Kabanata 59 (unedited)
DON GUILLERMO—ang taong nasa aking isipan sa ngayon. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ito ba ay totoong namatay na o sadyang na-trauma ako. He is dead. May death certificate na siya, inilibing na siya at alam kong hindi na siya mabubuhay pa. Like hello, sa mga movies lang naman makikita ang taong mabubuhay ulit. Isang napaka-imposible nitong aking naisip.
As what Xander told, they will conduct an investigation for the incident and they concluded that someone used that old man or shall we say, inutusan itong pumapagitna sa kalsada nang sa gayon ay masabugan din kami ng bomba na dala ng matanda. Unfortunately, lumayo ang matanda at siya na mismo ang nasabukan ng bomba. Hindi ako kumain kanina dahil sa insidente sapagkat nawawalan ako ng gana.
From an old man standing to a tiny pieces scattered everywhere—mas mabuting hindi ko na iyon iisipin pa.
Lahat dito sa mansion ay busy pa rin sa kanilang monitoring. Me, Wim and Xander are here in the monitoring area. Ang lahat ng kuha mula sa kanilang drone at mga CCTV ay nasa harapan na. Nirereview pa rin nila ang lahat noong hindi pa kami lumabas sa gate. Hinack ni Tata ang isang CCTV footage sa isang mansion malapit lang sa pinangyarihan ng insidente. Nakita naming lahat na dumaan ang matanda doon dala na ang sako.
"Try to find another house or maybe an establishments who have a CCTV camera." sabi ni Wrum noong dumating na siya dito sa monitoring area.
"Walang ibang establishments na malapit pa. Masyadong malayo ito at hindi natin malalaman kung sino ang nag-uutos sa matandang iyon." paliwanag ni Tata. "Pero sa dulo nitong Alleonar Street, may lumabas na isang puting sasakyan. As I said, hindi natin malalaman na sila iyan since karamihan sa mga naninirahan dito ay mayayaman at de-kotse. Mahirap paratang ito sa iba." he added.
"Keep searching for clues. Kung malalaman ko kung sino ang gumawa nito, humanda siya ng hukay para sa kanyang libingan." may galit na paliwanag ni Wrum. Makikita mo talaga sa kanya ang galit.
"Don't worry Wrum. Kami na ang bahala dito." sambit ni Wim.
"Doon na lang ako sa labas para tumulong magbantay." sambit naman ni Wim.
Napatango lang si Wrum at niyaya niya akong lumabas mula dito sa monitoring area. Ayaw ko pa sana ngunit pinilit ako ni Wrum. Wala na akong magagawa pa. Niyaya niya akong kumain. Napatango ako kasi kanina pa ako walang kain ngunit nang nasa hapagkainan na kami, hindi ko naman ginagalaw ang pagkain.
"Tomorrow is my birthday. Kung may balak man kayong surpresa, huwag niyo na lang itong ituloy at kung may pakulo pa kayong anu-ano diyan, itigil niyo na bago pa man ako atakihin sa puso dahil sa nerbyos." paliwanag ko kay Wrum. Napaangat siya sa akin ng tingin. "Well, a single celebration is already enough for me."
"As I told you, I am not even included to your surprise. I mean, naging busy ako these past weeks." he explained. "But I am planning to give something to you tomorrow. A simple, yet a memorable one." paliwanag din niya.
"But hell, may bago na namang umusbong na kaguluhan Wrum. Mas binalak ko na lang na magmukmok sa kwarto kaysa naman magpakasaya sa gitna nang kaguluhan." I said.
"Huwag mo na lang isipin ang lahat ng taong gustong sirain muli ang tahimik nating buhay. Namatay na siya." as he is referring to his father. "Ang mahalaga sa ngayon ay magpakasaya tayong dalawa."
Tapos na kaming kumain dalawa. Inihatid niya na ako sa taas kasi may balak pa itong pumunta sa monitoring area para i-check ang latest update. Sumang-ayong lang din ako saka tuluyan na itong umalis. Napaupo ako sa gilid ng kama. I am watching some funny videos to distract myself. But even if how many times I tried to do it, bumabagabag pa rin sa aking isipan ang lahat. For that, nahiga ako sa kama at ipinikit ang aking mata. Oh God, hayaan mo na akong makatulog sa ngayon.
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...