at cellphone ko sa aking kwarto. Prepare me a towel at ilagay mo ito sa aking kama. After that, you are done." he said.
Napatango lang ako sa kanya. Paano ko makukuha ang laptop na nasa mesa niya kung patuloy niya akong hinaharangan? Hindi niya ba naisip iyon? Palibhasa hindi naman siya nag-iisip.
"Umalis ka diyan kung gusto mong magawa ko ang gusto mo." may galit na sabi ko sa kanya. Hindi pa siya umalis sa kanyang kinatayuan at patuloy niya lang akong pinagmasdan. Iba ang kanyang tingin sa akin na para bang may balak itong halikan ako. No. Let us cut that crap. Wala siyang balak na halikan ako. It can't be.
Bahagya siyang umalis sa kanyang pagkakatayo mula sa kanyang kinatayuan. Hudyat iyon para makuha ko ang kanyang laptop at cellphone sa kanyang mesa.
"Kung makita mo si Wim sabihin mo sa kanyang kakausapin ko siya dito at tandaan mo lang ito. Huwag mong isiping gumawa ng mga bagay na ikagalit ko kung ayaw mong may gagawin akong masama sa iyo." sambit niya.
Hindi na ako sumagot sa kanyang sinabi. Inirapan ko na lang siya ng tingin at nagsimula nang lumabas mula sa kanyang kwarto. Ayaw kong ipahalata sa kanya na may gagawin naisip na naman akong gawin sa ngayon. I hope it will work today. Hindi kagaya noong ginawa kong escape plan. It's a failure.
"Anong sinabi niya sayo?" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ni Wim. Nakasandal lang siya sa gilid ng pintuan. Napaayos pa ito ng tayo.
"Akala ko ba may gagawin ka pang ibang bagay?" tanong ko lang din sa kanya. Pinagmasdan lang niya ang dala kong laptop at cellphone ni Wrum. "Nakatayo ka pala diyan."
"Well, mahirap na kung tatayo lang ako sa loob while you and Wrum doing some business." I know what he is referring to. "Saan mo ba dadalhin iyang gamit ni Wrum?"
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Ewan ko sayo. Pumasok ka sa loob at hinahanap ka niya. Pupunta naman ako sa kwarto niya para dalhin itong gamit niya.
"Do your job well." tinapik niya ang aking balikat. "Wala naman ka naman sigurong iniisip na kung anu-ano diyan. Ilagay mo na iyang dala mong gamit ni Wrum sa kanyang kwarto." ani niya at napatango na lang ako.
+
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...