KABANATA 19.

1.5K 48 4
                                    

Chapter 19 (this part is unedited, tinamad ako bigla)

"Anong gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko agad kay Don Guillermo, ang ama ni Wrum. "Sabihin mo na sa akin agad ito. Babalik na ako sa kwarto." muli kong sabi sa kanya.

Napangiti lang siya sa aking sinabi sa kanya. I am just waiting for him to answer me. Ano ba kasi ang dapat niyang sasabihin sa akin para makabalik na ako sa aking kwarto. Kanina pa akong gustong umalis dito sa aking kinaupuan at kanina pa ako kinakabahan dito.

Sino ba kasing hindi kabahan sa kanyang mga tingin? May pagnanasang tingin. Para bang hinuhubaran niya ako sa kanyang tingin.

"I just want to talk to you." he said. Napaayos siya ng upo at bahagyang napasandal sa may sofa. "Or pwede mo din naman akong samahan sa mansion ko. Ano sa tingin mo?" aniya sabay kindat sa akin.

Napalunok nalang ako sa kanyang sinabi sa akin. Sa tingin niya ba madadala niya ako sa kanyang mga kindat? Hell no. Hindi nga ako nadala sa katawan ni Wrum, sa kanya pa kaya na ama niya?

God. Hindi pwedeng aalis ako dito sa mansion at sasama sa kanya. Mas lalong kinabahan tuloy ako.

Dali akong napailing sa kanya. "Hindi mo akong pwedeng dalhin sa mansion mo." ani ko. "Magagalit si Wrum at nangangahulugan lang 'yon na hindi ka na dapat makialam sa akin at isa pa, ipinaubaya mo na ako kay Wrum. Ipinaubaya mo na ang aking ama kay Wrum."

Sumeryoso lang ang tingin niya sa akin. "You're a slave of my son? Do you want me to laugh?" aniya. "Para ka ngang prinsesa dito. Wala kang ibang ginawa kung hindi ay maglibot-libot." napansin din niya pala 'yon. Bakit niya nalaman na wala akong ginagawa? Minsan lang naman siyang bumisita dito.

"Alam ko 'yon sapagkat ang tauhan ng aking anak ay tauhan ko na rin. Hindi ka na dapat pang magulat pa." muli niyang sabi sa akin. "Kailangan mong magtrabaho bilang alipin para mapagbayaran mo ang ginawa mo sa aking asawa at sa akin na rin." ayan na naman siya. Bumabalik na naman kami sa usapan tungkol sa aking ama.

"Then, I'm going to work here. Hindi sa mansion mo." sagot ko dahilan para sumama ang galit niya sa akin.

Napatayo na ako mula sa aking pagkakaupo sa sofa at napatitig lang sa kanya ng seryoso. "Nasabi mo na ang dapat pang sasabihin mo sa akin. Magtatrabaho na ako dito.

"Tutulungan na ako sa mga katulong, sa kusinero at hardinero." sabi ko sa kanya. Aakma na sana akong tatalikod sa kanya ngunit narinig ko itong nagsalita muli sa akin kaya muli kong ibinalik sa kanya ang tingin ko.

"Sinabi ko na ba sayong aalis ka na? Ganyan ba ang ugali sa isang slave? Parang hindi takot mamatay?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Hindi lang agad ako nakasagot sa sinabi niya sa akin. Simula noong napunta ako dito, kinakabahan at takot na takot ako. Iniisip kong bilang nalang ang aking mga araw dito. Pangamba't takot para sa pamilya ang iniisip ko.

"I'm sorry kung ganito ang ugali sa alipin ng anak niyo. Pinilit niyo naman akong maging alipin kaya wala na kayong pakialam kung ano ang ipapakita kong ugali sa inyo." sabi ko. Bahagya na akong nagbow sa kanya at agad na tumalikod sa kanya.

Nakakainis.

Naglakad na ako papunta sa may hagdan. Masyado na akong malapit ngunit hindi ko naituloy ang aking paglalakad sapagkat may sinabi muli sa akin si Don Guillermo, hudyat para mapatigil ako.

"Continue to go upstairs and you're dead." pagbabanta niya sa akin. "Remember, ang tauhan ng aking anak ay tauhan ko na rin. Hindi mo sila mga tauhan."

Dahan-dahan kong inikot ang aking tingin saka nakita ko ang apat niyang mga tauhan at dalawang tauhan ni Wrum na nakatututok na sila ng baril sa aking kinatayuan. Tila ba hindi sila nagdadalawang isip na iputok ito sa akin.

Natuod lang ako sa aking kinatayuan. Tila ba hindi ko maigalaw ang aking mga paa at tila ba nanginginig ang aking tuhod dahil sa ginawa nilang pagtutok sa akin ng baril.

Napatayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa at bahagyang naglakad palapit sa akin.

"Pag sinabi kong huwag kang umalis, huwag kang umalis. Gusto pa kitang makausap." sabi niya sa akin habang nanatiling nakatutok ang kanilang tauhan ni Wrum sa akin ng baril.

Hindi ko din naman gustong tumakbo baka kahit saan. Alam ko din namang may haharang sa akin na mga tauhan ni Wrum.

Bahagya na siyang lumapit sa akin. Bahagya niyang inilagay ang kanyang kamay sa aking leeg at isinandal niy agad ako sa may pader malapit sa aming kinatayuan.

Masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking leeg. Bahagya niya pa itong itinaas hudyat para mapaubo ako at hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kanyang ginawa.

"Bitawan mo a-ko!" hindi ko masabi iyon ng maayos. "Bi-tawan mo ako, ma-ma-awa ka sakin!"

Napangiti lang siya at mas lalo pa niyang hinigpitan ito. May katandaan na ito pero malakas pa rin siya. Kahit anong pigil ko sa kanya, hindi ko na magawa pa. Masyado siyang malakas kumpara sa lakas ko.

"Don Guillermo, hindi niyo siya maaaring patayin!" isang boses na nanggagaling mula sa kanyang likuran ang aming narinig hudyat para agad akong bitawan niya.

Saka naman ako nakahinga ng maluwag at napaubo-ubo dahil sa kanyang ginawa. May luha na ring tumutulo sa aking mata.

"Iyon ay utos ni boss. Walang sinuman ang maaaring magtangka at may balak na patayin siya."

Napatayo ako ng maayos saka nakita ko si Xander. May pag-aalala ang kanyang mga tingin sa akin.

"I know. I know about it Xander." ani Don Guillermo. "Wala naman akong balak na patayin si Silic. Gusto ko lang siyang tignan na nagdurusa."

"Ipagpaumanhin niyo po pero kailangan na ni Silic ang bumalik sa kanyang kwarto. Lubos siyang nasaktan sa iyong ginawa." ani Xander.

"Is that how you treat her? You should not treat as a princess in here!" galit na sabi ni Don Guillermo.

"I'm sorry, pero utos iyon ni boss. Sumusunod lang namin ang gusto niya." sabi ni Xander.

"Hindi na siya makakabalik sa kanyang kwarto sa ngayon. Kailangan niya muna akong pagsilbihan."

"Pero-"

"I am Wrum's father at magagawa ko ang gusto ko." sabi niya.

Nakita ko nalang na napatango si Xander.

Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking leeg. Hayop siya. May balak talaga siyang patayin ako.

Nakakainis.

Napaharap muli sa akin si Don Guillermo. "Kailangan mong sundin ang gusto kong ipagawa sa iyo kung ayaw mong patayin kita kahit hindi pa ito gusto ni Wrum." aniya sabay ngiti. "Kailangan mong sumama sa akin sa aking mansion."

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon