Kabanata 35

1K 46 4
                                    

Kabanata 35

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

+

He ain't my type, but these several days, I felt something strange to him. And I don't want to call it love. It can't be love and I can't accept also that I am already falling for him. Hindi maaring mahuhulog ang isang slave sa kanya. Hindi ko dapat iyon prinapriority sa ngayon. Kailangan kong e-priority ang kaligtasan ng aking ama.

Yes, my father. Kahit na hindi pa sinabi sa akin ni Wrum na nasa kamay nga ito ni Don Guillermo, malaki ang kutob kong nasa kamay niya ito. Hindi naman siguro ako pagbabantaan sa gabing 'yon kapag wala pa. Naaalala ko pa ang mga sinasabi niya sa akin. Mula sa kanyang sinasabing masasabi kong nasa kanya talaga 'yon.

Bumuntong-hininga nalang ako. Bahagya kong ipinikit ang aking mata. I just want to wish that my father is okay. That he is still alive and breathing. Hindi ko 'yon matanggap na patayin nila ang aking ama. At sana, hindi nasama sa kanilang paghihiganti ang aking ina. My mother is too weak to face this. Kahit ako nalang.

"Are you still thinking about your father?" napamulat lang ako dahil sa tanong ni Wrum sa aking tabi. Nakatayo lang ito sa aking tabi habang tinatanaw niya rin ang magandang tanawin na matatanaw mula dito sa veranda.

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa tanawin at dinaramdam nalang ang sariwang hangin na humahaplos sa aking balat. Patuloy lang akong nananahimik habang nasa tabi ko pa rin siya.

"Sinabi ko na sayong h'wag ka nang mag-aalala pa sa 'yong ama." aniya. "I told you he's safe." he added.

Iyon naman ang palagi niyang sambit. Na okay lang ang aking ama at ligtas lang ito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Hanggang salita lang ito. Kahit anong sabihin pa ang kanyang sasabihin, hindi pa rin ako maniniwala sa kanya. Paano ko masisigurong okay lang ito kung wala siyang pinapakita sa aking proweba? Prowebang nagpapatunay na okay lang ang ama ko.

I still don't want to believe him. He is still the son of Don Guillermo.

"I don't believe you." sagot ko. "And I can't trust you." I added.

Nagulat lang siya sa aking sinabi. "You need to believe me. I did everything to protect you and you're father. Not just your father, but also your mother." ginawa niya 'yon? "Hindi ko dapat ginagawa ito. Damn it."

Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Pri-no-protektahan niya ang aking pamilya at pati na rin ako?

"Bakit mo 'yon ginagawa?" hindi ko maiwasang tanungin siya. Hindi ito kaagad nakasagot sa natura kong tanong ko sa kanya. "Hindi mo dapat ginagawa 'yon sa amin."

"Because...because..I just want to." he said. "I just want to help you." paliwanag niya.

Iyon lang nga ba ang dahilan kung bakit niya 'yon ginawa sa akin. Alam kong may mas malalim na dahilan pa 'yon pero hindi niya lang sinabi sa akin. I can see it through his eyes. Mula sa kanyang mga titig sa akin. And I don't want to think about it. He already said the reason. He just want to help me. Iyon lang.

"You want to help me right?" tanong ko sa kanya at napatango lang ito sa akin. "Kung gusto mo akong tutulungan at magtiwala ako sayo, bakit hindi mo sabihin sa akin ang lahat. Ang dahilan kung bakit tayo pumunta dito sa Cebu, kung nasaan na ang aking ama sa ngayon. Dinala na ba ni Don Guillermo sa kahit saang lupalop ng Pilipinas or what."

Bumuntong-hininga nalang ito at sumeryoso ang kanyang tingin sa akin. "Don't asked me about it. Just trust me. Walang mangyayaring masama sa 'yong ama." sagot niya.

"Hindi 'yan ang gusto kong isagot mo sa akin. I want you to answer it." sabi ko sa kanya. "Don't hide it. Sabihin mo sa akin ang katotohanan."

"Wala na akong dapat pang sasabihin sayo. Nasabi ko na ang lahat." iniwas niya ang tingin sa akin. "Matulog ka nalang at h'wag kanang mag-isip nang kung anu-ano diyan." aniya at tatalikod na sana siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"Paano ako makakatulog kung patuloy mong itatago sa akin ang katotohanan Wrum?" napahinto siya at bahagyang napabaling sa akin. "Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin ang katotohanan?"

"As I told you, you don't have to worry. Walang masamang mangyari sa ama mo." aniya. "Just don't forced me to answer your stupid question." naglakad na ito palayo sa akin.

"Wrum sagutin mo ang tanong ko sayo! Huwag mo akong talikuran nalang!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi na ito nagpatinag sa aking sinabi sa akin.

I just need to trust him? Then, how can I trust him kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Tila ba wala siyang tiwala sa akin. Hindi niya nga sinabi sa akin ang katotohanan. Tapos sasabihin niyang magtiwala lang ako sa kanya? That's stupid.

Marami pa ring mga katanungan sa aking isipan ang hindi nasasagot. Paano naman masasagot ito kung patuloy siyang umiiwas sa akin sa tuwing tinatanong niya sa akin 'yon. Damn it.

"Hey Silic. Are you okay? May nangyari bang masama? Sabihin mo sa akin?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Wim. "Nag-aaway ba kayo ni Wrum? Naghihiwalay na ba kayo?"

That's a bullshit question that I have heard from him. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Wala kaming relasyon okay? Slave nga lang ako dito diba?" napakamot nalang siya sa kanyang batok. "I'm not okay, but it's okay."nilagpasan ko nalang siya at babalik na sana ako sa aking kwarto ngunit sinusundan niya pa rin ako habang umiinom ito ng beer.

"Sabihin mo sa akin Silic kung ano ang problema mo. Baka matulungan kita diyan."

Napahinto ako sa paglalakad saka muling napabaling sa kanya nang tingin. Tama. Baka siya na ang makapagsabi nito. Napaharap ako sa kanya muli. "Gusto kong sabihin mo sa akin ang lahat nang nalalaman mo tungkol kay Don Guillermo at gusto kong sabihin mo sa akin kung na kay Don Guillermo ba ang ama ko." sabi ko. "Sabihin mo akin. Diba gusto mo akong matutulungan?"

Napakamot siya sa kanyang batok. Tila ba hindi niya masasagot ang tanong ko sa kanya. Akala ko ba gusto ko niyang tutulungan? Sasabihin na naman ba niyang hindi niya masasabi ito sa akin dahil natatakot siya kay Wrum? Dahil natatakot itong mapatay ni Wrum?

"Ano kasi Silic-"

"Alam ko na ang isasagot mo. Huwag mo nalang ituloy pa ito Wim." sabi ko nalang sa kanya. "Pareho lang kayo ni Wrum. Sabi niyo gusto niyo akong tulungan, pero kahit konting sagot lang hindi niyo magawa."

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at naglakad na muli papunta sa kwarto ko.

"Tandaan mo lang ito Silic. We did our very best to protect you and your father!" bago pa man ako tuluyang nakapasok sa aking kwarto ay narinig ko 'yong sigaw ni Wim. "And don't think that you are just a slave here! Kailan ma'y hindi ka namin tinuturing na slave!"

Tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto at sinarado na agad ito. Damn it. Hindi nila ako tinuturing na isang slave?

+
TheDarkProphecy

To be continued....

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon