Kabanata 47
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
_____________________________________________________________
Hell
"Saan mo kami dadalhin Don Guillermo?!"
Natataranta ako bigla. Hindi ko naman inaasahan ito. Nitong mga nakaraang araw ay itinali na rin niya ako sa isang upuan. Kagaya nang ginagawa niya sa aking magulang.
"Anong gagawin mo sa aking ama't ina!" natataranta ko muling tanong sa kanya.
"Gusto kong ipakita sa iyo Silic kung gaano ako ka demonyo." aniya sa akin sabay ngiti na para bang nasa kanya na ang tagumpay.
Nanatili lang ito sa kanyang kinatayuan habang patuloy akong kinaladkad sa kanyang mga tauhan. Nauna nang kinaladkad ang magulang ko. May tali ang kanilang mga labi hudyat para hindi ito makapagsalita. Nakatali ang kanilang mga kamay sa kanilang likuran kagaya sa akin.
Wala akong ideya kung saan niya kami dadalhin sa ngayon sapagkat wala din naman itong sinabi sa akin. Ngayon ko palang din nalaman na para bang nasa isang mansion kami. Makaluma ang desinyo nito na tila ba ilang taon na ring walang pumaparito.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ko nalang sa mga tauhang may hawak sa akin.
"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong saktan namin." ani ng isang tauhan sa akin.
Tumahimik nalang ako. Kahit ano pa ang gagawin namin, wala naman siguro akong magawa pa. Ilang araw na rin akong naghintay ng balita mula kay Wrum ngunit wala akong narinig mula sa kanya. Hindi ko alam kung maghihintay pa ba akong maligtas niya kami mula dito.
Damn it. Kung alam ko palang kung paano ang lumaban, ginawa ko na iyon. Maski ang aking amang marunong hunawak ng baril pero wala din itong nagawa. Nasa kay Don Guillermo kami sa ngayon.
Pumasok kami sa isang kwarto. Maalikabok ito. May mga sirang mesa, aparador at upuan na sira sa gilid habang may nakita naman akong isang metal na upuan sa harapan. Tila ba may mga kuryenteng nakakabit dito. Kinabahan ako bigla. Ano na naman kaya ang naisip ni Don Guillermo sa ngayon.
Nanatili lang kaming nakatayo ni Mama habang mga tauhan ni Don Guillermo ay nakahawak sa aming mga braso. Ang aking ama naman ay pinaupo nila sa isang metal na upuan. Itinali nila ang kamay nito muli sa upuan.
Isang ungol lang ang narinig ko mula sa aking ina. Para bang may gustong sabihin ito ngunit hindi niya ito magawa dahil sa nakatali sa kanyang labi.
Nakita kong pumasok si Don Guillermo dito. Nakita ko muli ang kanyang ngiting nakakairita.
"Well. Well. Well." sabi ni Don Guillermo sa akin. "This is our live show."
"Ano na namang gagawin mo sa ama ko Don Guillermo? Pwede mo bang itigil mo itong ginagawa mo sa amin?!" pasigaw kong sinabi iyon sa kanya. Nagpumiglas pa ako muli sa pagkakahawak sa mga tauhan niya sa akin.
"Well, dahil ayaw mong magpakasal sa akin, mas mabuting gawin ko nalang ito sa iyong ama." aniya at napaharap sa aking ama. "Alam mo ba kung anong klaseng upuan iyan?"
"Wala akong oras para alamin ang mga bagay sa ngayon." ani ko. "Gusto kong malaman kung ano ang gagawin mo sa aking ama!"
Bahagya itong naglakad palapit sa akin. "Kahit hindi ka interesadong alamin ang upuang iyan, well, ipapaliwanag ko pa rin ito sa iyo." aniya. "Iyang upuan na iyan ay isang metal chair. Do you what's the twist about the chair? Oh yeah, hindi ko pa ito sinabi sa iyo kaya sa tingin ko ay hindi mo pa ito alam. Pag in-on ang kuryente na konektado sa upuan, makukuryente ang ama mo. I want to show you a sample."
May sinenyasan siyang isa sa mga tauhan niya at ilang sandali pa ay nakita kong nakuryente ang aking ama sa kinaupuan nito kaya agad naman akong napasigaw. Ganon din ang aking ina ngunit tanging ungol lang ang narinig mula sa kanya.
"Maawa ka sa ama ko Don Guillermo." nagmamakaawa na ako kay Don Guillermo. "Tama na. Ihinto mo na ito."
Sinenyasan niya muli ang isa niyang tauhan at agad na pinatay ang kuryente hudyat para tumigil na ang aking ama sa kanyang paggalaw-galaw.
"Noong pinatay ni Emmanuel ang asawa ko Silic, nagmamakaawa din ako sa kanyang huwag niya itong patayin ngunit hindi ito nakinig sa akin. Pinatayan niya pa rin ang asawa." ani Don Guillermo. "I want to play it fair. Kung pinatay niya ang asawa ko, well, mas mabuting patayin ko nalang din siya."
Itinaas na niya muli ang kanyang kamay para senyasan niya sana ang kanyang tauhan pero pinigilan ko ito.
"Tama na Don Guillermo!" sigaw ko. "Gagawin ko na ang lahat para hindi mo lang papatayin ang ama ko. Para hindi mo lang papatayin ang aking ina. Kung ang pagpapakasal lang ang tanging solusyon nitong lahat....."
"Do you want to marry me or do you want me to kill your parents." sabi niya sa akin.
Bago pa man ako sumagot sa kanya, pumasok muli sa aking isipan si Wrum. Ang nararamdaman ko sa kanya at ang ginagawa namin sa gabing makasalanan. Ang matamis niyang halik na dumampi sa aking labi at ang kanyang ngiti.
I want to decide it now. Kailan kong pakasalan si Don Guillermo. Gusto kong ipikit nalang ang aking mata at isipin nalang na panaginip lang ang lahat ng ito. Panaginip lang ito.
Napaluha nalang ako at nakita kong napailing lang ang aking ina. Ganon din ang aking ama na tila ba umiinda pa rin sa matinding sakit na nararamdaman sa ngayon.
"Okay. Sa tingin ko ay gusto mo nalang na patayin ko nalang ang ama mo." Don Guillermo.
Bago pa man niya utusan ang kanyang tauhan para muling e-kuryente ang aking ama ngunit inunahan ko na siya.
"Gagawin ko ang gusto mo Don Guillermo." ani ko sa kanya kahit labag sa aking kalooban. "Gagawin ko ang lahag ang kapalit lang nito ay ang buhay ng aking mga magulang. Hayaan mo silang mabuhay at makalayo sa demonyong lugar mo."
"That's my Silic. Ang dali mo lang naman kausap Silic." ani Don Guillermo at napangiti. "Kaya nga gusto kita e."
Sa gitna nitong pag-aagaw buhay ng aking ama, nagawa pa ni Don Guillermo ang magpaka-marupok. Bwesit na Don Guillermo ito.
Narinig kong umungol ang aking ina. Sabay nito ang pag-iling at pagtulo ng kanyang mga luha sa kanyang mata.
Damn it.
Wala naman akong ibang naisip na paraan. Kung hindi ako sumang-ayon sa gusto ni Don Guillermo, malamang mamatay ang ama ko.
"Iyan ang gusto kong marinig mula sayo Silic. Nag-iisip ka tungkol sa iyong pamilya." aniya. "Well, dahil sa desisyon mo sa ngayon, nagbago na rin ang isip ko sa ngayon Silic."
"Hindi ako interesado." sabi ko. "Gusto kong pakawalan mo na sila sa ngayon."
"No. I don't want to. Magiging manugang ko na sila kaya dito na sila titira kasama sa atin." aniya. "Hindi ko na sila papakawalan pa at halong hindi na kita papakawalan pa."
Bwesit ang matandang 'to.
Wrum. Nasaan ka na ba?
_____________________________________________________
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...