Kabanata 60

547 24 1
                                    

Kabanata 60 (unedited)

MATALIM akong tinitigan ni Wrum noong pumasok na ako dito sa mansion. Nakatayo lang siya malapit sa may hagdan habang si Wim ay nakaupo lang sa may sofa. They are wondering where I have been. Of course, 'yon ang sinasabi ng kanilang mga mata.

Napaupo lang din ako sa tapat na sofa habang sinusundan pa rin nila ako nang tingin, suspiciously. Well, narinig ko ang kanilang pinag-usapan at hindi ko na maitatanggi 'yon. Marami na kaming kinakaharap na problema, dumadagdag pa sila.

"Akala ko ba nandito ka na sa mansion? Where have you been?" tanong ni Wrum, nakapamulsa at bahagyang napahakbang sa akin. "H'wag mong sabihin sa akin Silic na kinakausap mo ang 'yong magulang? Ako ang huling kausap ng ama mo." mahinahon niyang pagpaliwanag sa akin.

Iniwas ko ang aking tingin kay Wrum. Nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya ang narinig ko. Nandito si Wim at ayaw kong marinig pa niya ang aming problema. Okay nang kami lang ang nakarinig sa aming mga problema.

"Nagpahangin lang ako sa labas at muli kong tinignan ang kotseng binili mo. Excited lang ako masyado." pagsisinungaling ko sa kanya. Alam kong hindi siya maniniwala, pero bahala siya. "Nasaan na pala ang susi ng kotse? Can I have it now?"

"Hindi dapat ako nakikinig sa inyong usapan. I'll give you both some privacy to talk, bye." paalam ni Wrum. Napatayo siya mula sa kanyang kinaupuan at tumalikod. Mabuti naman at naisip ni Wim 'yon.

Ibinalik ko ang tingin kay Wrum, napailing lang ito. "Hindi ko ibibigay sayo ang susi ng sasakyan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang katotohanan. Don't tell you, narinig mo ang amig pinag-usapan?" hindi pa niya makapaniwalang tanong.

Napalunok ako at napatango. "Narinig ko ang lahat Wrum. Hindi ko lang alam kung bakit ganon na lang ang kanilang tingin sa'yo. Ginawa mo naman noon, at napatunayan mona na hindi ka kagaya ng ama mo." hindi ko maisang malungkot. "Kung sino pa ang tinutulungan, sila pa ang may kakayahang tratuhin ng ganito."

Bumuntong-hininga lang ito, napaupo sa aking tabi at tinapik ang aking balikat. "Don't worry, walang magbabago. Kahit na magbago pa man ang taon, mananatiling tayo. I'll prove them that I am no longer an enemy. Alam kong magbabago rin 'yang tingin nila sa akin."

"I am hoping Wrum and I want to say sorry for what my family treated you at my back, and without my presence." ako na mismo ang humingi ng tawad sa kanya.

He faked a smile. Ihinawi niya ang buhok na nasa aking mukha. "You don't have to be sorry. Wala ka namang kasalanan Silic." paliwanag niya. "Our relationship must go on with the permission of your parents and I let that happen."

"At kung hindi mangyayari 'yan?" hindi ko lang maiwasang tanungin siya. Bumabalik na naman sa akin ang pag-iisip ng negative.

"I'll do it no matter what happen." he said. "That is not a promise and I do not want to promise for promises are meant to be broken. Maghahanap na lang ako ng paraan para malutas ang problemang ito kaysa mangako." he added.

"Thank you Wrum." hindi ko alam kung bakit iyon ang nailabas mula sa aking labi. I mean, I want to thank him for everything he have done.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo. Anyway, let's go to our room. I need to sleep early for our business." paliwanag ni Wrum. Napatango lang ako sa kanya at nagsimula na kaming umakyat sa taas.

Napatayo na kami mula sa aking kinaupuan at nagsimulang maglakad papunta sa may hagdan at umakyat. May naisip na sana akong tanungin sila Mama at Papa kung bakit gan'on sila, pero hindi ko kayang gawin. Natatakot lang akong paghiwalayin nila kami. They are my parents, yes they are. Pero hindi naman kailangang sila ang susundin ko kung sino ang mamahalain ko. Walang batas na nagsasabing kailangang ang magulang na mismo ang mamili sa mamahalin ko.

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon