Kabanata 3

37.9K 563 19
                                    

Kabanata 3

MASAYANG umuwi si Alegria sa bahay nila sa Tondo. May dala-dala siyang mga pagkain para kina Lola Toryang at sa anak niya.

Bago makapunta sa bahay nila ay kailangan muna niyang sumuot sa ilalim ng tulay. Yes. Doon sila nakatira. Actually, hindi masasabing tahanan ito dahil nakatira sila sa ilalim ng tulay.

Dito sa munting barong-barong na ang proteksyon sa araw at ulan ay ang mismong semento ng tulay, ang kanilang nga dingding ay ang inaanay ng plywood. Kung tutuusin kasya lang dito ang isang tao.

Dahil sa ilalim sila ng tulay nakatira, nakakarindi ang ingay mula sa mga paroo't-paritong mga sasakyan sa ibabaw nila, ang mabahong amoy mula sa katabi nilang ilog na ginawa ng tapunan ng basura at kadalasan doon na rin dumudumi ang mga kabataan sa kanila.

Nakakasulasok ang amoy pero sanay na sila. Gustuhin man ni Alegria na ilipat sina Lola Toryang at Lemuel ng tirahan ay hindi niya magawa dahil hindi sapat ang kinikita niya sa paglalabada.

"Hija, bakit ngayon ka lang umuwi?" Nag-aalalang tanong ni Lola Toryang nang masalubong siya. "Aba't iyak nang iyak si Lemuel dahil palagi ka hinahanap."

"Ah..." nag-isip siya ng palusot. Hindi nito pwedeng malaman kung saan siya nanggaling sigurado kasing mag-aalala ito sa kanya. "Naghanap lang po ako ng mapagkakakitaan. E, swerte naman dahil nangailangan ng yaya doon sa..." hindi na siya makaisip ng susunod na salita. Alam niya kasing hindi kapani-paniwala ang palusot niya pero sana ay kagatin nito.

"Ganoon ba? Naku! Baka mapahamak ka niyan? Baka—"

"Hindi po, Lola. Okay lang po ako." Putol niya agad sa sasabihin nito. Alam kasi ni Lola ang istorya ng buhay niya. "At saka, huling beses na po iyon dahil nakiusap lang ang nanay ng bata."

"Mabuti naman, hija. Ayoko ng maulit ang nangyari sa iyo noon."

Napangiti na lang si Alegria. Nagpapasalamat siya dahil napunta siya kay Lola Toryang at tinanggap silang mag-ina.

Kahit na lumaki siyang walang magulang ay napupunan nito ang mga naging kakulangan niya.

"Nanay, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Lemuel na kakagising lang. "Karga mo ako..."

Muling napangiti si Alegria nang makita ang anak, kinarga niya ito at hinalikan. Kapag ginagawa niya iyon ay pakiramdam niya nawawala lahat ng pagod niya.

"Namugto na ang mata ng batang iyan dahil buong magdamag ay umiyak," sabi ni Lola Toryang.

"Bakit ka naman umiyak? Babalik din naman si Nanay."

"Gusto kita katabi, e." Naka-pout  na sabi nito.

Napatitig na lang si Alegria sa mukha ng anak. Kamukha ito ng lalaking sumalbahe sa kanya.

Yes. Alegria was a victim of rape. Pero kahit na ganito ang nangyari sa kanya, kahit na nanggaling si Lemuel sa pang-aabuso sa kanya, mahal na mahal niya ito.

Iyon nga lang ay hindi pa rin maaalis sa isip at puso niya ang mga nangyari noon...

Naisipan niyang sumunod kay Rafael na sigurado siyang dadalhin sa Pilipinas noon, kaya palihim siyang sumakay sa chopper kung saan noong mga oras na iyon ay inaakay si Althea dahil nabaril ito ni Rafael.

Tagumpay siyang nakatapak rito na hindi napapansin ninuman.

Gusto niyang makita at makasama si Rafael kaya kahit hindi niya kabisado ang banyagang lugar ay sumuong siya.

Una niyang naisip na dapat ay magkaroon siya ng trabaho. Hindi siya nabigo roon dahil agad siyang nakahanap, inireto siya ng isang kaibigan na nakilala niya sa isang palengke. Naging katulong siya sa isang mayamang pamilya.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon