Kabanata 46

13.8K 266 28
                                        

Kabanata 46

DAMN you, Lorraine! Talagang sinadya mong iwan ako. Yari ka sa 'kin mamaya... inis na bulong ni Adolf habang nagda-drive sa may Roxas Boulevard. Damn! Late na ba ako? Hindi malaman ni Adolf kung anong oras ba talaga magsisimula ang masqurade fashion show na iyon, hindi nga rin niya alam kung papapasukin pa siya dahil wala siyang invitation card. Shit! Kung alam ko lang na iisahan ako ng magaling kong kapatid, dapat pala ay kinuha ko ang invitation card niya. Sa gigil ay mas binilisan niya ang patakbo ng sasakyan niya.

Pero may napansin siya. Sa rearview mirror ay may kulay itim na kotseng sumusunod sa kanya. Akala niya ay nagkataon lang pero hindi, dahil noong binagalan na niya patakbo ng sasakyan ay bumagal din nito.

"Damn! Anong problema ng hayop na sakay niyon?" Sa inis ay pinarada niya ang sasakyan sa tabi. Tiningnan niya ulit kung lalagpasan ba siya nito pero hindi, huminto ito sa may likod niya. Nakita niyang pabukas ang pinto ng sasakyan ng mga ito kaya naman inunahan na niya.

Matapos kunin ang baril sa mini compartment ay lumabas din siya. Tatakutin niya lang ang kung sino mang tarantadong sakay ng kotse na iyon, naisip niya kasi na baka napag-tripan lang siya.

"Anong problema niyo?" Maangas na sabi ni Adolf habang nilalaro sa kamay ang hawak na baril.

"Wala naman, pare." Sagot ng isang malaking lalaki na sa tingin niya ay bossing nga mga ito.

"E, wala naman pala. Bakit niyo ako sinusundan?"

"Napag-utusan lang." Nakangising sabi nito sa kanya. "Pasensyahan na lang, pare, bayad ka na kasi."

"Ano? Sino ang—" hindi na natuloy ni Adolf ang sasanibihin dahil may biglang pumalo sa ulo niya. Mahilo-hilo siya habang sapo ang ulo, nagawa pa niyang lingunin ang pumalo sa kanya; nakita niya itong akmang hahampasin pa siya ng tubo kaya naman itinutok niya rito ang baril pero bago pa niya maiputok iyon ay may pumalo na naman sa kanyang likod. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nawalang malay...

_____

NAGISING si Adolf dahil sa ingay na naririnig niya. Tawanan at kalansingan ng mga bote.

Damn! Nasaan na ba ako? Malas! Kidnapping ba 'to? Gigil na gigil siya. Hindi niya alam kung nasaang lugar ba siya, nakapiring ang mga mata niya habang nakaupo sa isang silya, nakatali patalikod ang mga kamay pati ang paa niya. Malapit na niya sanang makita si Alegria ang kaso ang dinapuan siya ng kamalasan. Puta! Hindi ako mamamatay dito, kailangan pa ako ng anak ko, kailangan ko pa mabawi si Alegria." Bulong niya habang pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakatali sa kanyang kamay.

"Boss! Gising na yata ang laruan natin!" Narinig ni Adolf na sabi ng isang lalaki.

Damn! Napamura na lang siya. Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa pwesto niya. Shit! Baka bigla na lang akong saksakin o barilin ng tarantadong ito. Aminin man niya o hindi, bigla siyang nakadama na takot na baka mamatay na siya dito. Una niyang naisip si Pious, paano na ito kung mawala na siya? Wala na nga ang Mama nito, pati ba naman siya ay mawawala.

"Bilis mong magising. Pre, mahina yata ang palo mo!" Sabi ng boses na malaki.

"Oo nga boss, ano gusto mo? Paluin ko ulit? Siguradong habang buhay ng hindi magising 'yan." Sagot nito saka binuntunan ng tawa. Nakisabay rin ang iba.

"Gago! Sabi ng pinaka bossing natin, huwag daw tuluyan. Hayaan niyo lang 'yan dito."

"Teka!" Sabi ni Adolf. "Sino nag-utos sa inyo? Kidnapping ba ito? Kailangan niyo ba ng pera?" Tanong niya pero tinawanan lang siya ng mga ito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon