Chapter 14
Naging malapit ako kay Wim. Hindi ko magawang mag-aalala sa nangyari sa kanya. He wants me to be his bestfriend here, but I'd treat him as an enemy and cannot be trusted. I just want to regret about it hearing about him ambushed.
Narinig kong nag-uusap si Wrum at ibang mga tauhan niya. Narinig kong nasambit niya ang aking pangalan. Pinag-usapan nila ang mga possibilities kung sino ang may gawa n'on. It's either my family or his father. Galit din sa kanya siya sa kanya. Pero mas may hundred percent chance na ang makagawa n'on ay ang pamilya ko, ayon sa kanya. Masaya ako para doon. Sa wakas.
"Don't smile yet Silic. Hindi pa rin matatapatan nila ang lakas ng aking mga tauhan kumpara sa magulang mo." may galit na sambit ni Wrum. Wala naman akong kung anong sinabi sa kanya kanina tungkol diyan. "Subukan lang nilang lusubin ang mansion ko. Matutusta silang lahat." pagbabanta niya.
"Kung makapagsalita akala mo malinaw na ang pamilya ko ang may gawa kay Wim. Do a proper investigation. Hindi lang ang pamilya ko ang kalaban mo dito." paglaban ko sa pamilya ko. Wala naman siyang maibigay na patunay na sila talaga ang may gawa n'on.
"Hindi pa tayo tapos sa parusa ko." paalala niya at tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin.
****
Sinabi sa akin ni Xander na itinakbo kaagad sa hospital si Wim. Okay lang daw naman ito at natamaan ang kanyang balikat sa baril. Nananatili sa kanyang balikat ang bala kaya o-operahan ito habang ang dalawa niyang kasamang tauhan, sa kasamaang palad, namatay sila.
They said they are trying to protect Wim. Mas pinili nilang isakripisyo ang kanilang mga sarili maprotektahan lang siya. Nakakalungkot na balita.
Gustuhin ko man na dumalaw sa kanya sa hospital pero hindi ko magawa. Hindi ako pinayagan ni Wrum na pumunta doon. Hinihintay ko nalang silang bumalik dito. Iyon lang naman ang magagawa ko sa ngayon. Hintayin nalang na maging okay si Wim at para makauwi na din siya dito sa mansion.
Nagpapasalamat na rin ako at walang gulong naganap. Walang lumusob na kaaway dito sa mansion. Panigurado ako sa aking sarili na marami pang kaaway na iba. Kaya pati si Wim nadadamay na dito.
"Wim is fine. Wala na tayong dapat na ikinabahala doon boss." narinig kong sambit ni Xander. "Alam na din namin kung sino ang mga taong 'yon.The way they ambushed Wim. Isa lang masasabi ko kung sino sila."
Nakabihis silang dalawa kaya dali akong bumaba ng hagdan saka lumapit sa kanila. Gusto kong sumama sa kanila papunta sa hospital para kumustahin si Wim. Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kwarto.
"Are you going to the hospital?" tanong ko sa kanilang dalawa hudyat para mabaling sila sa akin. Nasa may sofa pa sila. Nakatayo.
"Yes. Why?" sagot ni Xander. "Bibisitahin ni Boss si Wim."
"Isama niyo ako. I need to see him too." sabi ko at napatingin kay Wrum. "Can I?" I am almost begging. Pasalamat siya sa akin at hindi na ako nagmamakaawa pang palabasin na sa mansion niya.
Ilang segundo rin niyang ipinako sa akin ang tingin. Hindi ko rin tuloy alam kung mayroon bang dumi ang mukha ko. Napaharap ako sa salamim kanina. Wala akong nakitang dumi.
"No. You can't go with us." cold niyang sagot. Ganyan naman talaga siya parati. Dapat na akong masanay. "You better help the maid cleaning the mansion."
Right. I'm a slave. I should work here.
Nakita kong napaharap siya kay Xander at pinauna na niya itong lumabas. Ibinalik niya ang seryosong tingin sa akin.
Bumuntong-hininga nalang ako. "I am your slave right? I should be at your side anytime. Naghihintay na utusan mo ako." sabi ko. Nagbabakasaling magbago ang kanyang isipan. "Kaya isama mo na lang ako. Mabubulok na ako dito sa mansion mo. Palabasin mo naman ako minsan."
"No." he said. "Stay here." May sasabihin pa sana ako sa kanya ngunit nagmamadali na itong lumabas. Kaya hindi ko na ito nasabi pa.
Inilibot ko lang ang tingin niya sa paligid. May mga bodyguards pa rin siyang palakad-lakad at armado pa rin ito. Same as usual, napakahirap pa ring makatas dito. May mga uniformed maid na naglilinis sa mga bintana at meron din sa may kusina.
Sinubukan ko silang lapitan at sinubukan silang tanungin kung may maitutulong ba ako sa kanila. Napailing lang sila sa akin. Baka mapagalitan raw sila ni Wrum pag tinulungan ko sila. Kahit na anong pilit ko sa kanila na tutulong ako ngunit kung meron man, hindi nila ako hahayaang tumulong.
Ayaw kong pilitin kung ayaw talaga nila at baka makakadistorbo lang ako sa kanilang paglilinis.
Sinubukan ko sanang lumabas mula sa mansion pero hindi rin ako hinayaan ng mga bodyguards ni Wrum. Baka mapapatay sila pag nawala at nakatakas ako sa mansion.
Wala akong ibang choice kung hindi ang maglakad-lakad na lang dito sa loob nang mansion hanggang sa namalayan kong dinala na pala ako ng aking mga paa papunta sa restricted area. Ang lugar kung saan matatagpuan ang underground floor.
Kung kahapon ay may nakita akong mga bantay dito, ngayon wala na. Tila ba sumama sila para mabantayan ang seguridad ni Wrum. Oras na siguro para malaman ko kung ano ang nasa ilalim. Wala naman sigurong multo diyan, baka may mga tao pa ngang tinatago pa siya diyan.
Napahinto na ako sa may hagdan. Palinga-linga agad ako sa kaliwa't kanan. Siniguro kong walang makakakita sa akin dito. Nagsimula na akong bumaba ng hagdan habang matinding kaba aking nararamdaman sa ngayon. Sana naman at hindi ako mahuli sa aking ginagawa. I'm curious and curiosity can kill me now.
Nagpatuloy ako sa pagbaba. Pababa na ako nang pababa habang tumindi ang kabang aking naramdaman.
Napahinto ako sa paglalakad. May narinig akong ingay mula sa underground floor. Sino 'yon? Hindi ko pa ipinagpatuloy ang aking paghakbang. Gusto kong marinig muli ang ingay na 'yon.
"AH!" malakas na sigaw mula sa underground floor. Isang boses lalaki. "AH!" muli nitong sigaw.
Sino 'yon? Nanginginig na ang aking tuhod dahil sa aking narinig. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Gustuhin ko mang malaman kung ano at kung sino 'yon pero natatakot ako. Baka multo.
"AH!" narinig ko na naman ang sigaw nito kaya agad na akong napatakbo paakyat. Panigurado naman akong hindi 'yon multo. Panigurado naman akong tao 'yon.
Tama nga ba ako sa aking mga hinala. May lihim na nakatago diyan sa ilalim. Isang lihin na kailangan kong alamin.
"Pinagbabawal ang pagpasok diyan, hindi ba Silic?"
Nagulat ako sa aking nakita noong nakalabas na ako nang tuluyan. Nakita ko si Jeric at ang tatlo niyang pang kapwa bodyguards na kasama niya.
"Alam mo 'yon Silic diba? Bakit mo sinuway ang utos ni Wrum?" muli niyang tanong sa akin.
Napalunok naman ako. "I'm just curious." paliwanag ko sa kanya. "At hindi naman talaga ako tuluyang tumapak sa underground floor. Hanggang sa hagdan lang ako at bumalik na kaagad ako dito."
"Wrum told me, na kapag may nilabag ka, gaya na lang ngayon na iyong ginawa, mapaparusahan ka." aniya. "Sabi niya ako na ang magpaparusa sayo."
Nagulat lang ako sa kanyang sinabi. "What?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Hindi ako naniniwalang inutusan siya ni Wrum. Ayaw nga ni Wrum na hahawakan nila ako, paparusahan pa kaya nila.
"Hawakan niyo siya." utos niya sa tatlo niyang kasamahan at agad nila akong hinawakan. Mahigpit na pagkakahawak sa aking kamay. "Paparusahan natin 'yan at sabay-sabay nating parusahan habang wala pa si boss."
+
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...