Kabanata 46

814 30 14
                                    

Kabanata 46

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

________________________________________________________________

Under the heartless Don Guillermo's territory.

Ikinulong ako ni Don Guillermo sa isang kwarto. Hindi niya ako gustong makalabas sa kwarto. Wala na akong magagawa pa kahit ano pang sasabihin ko sa kanya. Nasa kanyang mga kamay na ako at wala na ako sa kamay ni Wrum. Nagbabakasali nalang akong okay dumating na sila Wim at Xander at ang ibang tauhan ni Wrum para tulungan si Wrum.

Hindi ko alam kung nasaan kami sa ngayon. Wala kami sa mansion ni Don Guillermo at sa tingin ko ay sinadya niyang lumapit sa ibang bahay para hindi matunton ni Wrum.

I want to see my parents, ngunit hindi ko magawa sapagkat sinabi ni Don Guillermo sa akin na nasa ibang kwarto ito. Damn it. Masyado ng magulo ang aking buhay-ang aming buhay. Kailan pa kaya kami makakaalis mula sa kamay ni Don Guillermo. Ewan ko ba kung makakalabas pa ba kami sa puder ni Don Guillermo nang buhay.

Iyak ang tanging masasandalan ko sa ngayon. Sa apat na sulok nitong kwarto, ako ay nakaupo sa kama habang umiiyak. Hindi ginagalaw ang pagkain na ibinigay ng tauhan ni Don Guillermo sa akin. Sino ba naman ang magkakaroon ng gana sa ganitong sitwasyon? Wala naman siguro.

Dumaan ang ilang oras at nananatili pa rin ako dito sa kwarto. Ilang sandali pa ay naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Iniluwal nito si Don Guillermo. May kasama itong tauhan na may dalang tray ng pagkain. Hindi ko naman namalayan na gabi na pala. Kanina ay tanghali pa akong dinalhan nila ng pagkain.

"Why are you crying baby girl?" tanong ni Don Guillermo sa akin. May nalalaman pa itong 'baby girl' nakakainis. "You are not lost baby girl so don't cry. Be happy instead."

Hindi lang ako kaagad na nakasagot sa kanya. Nakita ko lang na kinuha ng kanyang tauhan ang tray noong dinala nila kaninang tanghali saka inilapag niya naman doon ang dala nitong tray. Sinenyasan pa ni Don Guillermo na mauna nang lumabas ang lalaki.

"Bakit hindi mo kinain ang pagkain noong tanghali?" tanong niya pa sa akin. "Gusto mong subuan pa kita?"

"Hindi ako gutom." may galit na sagot ko sa kanya.

"Gusto mo bang patayin sa gutom ang sarili mo?"

"Wala kanang pakialam doon." muli kong sagot sa kanya at iniwas ko nalang ang tingin sa kanya. "Hindi mo naman ako ka anu-ano para mag-alala sa akin."

"Mag-aalala talaga ako sa kanya kaya gusto kong kumain ka." sabi niya sa akin.

Nakita kong kinuha niya ang tray sa may mesa malapit sa kamang kinaupuan ko. Bahagya siyang napaupo sa gilid ng kama at muli siyang napaharap sa akin.

"Eat. I still want you to be alive and beat my son." aniya. "Alam kong gagawin niya ang lahat maligtas niya lang ang kanyang mahal."

Sinamaan ko lang siya nang tingin. "Mas mabuti pang mamatay nalang ako sa gutom kaysa naman makita ko ang mukha mo araw-araw. Alam ko sa dulo, papatayin mo lang naman kami." ani ko.

"Tsk. Masyado kang spoiler. H'wag kang ganyan." aniya. "Nasa prologue palang ako, tapos sinasabi mo na sa akin kaagad ang ending." dugtong niya.

Inilapit niya na ang kutsarang may lamang pagkain sa aking labi. Ngunit iniwas ko lang sa kanya ang labi ko sa kanya.

"Wala nga akong ganang kumain. Hindi mo ba naintindihan ang sinasabi ko?" pagalit ko nang tanong sa kanya.

Inilagay niya sa kama ang tray ng pagkain. Sinamaan niya lang din ako ng tingin. Ilang sandali pa ay bahagya siyang lumapit sa akin at hinawakan niya nang mahigpit ang aking leeg. Mas lalo niya itong hinigpitan at halos hindi na ako makahinga sa kanyang ginawa sa akin.

"Do-Don Gui-Gui-Guillermo, hi-hindi ako makahi-hinga." nauubo at halos hindi ako makahinga sa kanyang ginawa sa akin.

"Sabi ko sayong kumain ka na. Bakit ba ang tigas ng iyong ulo." aniya at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa aking leeg. Halos patayin niya na ako sa kanyang ginawa sa akin.

Isinandal niya ako sa headboard ng kama habang patuloy niya pa rin iyong ginawa sa akin.

Naluha nalang ulit ako sa kanyang ginawa at naramdaman ko nalang na binitawan na niya ang pagkakahawak sa aking leeg saka pa ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko alam kung bakit ang hilig niyang gawin iyon sa akin.

"Nasa iyo na iyan kung kakain ka o hindi. Hindi rin naman ako ang mamamatay pag hindi kumakain." aniya sa akin at nakita ko na itong napatayo sa may kama. "Manang-mana ka lang sa iyong ina."

Anong kasalanan namin ang ginaganito kami ng tadhana? Sa daming tao sa mundo. Sa daming masamang tao sa mundo, bakit kami ang ginaganito? Damn it.

Gusto kong murahin ang sarili ko. Alam kong mali, pero gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit pa ako nabuhay sa mundong ito. Sana hindi nalang ako nabuhay sa mundong ito.

"Gusto kong makita silang makita. Dalhin mo ako sa kanila." as I am referring to my parents.

"Why? Do you want to see them before I am going to kill them?" aniya.

"Don't kill them." ani ko sa kanila. "Please, dalhin mo ako sa kanilang pinaglagyan. Gusto ko silang makita. Gusto ko silang mayakap."

"I am not a Genie, but your wish is my command." aniya. "I granted your wish. I am hoping you will grant my wish to you." sabi niya.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya. "Kung mailigtas lang ang aking magulang, kung mabura lang sa iyong isipan ang nagawang mali sa aking ama...at....at kung matigil lang ang gulo niyo sa pagitan ni Wrum." iyon na lang ang nasabi sa kanya.

Napangiti siya sa akin. "Well, I can't assure you." aniya sa akin. "Marami akong balak na gustong gawin sa magulang mo. Marami akong gustong gawin sa iyo. But after seeing your beautiful angelic face, well, parang gusto ko nalang na ano."

"Ano? Sabihin mo sa akin ito?"

"Marry me." nagulat ako sa sinabi niya. "Everything will be alright if you marry me Silic."

Napalunok ako sa kanyang sinabi sa akin.

"No." nasabi ko nalang sa kanya. "I can't marry you."

"But I want to."

"Just kill me instead, at pakawalan mo na ang magulang ko." ani ko. "It would be better."

"It would be if I will kill your parents so you can live." aniya. "What do you think?"

Nakakainis itong si Don Guillermo. Damn it. Mas mabuting ako nalang ang patayin niya kaysa naman ang pamilya ko.

I am willing to sacrifice my life.

"Deal or no deal?" Don Guillermo.

_________________________________________________________________

TheDarkProphecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon