Kabanata 49
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.
_________________________________________________________________
Bloody night.
"Nilusob na tayo nila Wrum at ang kanyang tauhan. Ilang mga kasamahan ko na rin ang kanilang pinatumba Don Guillermo."
Narinig kong sinabi sa tauhan ni Don Guillermo sa kanya. Ito na nga ba ang kinatatakutan kong mangyari. Well, atleast mabuti nalang na dumating na sila. Para hindi na matuloy ang sinasabing kasal ni Don Guillermo.
Nanganganib naman ang buhay ko at aking pamilya sa ngayon. Natatakot ako para sa madugong labanan na ito sa pagitan ng ama at anak.
"Sisiguraduhin niyong hindi sila makakalapit dito sa kinaroonan ng ating mga bihag." ani Don Guillermo. "Higpitan ang seguridad dito at gusto kong patayin niyo sila ngayon din."
"Masusunod Don Guillermo." sabi ng isa sa kanyang tauhan at agad na tumalikod.
Mula dito sa aming kinaroonan ay may maririnig kaming mga putok ng baril. Gusto kong maging masaya sa ngayon. Isang magandang balita ang aking narinig sa ngayon, dapat akong maging masaya ngunit hindi ko ito magawa sapagkat may nananatiling pangambang nararamdaman ko sa ngayon.
"Alam kong masaya ka na sa ngayon Silic dahil nandito na ang iyong prinsipe na liligtas sa iyo dito." aniya. "Tignan lang natin kung maililigtas pa ba ang kanyang prinsesa."
Sinenyasan niya ang kanyang dalawang tauhan na nananatili sa kanyang tabi. At ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na hinawakan na nila ang aking kamay.
Nagsimula na kaming maglakad sa ngayon. Patakbong naglakad sapagkat maririnig namin ang putok ng baril na malakas na tila ba malapit lang ito sa aming kinaroonan.
Ilang sandali pa ay may sumalubong sa amin. Kung hindi ako nagkakamali si Xander iyon kaya agad na binaril ito ni Don Guillermo at ang kanyang mga tauhan saka nag-iba kami ng direksyon.
"Kill them all!" sigaw ni Don Guillermo noong may nakasalamuha naman kaming mga tauhan ni Wrum ngunit agad itong pinatumba ni Don Guillermo.
Todo takip nalang sa aking tenga ang aking ginagawa at sinusubukang makatakas mula sa kanila para puntahan ko na ang aking pamilya. Kailangan ko na silang tulungan para makatakas na kami sa kamay ni Don Guillermo.
Habang busy sa pakikipaglaban sila Don Guillermo at ang kanyang tauhan, dahan-dahan naman akong napaatras para makapunta na sa kwarto kung saan naroroon ang aking mga magulang.
Napaharap na sana ako sa aking likuran para handa nang tumakbo ngunit narinig kong tinawag ni Don Guillermo ang aking pangalan.
"Isang hakbang mo pa Silic, itong bala ng aking baril ay tatama sa iyong likuran." narinig kong sabi ni Don Guillermo.
Unti-unti akong napaharap dahil sa kanyang sinabi sa akin saka nakita ko silang tatlong itinutok nila ang baril sa akin. Napalunok naman ako at natatakot na muli akong iputok nila ang baril sa akin.
"Hi-Hindi naman ako tatakas." nasabi ko nalang sa kanya.
Nakita kong mahigpit lang ang pagkakahawak ni Don Guillermo sa baril at ilang sandali pa ay nakita ko nalang na ipinutok niya ang kanyang baril. Nagulat ako sa kanyang ginawa at agad kong ipinikit ang aking mata.
Diyos ko. Ito na siguro ang oras para mawala ako dito sa mundong ito. Kayo na ang bahala sa pamilya ko.
"Tangina. May pa-pikit-pikit ka pang nalalaman diyan. Hindi ikaw ang binaril ko." aniya. "Iyang tauhan ni Wrum na nasa likuran mo."
Iminulat ko muli ang aking mata. Wala akong naramdaman na kung anong bagay na tumama sa aking katawan. Masyado lang ata akong ambisyosang ako ang babarilin ni Don Guillermo.
"Hawakan niyo ulit ang babaeng 'yan at baka tatakas na naman 'yan." sabi niya sa kanyang tauhan at agad nila akong hinawakan ulit. "Kailangan nating mailayo ang babaeng 'to at ang kanyang pamilya."
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa bandang likuran nitong mansion. Narinig kong sinabi niyang may naghihintay sa amin doo'ng van at nauna na rin ang aking pamilya doon. Iyon lang naman ang narinig ko mula sa kanyang kausap sa cellphone niya.
Alam kong nabigla nila Wrum si Don Guillermo kaya kailangan naming umalis dito sa ngayon. Hindi pa kami tuluyang makalabas nitong mansion at nandito pa rin kami sa pangalawang palapag nito.
Marami kaming nakakasalamuhang tauhan ni Wrum kaya todo tago sila Don Guillermo mula sa kanila. Nagpapalitan lang sila nang putok at natatakot naman akong lumabas baka matamaan ako.
"Ito ang bagay sa inyo mga gunggong!" sigaw ni Don Guillermo.
Lumabas siya mula sa kanyang pinagtataguan at hinarap niya ang mga ito. Tinadtad niya ng baril ang tauhan ni Wrum saka ilang sandali pa ay nagsimula na naman kaming maglakad. Pababa na kami ng hagdan.
Dumiretso na agad kami sa may pintuan sa likurang bahagi nitong mansion habang mahigpit pa rin nila akong hinahawakan. Maraming mga tauhan ang sumalubong sa amin at nawawalan na ako ng pag-asa pang makatakas pa sa kamay ni Don Guillermo.
"The game is not yet over!" isang malakas na sigaw. Isang pamilyar na boses ang aking narinig at kung hindi ako nagkakamali, iyon ang boses ni Wrum nagmula sa loob.
Gusto kong makita si Wrum. Ilang araw ko na din siyang hindi nakita ngunit hindi ko iyon magawa sapagkat hinila ako sa isang tauhan ni Don Guillermo palapit sa isang itim na van malapit sa kalsada.
Tinali pa mila ang aking kamay mula sa aking likuran kasabay nito ang paglagay nila ng masking tape sa aking bibig hudyat para hindi ako makapagsalita pa. Tanging ungol lamang ang kanilang maririnig sa tuwing may sasabihin ako sa kanila.
Agad nila akong pinasok sa van at pinaupo sa tabi nila Mama at Papa. Nakatali rin ang kanilang mga bibig. Tanging magawa lang namin ang tumingin at mapaiyak nalang sa isa't isa.
Haist. This is so bullshit. Nagsisimula na ang gulo. Mula sa isang gulong pinagmulan ng aking ama, na nauwi dito na ang kalaban na ni Don Guillermo ay ang kanyang anak kaysa sa amin. Kami dapat ang kalaban niya pero naging bihag niya lang kami.
Ibinalik ko ang tingin sa labas at nakita kong nagkakagulo na sila. Nagpapalitan na sila nang putok habang nakita kong tumatakbo na si Don Guillermo papunta dito sa van. Prinoprotektahan siya ng kanyang mga tauhan na hindi matamaan ng bala.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na may sumabog. Hindi kalayuan dito sa van at nakita kong tumilapon ang ibang mga tauhan ni Don Guillermo ngunit siya at ang iba ay nananatiling tumatakbo. Agad itong pumasok dito sa loob ng van kaya agad na pinaandar ng driver ang van.
"So akala niya mananalo na siya dito? Well, nagkakamali siya." Don Guillermo said at napabaling siya ng tingin sa amin. "Kung papatayin ko ang kanyang pinakamamahal na Silic, tignan lang natin kung hindi siya iiyak." napahalakhak si Don Guillermo.
"Mamatay ka na Don Guillermo! Mamatay ka na!" sabi ko ngunit alam kong tanging ungol lamang ang lumalabas mula sa aking labi.
"Do you have something to tell me my dear?" nakangiti pang tanong ni Don Guillermo. "H'wag kang mag-alala. Papatayin ko lang din naman ang pinakamamahal mong Wrum. I don't want to treat him as my son anymore. I want to treat him as my enemy, and I want to treat you as my wife."
Damn it. I hate it. Kailan pa ba kami makakalaya? Gusto ko nang makamtan ng tuluyan ang kalayaan.
Yawa.
_______
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...