Kabanata 8

35.4K 617 47
                                    

Kabanata 8

"MAY pupuntahan pala tayo mamaya kaya magbihis ka ng maayos okay?" Sabi ni Rafael nang umagang iyon.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Alegria matapos ilapag ang umuusok pang sinangag.

"Sa mall. Bibilhan ko kayo ng mga damit at saka malapit na rin ang pasukan, bibili na rin tayo ng school supplies ni Lemuel. You like that, kiddo?" Baling ni Rafael sa bata na katabi niyang kumakain.

"Opo! Gusto ko po. Tito,'yong gusto ko pong bag ay kay Superman po!"

"Lemuel..." mahinang saway ni Alegria sa bata, alam na ni Lemuel na galit na siya kaya naman napayuko na lang ito. "Pasensya ka na sa anak ko, Señorito..."

"Okay lang," Slsagot nito saka muling kinausap ang bata. "Gusto mo ba talaga ng Superman bag?"

Nahihiyang tumango lang si Lemuel.

"Bibilhan kita mamaya."

"Talaga po?"

Marahan lang na tumango si Rafael.

"Yehey! 'Nay! Narinig mo po iyon?"

"A-ah, oo. Salamat..." baling ni Alegria sa lalaki.

"Salamat? You don't have to say that, Alegria. Remember, lahat ng ito ay may kapalit."

Napayuko na lang si Alegria. Alam naman niya ang bagay na iyon, e. Masama bang magpasalamat? 'Yong tipong hindi na lang ito sasagot na may kapalit ang lahat ng ito? Alam naman niya, e. Hindi na kailangang ulit-ulitin pa.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Mabuti na lang at tulog pa si Lola Toryang, may sakit kasi ito ngayon dahil na rin sa katandaan. Nagpapasalamat siya dahil hindi nito makikita ang malungkot niyang mata.

"Nanay? Bakit po bigla kang nalungkot?" Pero 'yon lang pala ang akala niya. Halatang-halata ba na malungkot siya na pati ang bata ay napansin iyon?

"H-hindi. Ayos lang ako. Bilisan mo na ang pagkain para makaligo ka na." Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito saka palihim na tumingin kay Rafael na sa malas ay nakatitig pala sa kanya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin at inasikaso na ang pagkain ng anak.

Hanggang sa natapos na silang kumain. Hinatid na ni Alegria ang anak sa kanilang kwarto para maligo na ito habang siya ay naghahanap naman ng kanilang damit.

Napabuntong-hininga siya nang makita ang laman ng kanilang wardrobe. Kaunting damit lang ang nakuha dahil sa bagyo na iyon, ang nakuha pa niya ay halos puwede ng gawing basahan.

Malungkot niyang kinuha ang damit nilang mag-ina at sinipat iyon. Puro mga pinaglumaang damit ni Lola Toryang ang gamit niya kaya naman dahil sa katagalan ay naghihimulmol o butas na. 'Yong damit naman ni Lemuel ay ang pinagtiyagaan niyang tahiin mula sa mga hinihingi niyang retaso sa kapitbahay nilang mananahi.

Parang ayaw na tuloy niyang sumama kay Rafael. Magmumukha silang mga pulubi sa tabi nito.

"Alegria..."

Pagkarinig pa lang sa boses nito ay agad niyang itinago ang damit. Ayaw niyang makita nito ang mga damit nilang parang ningatngat ng daga.

"B-bakit?"

Napapailing na lumapit ito sa kanya.

"Don't try to hide that. Nakita ko na iyan. Kaya nga tayo pupunta ng mall ay dahil bibilhan ko kayo ng mga damit."

"'Y-yong anak ko na lang ang bilhan mo ng damit saka—"

"Bibilhan din kita ng mga magagandang damit dahil gusto kong palagi kang maayos kapag kailangan kita sa ibabaw ng kama ko."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon