The Chapter Four: As A Slave?
Panibagong araw dito sa mansion ni Wrum. Nawala sa isipan ko ang tumakas dito. For escaping is impossible here is really hard to do. Sa higpit pa naman ng kanilang seguridad dito, alam kong hindi na ako makakatakas pa.
"Kumain ka na Silic. The beast wants you to eat today with a special foods. Niluto ko ito para sa iyo, "sabi ni Wim, as he is referring to Wrum.
Napaayos lang ako ng upo dito sa upuan ng dining table. Napaharap na siya sa akin at inilapag na niya ang niluto niya. Marami din ang niluto niya at siguro naman akong hindi lang ito para kay Wrum. He is not even here for he is doing some of his business. Wala naman akong alam na aalis na pala siya at wala din naman akong balak na alamin iyon.
Ngayon ko pa lang napagtantong mamahaling pagkain ang nasa aking harapan. Minsan nga lang ako makakain ng ganito, pero dito, parang normal na pagkain lang. Just wow lang.
"Hey Silic, eat. Ayaw kong mapagalitan na naman ni Wrum. Sige ka, baka kung ano na ang gagawin niya sayo dito." sabi niya na tila ba tinatakot niya ako. "But you don't have to worry about it. Hindi ka naman niya papatayin. He needs you."
He needs me? Damn hell.
"Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang muna ang kumain." sabi ko na lang sa kanya. "Ang gusto ko lang sa ngayon ang makalabas na mula dito.
Iyon lang ang gusto ko Wim."Hinubad ni Wim ang kanyang suot na apron. Inilagay niya ito sa pinaglagyan nito saka napaharap sa akin muli. Napailing lang siya at walang kung anong salita ang lumabas mula sa kanyang labi.
"Please tulungan mo akong makatakas mula dito. Please?" halos magmamakaawa na ako sa kanya ngunit iniwas lang niya ang tingin sa akin.
Kumuha siya ng dalawang grapes mula sa mga nilalagyan ng prutas sa gitna ng mesa.
Kinain niya ang isa habang isa ay nasa kanyang kamay pa.
"No." tipid niyang sagot.
"Ikaw lang siguro ang makakatulong sa akin dito. Mukha ka namang mabait." I said.
"Mukha lang, pero hindi mabait." he smiled at me. Tila ba hindi niya sineseryoso ang aking sinasabi. Nagmamakaawa na nga itong aking mukha. Mukha ba akong joker?
Napatingin siya sa akin at muling napailing. "Nagkakamali ka Silic. Hindi kita matutulungan sa gusto mong mangyari. Ayaw kong masira ang tiwala na ibinigay sa akin ni Wrum. Among all his staffs, ako ang pinagkatiwalaan niya at hindi ko gustong masira ito dahil sayo." kinuha niya ang apple sa mesa at kinagat ito.
"Tulungan mo ako please." I said.
"No. I can't, sorry." he replied.
"I am begging you."
"It is still a no for me." he said. "You should be thankful for Wrum still let you live despite what your father have done to their family. You know, hindi naman iyan ganon ka-brutal si Wrum kumpara sa kanyang ama at kung papipiliin man ako, mas pipiliin ko pa si Wrum."
"Wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Alam simula noong una akong dumating dito, tanging gusto ko lang ang makalabas na. Potangina niyo lang talaga." I said. "At isa pa, hindi dapat ako magpapasalamat sa kanya."
Dapat ba akong magpasalamat? Puro mali ang ginawa niya sa akin. Dapat nga akong malungkot at magalit sa kanya dahil sa ginawa nito.
"Pwede mo ba akong pahiramin ng cellphone? Tatawagan ko lang ang aking pamilya at aking kaibigan na nandito ako sa isang mansion at hindi ako makakauwi muna doon." sabi ko sa kanya. "Please? Kahit 'yon lang ang maitulong mo sa akin."
Pinagmasdan lang niya ako at napakamot sa kanyang ulo. "Fine. Do it just for a couple of minutes and return it to me after." he said.
Sa wakas, naawa din siya sa akin. "Salamat." tipid kong sagot.
Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. He swipe his phone and looks like he type his cellphone's password. Matapos niya iyong ginawa ay ibinigay niya ito sa akin. Akmang kukunin ko na sana ito nang may narinig akong nagsasalita mula sa aking likuran.
"You can't use any cellphone." isang pamilyar na tinig ang aking narinig sa aking likuran. Walang iba kun'di si Wrum. Kill joy naman siya. Ito lang sana ang oras ko para kausapin ang pamilya ko. "Did I told you that?"
Tinago ni Wim ang kanyang cellphone. "Let me explain Wrum—"
"I do not want to hear your stupid explanation Wim." Wrum said it with authority. "Get lost." napatango lang si Wim at agad itong umalis mula dito sa kusina. Ayaw ko pa sana siyang umalis. Siya lang naman ang matinong nakakausap ko dito. Hell.
"Eat. Did Wim told you that I don't want you to be hungry?" napaupo siya sa aking tabi. Inilapit niya ang plato na may lamang pagkain sa akin. "You need to eat. Hindi pwedeng hindi ka kumain slave."
Napatayo ako at sinamaan lang siya nang tingin. "Wala akong ganang kumain." tipid kong sagot.
"Eat!" sigaw niya sa akin. Halos masira ang eardrum ko dahil sa bulyaw niya. Potangina lang niya talaga. Okay lang sa akin magalit si Mama, pero hindi ko hahayaang may ibang taong magalit sa akin nang hindi ko naman kilala. Just like him.
"Paano ako magkakaroon nang ganang kumain kung nandito ako sa mansion mo? Wala akong balak na kumain mula dito at pwede ba huwag mo akong tawaging slave? May pangalan ako at mas lalong hindi mo ako slave naintindihan mo ba ako?" may galit kong tanong sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Kahit na anong sabihin mo sa akin, wala akong pakialam." he said.
Without any words, sinampal ko siya sa mukha. Napahawak siya sa kanyang mukha. He eyed me angrily just like he wants to eat me alive with his look.
"Sinampal mo ako?!" hindi niya makapaniwalang tanong niya sa akin. "Do you want me to kill you now?!" muli niyang sigaw.
Dali akong napailing. "Hell no. Please no."
Unti-unti na niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Kinakabahan pa ako lalo. May balak kaya siyang halikan ako? Damn him.
"Don't dare to do it again if you do not want me to skin you alive." pagbabanta niya sa akin. Hindi na niya naituloy pa ang nais niya sanang sasabihin sa akin nang nakita naming lumapit na muli si Wim.
"Wrum, Mr. Romeo just called me and said that he needs to talk to you. Some business probably." sabi ni Wim. "Business before woman, ika nga nila." muli nitong sambit.
"Stupid. Huwag mo akong turuan kung ano ang dapat kong gagawin." may bahid ng galit na sabi ni Wrum kay Wim.
"Iyon nga ang sabi ko Wrum." ani nalang ni Wim.
Nakahing ako nang maluwag. Mabuti nalang at dumating si Wim.
"We're not yet done." narinig kong sabi ni Wrum sa akin at nakita kong naglakad na ito papunta kay Wim. Kinuha niya pa ang cellphone ni Wim tila ba nawalan na siya nang tiwala dito.
_
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...