Kabanata 44.1

717 32 3
                                    

Kabanata 44.1

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

________________________________________________________________

A night to remember.

Isang nakakapagod na paglalakad ang aming ginawa papunta dito sa pinakatuktok ng bundok ng Mt. Binabag. Agad lang din namang nawala ang pagod nang makita ko ang magandang tanawin dito. Kita ang buong siyudad at tamang-tama lang ang datingan namin sapagkat nakikita namin ang sunset na kay ganda.

Tama lang ang desisyon ni Wrum na pumunta kami dito. Walang ibang taong naririto, kaming dalawa lang ni Wrum. Hindi niya naman siguro ito nirentahan ng isang gabi ang buong bundok para kami lang ang mananatili dito ngayong gabi.

Unti-unti nang dumidilim habang unti-unti na ring umilaw ang mga bahay at mga establishments na makikita dito.

Ang ganda nang lugar na ito. Malayo sa siyudad, sariwang hangin ang malalanghap at may magandang tanawin pa ang makikita.

Ibinaling ko ang tingin ko sa aking likuran at nakita ko si Wrum na inayos na niya ang tent for our temporary shelter. Inilapag na niya ang dalang bag na may lamang mga pagkain, survival kita at kung anu-ano pang bagay na dapat dalhin.

"What do you think about the place?" tanong ni Wrum sa akin noong bahagya itong lumapit sa aking kinatayuan. "Such a nice view right?"

Napatango lang ako sa kanya at ibinaling ang tingin sa tanawin. "Yeah." tipid na sagot niya sa akin.

"Let's eat first." he said at naglakad na ito muli papunta sa may tent. "May binili naman tayong pagkain doon sa isang fastfood chain." he added.

Nakita ko lang siyang may kinuhang tuwalya. Inilapag niya ito sa lupa. Bahagya lang akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito saka ibinigay niya sa akin ang pagkain.

"Thank you." sabi ko nalang sa kanya.

Binuksan ko na ang parang pack lunch saka nagsimula na akong kumain. Maraming mga sinasabi sa akin si Wrum ngunit hindi ko ito pinakinggan. Hindi ako mapakali sa ngayon. Hindi ko maiwasang mapaisip sa aking magulang.

"Hey. Are you listening to me?" tanong ni Wrum sa akin.

Napakurap ako ng ilang beses. "May sinabi ka ba sa akin?" tanong ko. Hindi ko naman alam kung ano ang sinabi niya sa akin. Hindi din naman ako nakinig sa kanya.

"Nevermind." aniya. "Iniisip mo na naman ang pamilya mo?" tanong niya.

"Hindi ko lang maiwasan. Kusa lang itong pumapasok sa aking isipan." paliwanag ko nalang sa kanya.

"We're here to relax. Hindi para mag-iisip ng mga bagay-bagay." sabi niya.

"I tried my best to relax my mind." aniya. "Not to think about them for now."

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at ibinaling sa tanawin. "You should not think about them. Dahil ginawa ko ang lahat para maligtas lang sila." aniya.

"You're lucky that you have me. The man who did his best just to make his girl happy." aniya at ibinaling niya sa akin muli ang kanyang tingin.

Para siyang tanga. My goodness. Kinikiliti na naman ang tiyan ko. Dapat na ba akong kiniligin sa kanyang sinasabi sa akin? Haist.

"Why would I be lucky to have you?" tanong ko nalang sa kanya. "I am just your slave. Kahit baliktarin pa natin ang mundo, hindi na iyon magbabago."

"I told you already that you are just not a slave for me." aniya.

Okay, hindi ko na nga naisip ang pamilya ko sa pagkakataong ito pero mababaliw naman ako kung puro ganyan ang mga sinasabi niya sa akin.

I am just a slave.

I am just a slave

Hindi na iyon magbabago pa.

___________________________________________________________________

Napahiga ako sa loob ng tent habang nakabukas ito. Nasa aking tabi si Wrum habang pareho lang naming pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Kanina ay masaya kaming nagkukwentuhan sa labas habang may campfire. Atleast nakalimutan ko ng pansamantala dahil kay Wrum. Pinaramdam niya sa akin sa ngayon na hindi lang ako slave sa tingin.

Mga kuliglig sa dilim, mga ingay ng dahon dahil sa hangin ang tanging naririnig ko dahil sa katahimikang bumalot sa pagitan namin ni Wrum.

"Silic." basag niya sa katahimikang pumapagitan sa amin.

"Hmm?" napabaling ako sa kanya ng tingin ngunit agad ko itong ibinalik ang tingin sa kalawakan.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang nais niyang sasabihin sa akin.

Siguro ay nais niya lang na ipahiwatig na natatakot ba ako dahil madilim na at kami lang dalawa dito. Baka iyon ang nais niyang sasabihin sa akin. Ibinaling ko nalang sa kanya ang tingin ko at nakita ko din na nakatingin siya sa akin. Halos magkadikit ang aming mga labi dahil sa lapit nito.

"Hindi naman ako natatakot dito." sabi ko nalang sa kanya at agad na iniwas ang tingin sa kanya. My God. Ang lapit ng mukha niya sa akin. "Wala din naman sigurong masamang tao sa paligid. Puwera nalang kung may ahas o kung anong hayop diyan na kakagat sa atin."

"That's not what I mean." aniya.

"Then, what do you mean?" nagtataka kong tanong sa kanya habang hindi ko ibinaling sa kanya ang aking tingin. Ano ba kasi ang nais niyang ipahiwatig sa akin?

"Hindi kaba natatakot dahil anak ako ni Don Guillermo? Hindi ka ba natatakot na baka kakampi lang ako nila?" sunod-sunod na tanong niya. "O di kaya ay, hindi ka ba natatakot na ibigay mo sa akin ang tiwala mo?"

Hindi na ako nagdadalawang isip pa. Dahil ibinigay ko na sa kanya ang tiwala ko, kailangang magtiwala talaga ako sa kanya. Hindi niya naman siguro sisirain ang tiwala na ibinigay ko sa kanya.

"Why would I? I trust yo, ibinigay ko sa iyo ang tiwala ko at alam kong hindi mo ito sisirain." sabi ko. "Alam kong tutulungan mo ako para makuha sa kamay ni Don Guillermo ang magulang ko."

Hindi kaagad ito nakasagot sa akkng sinabi sa kanya at pinagmasdan niya lang ang mukha ko. Wala naman siguro itong dumi.

"You trust me, means you love me." utal niya at nagulat lang ako.

"Hindi ko sinabing ganoon." ani ko.

"But I want to take it as you love me 'cause your mine." aniya. "I don't want you to love another man."

"Tigilan mo nga ako." sabi ko sabay iwas sa kanya. Aakma na sana akong tatayo para lalabas sa tent pero bigla nalang niya akong pinigilan.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin hudyat para ako ay matuod mula sa aking kinahigaan. Pinagmasdan niya ang aking labi at ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na hinalikan niya na ako.

My heart beats so fast. Palagi nalang itong ganito sa t'wing ginagawa ni Wrum sa akin ito kasabay ng pag-init ng aking pisngi't katawan.

Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko, at bumulong siya.

"Je't aime."

_______________________________________________________________

TheDarkProphecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon