Kabanata 45

16.2K 318 42
                                        

Kabanata 45

DUMATING na ang araw ng masquerade fashion show sa Manila Hotel. Lahat ng mga inmbitado ay isa-isa ng dumadating. May mga foreigner at local personalities, mga showbiz media na nag-aabang sa pagrampa ni Cassandra Zullega. Lahat sila ay nandito.

Great... bulong ni Rafael habang pinagmamasdan mula sa ikalawang palapag ng hotel ang mga bisitang nagsisipasukan sa red carpeted entrance ng lobby ng hotel. Suot na rin niya ang kanyang maskara para hindi siya makilala ng mga media na imbitado rito. Mahirap na, baka mapurnada pa ang plano niya.

Nagpatuloy pa siya sa pagmamasid hanggang sa nahagip ng kanyang paningin ang papasok na si Lorraine. Napaismid na lang siya sa suot nito. Off black shoulder dress na hapit sa katawan, halos ay nakaluwa na rin ang mga dibdib nito na para bang sinadya pa para may makapansin.

Napailing na lang siya. Maganda naman si Lorraine. Only if she will try to change herself to be more simple. Masyado kasi itong elegante na minsan ay nawawala na sa lugar.

Hindi pa niya kasama si Adolf. Siguro ay nagawa na ng mga tauhan ko ang utos ko. Muli niyang bulong saka kinuha ang cellphone na nasa inside pocket ng suot niyang coat. Nag-dial siya ng numero roon at hinintay na sagutin iyon ng nasa kabilang linya.

"Boss!" Sagot ng isang lalaki na may maangas at malaking boses.

"Kumusta ang trabaho?"

"Areglado boss! Wala itong sabit." Mayabang na tugon nito.

"Siguraduhin mo lang, ha?" May halong pagbabanta ang boses niya. Ayaw na niya sanang maulit ang ginawa niya noon kaya siya nakulong pero ito lang ang tanging paraan, kapag hindi niya ito ginawa ay masisira ang plano niya kay Alegria.

"Sigurado ito boss!"

"Urgh! Mga gago kayo! Kapag nakawala ako rito papatayin ko kayong lahat!"

Naririnig ni Rafael mula sa background ang boses ni Adolf. Alam niyang pinapahirapan na ito.

"Matigas ang bungo nito, boss." Sabi ng kausap niya sa kabilang linya habang pinagmamasdan ang lalaking binubugbog ng mga kasama niya.

"Alam ko, mas kilala ko ang gagong 'yan kaysa sa inyo." Sagot ni Rafael. "Kapag natapos na ako dito at walang aberyang nangyari ay ibibigay ko ang balance sa account mo."

"Okay, boss. Sisiguraduhin kong hindi makakarating ang gagong ito sa party mo, boss."

"Good. Basta huwag niyo lang tuluyan 'yan, naintindihan mo?"

"Yes, boss."

Pabuntong-hininga niyang ini-off ang kanyang cellphone. Kahit na gaano pa kasama ang Adolf na iyon ay wala pa rin siyang karapatan na bawian ito ng buhay. Nagbago na si Rafael at ayaw niyang makulong nang dahil lang sa lalaking iyon. Saka naisip din niya si Lemuel, hindi na nakakaalala si Alegria kaya paano na lang kung pati ang ama nito ay mawala? Kawawa naman ito kapag nagkataon.

Iwinaksi na lang niya ang isipising iyon saka minasdan ang mga tao sa lobby. Dumarami na rin ang mga media at photographer na dumadating. Isa-isa na ng mga ito ini-interview ang mga sikat na personalidad sa event na iyon. Isa na nga doon si Lorraine na panay ang post at ngiti sa harap ng camera. May lumapit rin ditong mga reporters at ewan niya lang kung ano ang tinanong ng mga ito sa babae.

Mayamaya lang ay dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Napuno ng ingay, tilian, at mga flash ng camera ang entrance ng hotel. Nag-uunahan ang mga reporters para makalapit sa bagong dating upang ma-interview.

Alegria... napangiti siya nang makita na ito. She might have changed into an elegant, liberated, and sophisticated woman yet, she can't change her naturally simple gesture. Lumamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa maganda at maamo nitong mukha. Make-ups enhanced her untold beauty but Rafael always want her simplicity. Sana lang magbalik na ito sa dati, sana lang ay maibalik niya ang dating si Alegria.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon