Chapter 7
Hindi pa man tapos ang pag-uusap ni Wrum at Don Guillermo ay nauna na akong lumabas sa kanila. Sinubukan nila akong pigilan ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang aking paglalakad. Hinarangan lang ako ni Wim. Sinabi niya kay Wrum na siya na muna ang bahala sa akin. Sisiguraduhin niyang hindi ako makakatakas.
Kaya ngayon ay nandito ako sa labas ng mansion nagpapahangin habang may nakabuntot na anim na armadong guwardiya ni Don Guillermo, excluding Wim. Maraming mga mapuputing bulaklak sa bandang gilid ng mansion. White roses at iba't-ibang kulay white na bulaklak. Ang ganda-ganda dito maliban na lang sa naninirahan dito. Mga salbahe at walang mga puso.
"Babalik na tayo sa kotse Silic. Baka tapos na rin ang pag-uusap nila sa loob." sambit ni Wim sa aking gilid. "At alisin mo na sa isipan mo ang pagtatangkang tumakas. Tignan mo ang nakabuntot sa atin, malalaking tao pa 'yan." tinignan niya pa ang nakabuntot sa amin sa likuran.
"Ayaw ko muna sila makita." nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Pumitas pa ako ng isang bulaklak at inamoy ito. Well, mabango siya. Mabangong bulaklak. "Alam mo na kung bakit. Minsan na nga lang ako makalabas kaya lubos-lubusin ko na ito."
"Fine. Bibigyan pa kita ng limang minuto para makapaglibot sa garden. How about doon tayo maglakad-lakad sa may pool area?" suggest niya at napailing na lang ako.
Malungkot at bored na bored na talaga ako. May naisip akong gawin ngunit hindi ko alam kung oobra ba ito. Gusto ko sanang linlangin sila since may nakita akong isang maliit na gate. I am not sure kung nakabukas ito.
Plan A; kung sakali mang nakabukas ang gate na 'yon sa gilid, makakalabas na ako. Tatakbo lang siguro ako nang tatakbo sa labas at hihingi ng tulong sa bawat taong aking madadaanan o makikita. Plan B; if ever na lock ang gate, kalmado na lang akong papunta sa kotse. Ang driver ay nandoon na at siguro, susuntukin ko nalang iyon sa mukha o kukunin ang kanyang baril para ako na ang magmamaneho ng sasakyan para tuluyang makatakas. Plan C; if nothing really works, then, sasampalin ko na lang si Wrum. Sarap niya murahin.
Napahinto na kami sa sinasabi kong gate kanina. Bago ko pa man magawa ang Plan A ko, narinig ko na si Wim na nagsasalita sa aking tabi.
"Alam kong may binabalak ka noong nakita mo ang gate Silic. Pero please lang, naka-lock iyan. Hindi mo talaga magawa iyang escape plan mo." said Wim.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. Paano niya naman nalaman na iyon ang gagawin ko e hindi ko naman sinabi sa kanya? Fine! Hindi ko na magagawa ang plan A ko at nangangahulugan lang iyan na kailangan kong mag-proceed sa plan B. So for that, sinabi ko lang kay Wim na babalik na ako sa kotse. Tamang-tama naman at sinabi niyang papasok siya sa loob para tignan kung tapos na ba sila o hindi pa.
"Magpahinga ka na muna diyan sa kotse Silic." said Wim at napatango ako. Pumasok na ako sa loob ng kotse at napaayos kaagad ng upo. Wala ang driver dito at naiwan pa niya ang susi dito sa loob. The windows are tainted. They can't see what I am doing here inside. Kahit na siguro maghuhubad ako.
Let us cut that crap and proceed to my plan B. Pinagmasdan ko lang lahat ng tauhan sa may hagdan. Masaya lang silang nagkwentuhan.
Nagdasal ako sa panginoon na sana ito na ag oras na makatakas na ako. Hindi ko na mabilang kung ilang attempt ko na itong tumakas. Bahala na kung ano ang kahihinatnan nito.
Binuhay ko na ang makina ng sasakyan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at unti-unti ko nang pinaandar ang kotse. Nakita ko mula sa side mirror ang mga tauhan na. Hinahabol na ako nila at inilabas pa nila ang kanilang mga baril. Itinutok nila sa kotse. Ganon din ang ginawa ng mga guwardiyang sinasalubong ako. Sinirado ang gate saka sinimulan na nila akong pinaputukan ng baril.
Yumuko pa ako para hindi matamaan ng bala. "Buksan niyo ang gate parang awa niyo na mga hampaslupa!" sigaw ko at mas lalo ko lang na binilisan ang takbo para tuluyan kong masira ang gate. But expectation really hurts me. Muntik lang mabagok ang aking ulo sa steering wheel dahil sa lakas nang impak sa gate na akala ko ay makakalusot ang sasakyan.
"Shit!" sigaw ko na muli. My plan A and B are ruined. Ba't na kasi hindi ko magawa ang escape scenes ni James Bond. He is my favorite artist when it comes to action movies.
Pumapalibot na sa sasakyan ang lahat ng tauhan ni Don Guillermo at Wrum. Pati na rin si Wim na patuloy na kinakatok ang bintana nang sasakyan. Itinago ko lang din ang mukha ko sa hiya nang nabuksan na ni Wim ito.
"I told you not to create a fuss Silic. Sinira mo lang ang sasakyan ni Wrum at alam kong papagalitan ka na naman niya." paliwanag niya. "Damn. Lumabas ka na diyan sa kotse ang harapin si Wrum."
Shit.
****
Lumipat kami sa van ni Wrum para tuluyan na kaming makauwi sa kanyang mansion. As expected, kanina niya pa ako sinisigawan dahil sa ginawa ko at mas lalo ko lang raw pinalaki ang utang ko sa kanya. Kahit na ilang beses ko pang iisipin, wala naman akong utang sa kanya bago pa man nangyari ang aksidente.
"Ihinto mo na ang pagsigaw sa kanya Wrum. Pati ako dito sa harap halos masisira na ang eardrum ko." said Wim. "But anyway, hindi naman ako nangingialam. I am just trying to tell you some business. Mr Tuniquni....." nagsimula na muli ang kanilang business talk at dahil wala naman akong balak na pakinggan iyon, ibinaling ko na lang ang tingin sa labas. Inaaliw sa mga madadaanan naming mga bahay.
"Okay. Kausapin mo muna siya diyan sa restuarant. Sabihin mo na lang na may inaasikaso pa akong bagay-bagay." paalala niya kay Wim. Namalayan kong ihininto niya na pala ang sa gilid ng isang restaurant na kanyang sinasabi.
"I'll be back. Just give me ten minutes to settle this." Wim said at tuluyan na siyang lumabas. Katahimikan ang kaagad na pumapagitan sa amin ni Wrum, ako at ng driver.
Wala na akong balak na magsalita dahil sa ginawa ko kanina. Ang mahal pa naman ng kanyang sasakyan. Baka oras na ito para ibebenta ko ang isa kong kidney para magkapera. But damn hell, wala akong balak na bayaran siya. Ako ang nakasira sa kanyang kotse ngunit isisisi ko sa kanila ang lahat. Kung hindi nila ako pinipilit, edi hindi mangyayari iyon. Nasaan ba kasi ang utak nila at hindi nila magawang isipin iyon?
"Let us make it as an official deal." basag ni Wrum sa katahimikan na pumapagitan sa amin. "You'll accept to be my slave so that I will make sure that I am going to take care of your family, you and what you have done to my car." he added.
Napabaling ako sa kanya at nakita kong pinagmasdan lang din niya ako. "Wala akong balak na tanggapin iyan." paliwanag ko.
"Kung gusto mong pahirapan ang pamilya mo, okay lang naman sa akin iyon. I'll order my guards to prepare an attack to your house. Alam na namin kung saan kayo nakatira." pagbabanta niya sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Then, tell me where?"
"Corner St. Vincent and Jose Rizal St.—" iwinasiwas ko na ang aking kamay sa ere.
"Stop," pagpapahinto ko sa kanya. "Ipapangako mo sa aking wala kang masamang gagawin sa pamilya ko, magiging slave mo ako." kinakabahan kong utal. Kung maipapangako lang naman niya, why not? Bahala na akong masaktan dito huwag lang sila.
"I promise." tipid niyang sagot.
"Fine." sagot. "Magiging slave mo na ako!"
"But remember, promises are meant to be broken." he said. "I cannot assure your family's safety because of your stupid doings to me. I am not still done with you. Huwag mong hintayin na babalatan kita." pagbabanta niya.
+
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
AkcjaSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...