Kabanata 42
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
____________________________________________________________________
Restaurant.
Kasalukuyan kami ngayong nasa restaurant. Kagagaling lang namin sa kanyang kumpanya. May mga kinausap itong nakamen in suit. Narinig ko ngang sinambit niya ang mga pangalan nito. Whyth, Zao, Urian and Gustav. Lahat sila ay mga business man.
Well, it is not my business para alamin pa sila. Hindi na nga ako nakinig sa kanilang pinag-uusapan sapagkat business 'yon. Hindi ako interesadong makinig sa kanilang pinag-uusapan. Inaantok nga ako n'on. Nabuhayan lang siguro ako nang loob noong sinabi niya sa aking pupunta kami dito sa restaurant.
"My father is in the mansion for now and I do not want you to face him." aniya. "Alam kong kung ano na namang kasinungalingan ang sasabihin niya sa 'yo." he added.
Inangat ko ang aking tingin dahil sa natura niyang sinabi sa akin. Inilagay ko muli sa aking plato ang kutsara at uminom ng juice.
"Yeah Silic, they are all lies. Don't trust him, just trust us." sabat ni Wim.
"I did not tell you to speak up." ani Wrum sa kanya. "And I don't need your opinion."
"I'm just telling the truth though." ani Wim.
Hindi nalang ako nagsalita pa at ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain. Maraming bagay na naman ang pumapasok sa aking isipan.
Minsan ay tinatanong nila ako pero hindi ako sumasagot sa kanilang mga tinatanong sa akin at 'pinagpatuloy ko lang muli ang pagkain hanggang sa natapos na ako.
"Wrum." sabi ko nalang sa kanya. Napabaling agad siya ng tingin sa akin. "I trust you." nasabi ko nalang sa kanya.
"Alam ko." tipid niya lang na sagot ko sa kanya. Yeah, alam niya na iyon pero gusto ko pa rin itong sabihin sa kanya ang naisip ko sa ngayon.
Bago ko pa man itinuloy ang aking sasabihin sa kanya ay narinig kong nagsalita na si Wim.
"Punta muna ako restroom. Just continue talking Silic." paalam niya sa akin.
Damn.
"I want to meet your father. Gusto ko siyang makausap sa huling pagkakataon." sabi ko. Sana naman at papayagan niya ako. Alam kong hindi siya papayag dito, pero ito lang ang tanging paraan na naisip ko. "Since nasa mansion mo na ito, bumalik nalang tayo doon para makausap ko siya."
"No." tipid na sagot nito sabay iwas sa ng kanyang tingin sa akin. "Hindi ako papayag na makikinig ka pa sa kanyang mga kasinungalingan."
"Please." nagmamakaawa na ang mukha ko sa ngayon, siguro naman at papayagan niya ako. "I already trust you."
Napatitig siya sa akin habang may seryoso itong mukha.
"Damn it." narinig ko mula sa kanya. "Fine! Fine! You can talk with my father." sabi niya sa akin.
"Thank you." ani ko.
_______________________________________________________________
Pabalik na kami sa mansion. Matapos kaming kumain ay agad na nagdesisyon si Wrum na bumalik na kami since wala na rin itong gagawin sa kanyang kumpanya.
"Nandiyan pa ba siya?" tanong ni Wrum kay Xander. Hindi sumama sa amin si Xander at kasalukuyan itong nasa mansion. "Okay" dugtong niya at agad niyang ibinaba ang kanyang cellphone.
Napaharap kaagad ito sa akin. "He is still there waiting for us." sabi niya sa akin. "He is not waiting for me, he is waiting for you." sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa ngayon. Isa lang naman ang pumasok sa aking isipan. Ang aking ama. Alam kong walang nangyayari sa kanya. I am just always thinking positive.
"Looks like he already knew that I want to talk to him." sabi ko nalang sa kanya.
"That's why I hate him." aniya.
"Then, if you hate him, bakit hindi mo nalang siya patayin para matapos na ito kaagad?" hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking labi.
Hindi lang ito kaagad na nakasagot sa aking sinabi sa kanya. Anyway, kahit na hindi niya pa sagutin ang tanong ko sa kanya, alam ko naman ang isasagot niya. Ama niya 'yon at malamang sa malamang, hindi niya kayang patayin iyon. Puwera nalanc kung matindi ang galit niya dito.
"Hindi pa oras para patayin siya." narinig kong sagot niya. "He tried to kill me for how many times, but I am just waiting for the right time to come so I can kill him."
May plano talaga itong patayin si Don Guillermo. Well, hindi ko inaasahan na marinig mula sa kanya 'yon.
"It's better that way. Para naman makuha ko na ang kapayapaan na hinahangad ko." aniya.
Napaupo nalang ako nang maayos.
"Hindi ko pa rin kayang patayin siya sapagkat nasa kamay niya pa ang ama mo." paliwanag niya. "Baka kung anong gagawin niya kay Emmanuel."
Napatango lang ako sa kanya.
"Wrum saved the life of Emmanuel. Tatlong beses na kung hindi ako nagkakamali." narinig ko namang sabat ni Wim mula sa front seat. "At dalawang beses ka na niyang iniligtas ang buhay mo."
Tatlong beses na niyang iniligtas ang ama ko at dalawang beses na niyang iniligtas ang buhay ko? My goodness.
"Totoo 'yon?" tanong ko kay Wrum.
"Hindi 'yon mahalaga sa ngayon." sagot lang ni Wrum. "Kung totoo man 'yon o hindi, ang mahalaga sa ngayon ay makausap mo na ang ama ko at pagkatapos n'on, hindi ka na pwedeng makapag-usap o makalapit man lang sa kanya. You should treat him as your greatest enemy that can't be trusted." sabi niya sa akin na tila ba hindi gustong pag-usapan ang bagay na 'yon. Hindi ko naman siya mapipilit kung ayaw niya talagang pag-usapan iyon.
Hindi ko lang inaasahan na marinig 'yon mula sa kanila sa ngayon. Akala ko naman na wala silang sasabihin na ganon sa ngayon. Yawa.
Siguro naman ang pagiging slave ko sa kanya ay isa sa mga nagawa niya para iligtas ako diba? Iyon ang sinabi niya sa akin noong una. Ano naman ang isa?
Napatango nalang ako sa kanya at ibinaling nalang ang tingin ko sa labas. Inaaliw ang sarili sa mga madadaanan namin.
Palapit na kami nang palapit sa mansion saka pa mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba. Damn it.
Wala naman sigurong nangyayaring masama sa aking ama diba?
Think positive self. Hindi ako dapat nag-iisip nang mga bagay na nagpapakaba sa akin.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na hininto na nang driver ang sasakyan sa harapan ng gate. Nandito na kami sa mansion ni Wrum. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate at tuluyan nang ipinasok ang sasakyan sa loob.
"Are you ready to hear his lies again?" tanong ni Wrum sa akin.
Napatango nalang ako kay Wrum kahit hindi naman talaga.
"I am not ready," sabi ko. "Pero kailangan ko itong gagawin."
Yawa.
___________________________________________________________
- TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...