Kabanata 56

499 24 2
                                    

Kabanata 56 | Unedited

"Ano na ang nararamdaman mo ngayon Silic?"

Bungad na tanong ni Luna, ang aking kaibigan sa akin. Kay tagal rin naming hindi nagkita dahil sa mga pangyayari. Unti-unti akong napabangon mula sa hospital bed.

"H'wag ka nalang bumangon pa Silic." aniya. "May dala akong prutas para sayo. Si Tita ay umalis saglit. Ako muna ang iniwan niya dito kasama mo dahil may bibilhan pa ito habang si Tito naman ay umuwi kailangan niyang magpahinga." dugtong niya.

Pinagmasdan ko lang siya. "Thank you for coming." I said. "I do not know what to do that day when someone inject me a syringe in my neck that ruined my entire. I did not regret it. I met him." I said.

Napangiti lang ito sa akin. Ilang araw na rin ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin nakita si Wrum. Gusto ko na itong makita. Ngunit pinipigilan ako ni Papa at Mama. Isa sa mga dahilan ay gusto nilang masiguro ang aking kaligtasan at isa pa, hindi pa naman ako tuluyang nakalabas sa hospital.

Kumuha ng isang stool si Luna. Napaupo ito sa gilid ng hospital bed. "Share mo naman sa akin ang nangyari sayo doon sa mansion. I mean, not the 'gulo-gulo' part. Ang tungkol lang sa lalaking sinasabi ng mga magulang mo sa akin." excited niyang sambit.

Bumuntong-hininga lang ako. "Ginawa niya lang akong slave hanggang sa napamahal na siya sa akin. His name is Wrum." I said. "At wala na akong balak pang sasabihin tungkol sa kanya. Fresh pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari at hindi ko na alam ang gagawin kapag mauulit pa ang lahat." I said.

Bahagya itong napatayo mula sa kanyang kinaupuan. Niyakap niya ako. "Hindi na mangyayari iyon Silic. Stay positive." aniya. "Basta't nandito ako para sayo."

"Salamat Luna." ani ko.

"Alam mo bang halos mabaliw na rin ako noong gabing 'yon? My God! Para na akong mababaliw kung saan kita hahanapin." aniya. "Pero anyway, ayaw ko na din iyon pag-usapan pa! Basta ako masaya na na may jowa ka na!"

"Baliw!" nasabi ko nalang.

"Bakit ang saya-saya niyo dito?" asked Mama. "Parang ang lungkot-lungkot pa ng mukha ni Silic nitong nakaraang araw."

"Ganon talaga 'yan Tita pag in love!"

"I'm not that happy!" pagtutol ko sa kanila nang inalala kong ako ang nakapatay ni Don Guillermo. I've been praying for his soul and I may nor able to attend his funeral because of my current condition. "Alam niyo na kung bakit ako hindi masaya."

"Oo naman. Alam namin 'yon anak." ani Mama. "Saka na nga natin 'yan pag-usapan. Kumain na muna tayo."

****

"Bakit ayaw niyo ba ako payagang pumunta sa mansion ni Wrum?" hindi ko makapaniwalang tanong sa Mama ko. Sinabi na ng doktor na makakalabas na ako ngayon, kaya nakabihis na ako samantalang si Mama at Papa ay iniligpit ang gamit namin dito sa hospital. "Wala na akong balita sa kanila Ma. Kung ano na ang sitwasyon ni Wrum sa ngayon."

Bumuntong hininga si Mama. "Saka na natin 'yan pag-usapan 'pag nakauwi na tayo, okay?"

"Fine." tanging sagot ko.

Tinulungan ko silang mag-impake ng gamit hanggang sa tuluyan na kaming dumating sa aming bahay. Umuwi na si Luna dahil may aasikasuhin pa itong bagay-bagay.

"Ano na Ma? Nandito na tayo sa bahay." ani ko.

Napaupo na ito nang tuluyan sa sofa katabi ni Papa. Napaupo na rin ako sa tapat nila, hinihintay ang kanilang sagot.

"Ano bang hinihintay na sagot mo mula sa Mama mo?" tanong ni Papa sa akin.

"About Wrum. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko nang pumunta sa bahay nila para malaman ang kanyang kalagayan." I said.

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon