Kabanata 43

16.4K 328 34
                                        

Kabanata 43

"LORRAINE, bakit mo nga pala pinaiyak ang anak mo?" Tanong ni Adolf habang kumakain sila.

"Kuya Adolf naman, don't tell me pagagalitan mo ako sa harap ng batang 'yan?" Tukoy niya kay Azalea na nasa katapat niyang upuan, inaasikaso ito ng maid nila para makakain. "Baka maging spoiled brat ang babaeng 'yan." Mataray nitong sabi habang kay talim ng titig sa bata.

"Mali ang ginawa mo sa kanya kaya pagagalitan kita. You shouldn't be told, her to drop dead. You are her mother. See, dapat nga ikaw ang umaasikaso sa anak mo."

"Oh please... I don't have time and besides, anong silbi ng binabayad mo sa maid na 'yan kung hindi lang din niya aasikasuhin ang batang 'yan?"

Napailing na lang si Adolf sa sinabi ni Lorraine.

"Kuya, huwag mo na siyang pilitin pa, okay?" Sabi ni Elaine. "I can take care Azalea, right honey?" Dagdag pa nito saka masuyong pinisil ang maumbok na pisngi ng bata.

"But Tita Elaine, I want my Mommy..." nakangusong sabi nito.

"Urgh! Whatever!" Tumayo na si Lorraine at umakyat sa hagdan.

Nasundan na lang nila ito ng tingin.

"She really doesn't like me..."

"I like you, Azalea. Hayaan mo muna ang mataray mong Mommy. I know one day, she will love you back but for the meantime, I'll stand for you as your mother. Is that okay?"

Tumango na lang ang bata bilang pagsagot. Pero ang totoo niyan ay wala siyang ibang gustong maging Mommy kundi si Lorraine lang. Napatingin siya doon sa pwesto ng kanyang Kuya Pious, buti pa ito ay mahal ng kanyang ama. Samantalang siya, hindi na nga mahal ng kanyang ina, ang kanyang ama na si Rafael naman ay bilang lang sa kamay na nakita niya. Sa malayo niya lang ito nakikita sa tuwing ipapasyal siya ni Elaine sa restaurant nito.

"She's right, Azalea. Si Tita Elaine mo muna ang tatayong Mommy mo." Sang-ayon ni Adolf. "Anyway, ipapasyal ko si Pious sa mall, gusto mong sumama?"

Muli na lang tumango si Azalea...

_____

"LOLA, are you okay? Is there something wrong? Kanina pa po kasi kayo tahimik." Nag-aalalang tanong ni Cassandra. Nasa dining table na sila. Katabi niya si Lola kaya malayang nahahaplos ang likod nito. "Lola?"

"A-ano kasi apo..." napatingin si Lola kina Seran at Amor na nasa katapat niyang upuan pagkuway kay Zandro na nasa sentro, pawang nakatingin ang mga ito sa kanya na tila ba hinihintay ang sasabihin niya.

"Lola, you can say anything to me. Ano po bang gusto niyo? Ah! Alam ko na, I'll buy new clothes at the mall later, malapit na kasi ang fashion show so I need clothes. Gusto niyo po bang sumama? Bibilhan ko rin po kayo ng—" hindi na natuloy ni Cassandra ang ibang sasabihin dahil bigla siyang hinawakan ni Lola sa kamay. "Bakit Lola? May masakit ba sa iyo?"

"Wala apo... naisip ko lang kasi na dapat mo rin malaman na—" tunog ng kumalansing na kutsara ang nagpatigil sa ibang sasabihin ni Lola. Napatingin siya kay Zandro na nagdidilim ang mukha.

"Kuya?"

"Oh! I'm sorry, bigla ko lang nabitawan. Anyway, mukhang pagod na yata si Lola Victoria kaya nagkakaganyan siya ngayon."

"Yeah. I think so..." sang-ayon ni Cassandra.

"Siguro kailangan ko munang i-check ang BP ni Lola." Sabi ni Zandro saka biglang tumayo at pumunta sa likod ni Lola para hawakan ang handle ng wheelchair nito. "Dadalhin ko muna siya sa  kwarto niya." Dagdag pa nito saka pinagulong na ang wheelchair ni Lola.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon