Kabanata 18
TUNOG ng intercom ang pumukaw kina Rafael at Alegria Agad ay sinagot iyon ng lalaki.
"Yes?"
"Sir, dumating na po si Sir Philip. Hinahanap niya po kayo."
"Okay. Lalabas na kami. Thank you." Matapos ibaba ang intercom ay binalingan naman niya si Alegria. "So, handa ka na?" Tango lang ang sinagot nito. "Basta kapag hindi mo naintindihan ang sinasabi nila, ngumiti ka lang. Hindi naman kita papabayaan doon." And he kissed her hand.
Ngumiti lang si Alegria. Ito na naman si Rafael, naglalambing na naman tapos mamaya iba na naman ang ugali.
"Let's go." Inakay na siya nito palabas.
Pagbukas pa lang ng pinto ay palakpakan na agad ng mga tao ang narinig nila. Bahagya rin nasilaw si Alegria dahil nakatutok sa kanila ang ilaw, habang naglalakad sila ay para silang nasa spotlight dahil sumusunod sa kanila ang ilaw niyon.
"Grabe talaga itong si Daddy, ang usapan namin ay ipapakilala lang kita sa kanya at hindi ipapakilala sa lahat ng tao dito." Naiiling na sabi ni Rafael habang paakyat sila ng improvised stage kung saan naghihintay ang kanyang ama.
"P-paano 'yan?" Medyo kinabahan si Alegria dahil hindi naman niya akalain na ganitong klaseng pagpapakilala ang gagawin sa kanya.
"Sshh, don't worry. Madali lang ito. Basta tago ka lang sa likod ko, okay?"
Tango lang ang sinagot ni Alegria. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa gitna ng stage. Ginawa niya ang bilin ni Rafael, nakayuko lang siya habang nasa likod nito pero nagulat na lang siya nang bigla siyang hilain ng ama ni Rafael at niyakap. Hinalikan din siya nito sa pisngi. Nang tingnan niya si Rafael ay nag-iba ang timpla ng mukha nito.
"It's nice to see you, Alegria," sabi nito as if kilala talaga siya nito.
"That's enough." Hinila na siya ni Rafael. "Let's make it faster, Dad. May pupuntahan pa kasi kami."
Ngumiti naman si Philip. Halata sa anak ang pagdisgusto sa ginawa niya. But who cares? Hindi rin naman niya nagustuhan ang ginawa nitong pagpapagawa ng documents para masabing may asawa. Paano niya nalaman? Kay Lorraine. Pinuntahan siya nito at tinanong, wala siyang alam sa ginawa nito kaya naman nag-hire siya ng isang imbestigator para sundan ang lahat ng ginagawa ng kanyang anak and there, mula sa nakalap na imformation ay nakilala niya si Alegria.
Si Alegria na niligtas pala nito mula sa baha, si Alegria na ibinabahay na nito, si Alegria na may anak na pala at ginagastahan ni Rafael para makapag-aral. Si Alegria na ginawang asawa ng kanyang anak.
Napailing siya. Ano ba ang pumapasok sa utak ng kanyang anak? Ang payo niya rito ay maghanap ng isang desenteng babae, single at walang anak. Hindi pa ba ito nadadala? Noon ay pinakasalan niya si Althea kahit na buntis ito sa ibang lalaki tapos ito ngayon.
"Dad, ano pa po bang ginagawa niyo?" Untag sa kanya ni Rafael.
Naiirita na si Rafael dahil sa ginawa nitong pagyakap kay Alegria. Damn! Malala na itong nararamdaman niya, pati ang kanyang ama ay pinagseselosan na niya. Pero ang pinagtataka niya ay paano nito nalaman ang pangalan ni Alegria? Hindi naman niya ito pinapakilala pa. Biglang naningkit ang kanyang mata habang nakatitig rito. Mukhang nagpa-imbestiga ang kanyang ama.
Well, okay lang naman. Lahat naman ng documents na pinapagawa niya ay legal at wala itong mahahanap na butas—meron pala, hindi niya pala tunay na anak si Lemuel pero binigay niya pa rin kanyang apelyedo. Napailing siya. Madali namang solusyunan iyon.
"Come here, Alegria..." hinapit niya palapit si Alegria sa kanya. Nagsisimula na kasing magsalita ang kanyang ama at ipinapakilala na nito si Alegria.
"Good evening, everyone. May I have your attention, please." Sandaling nagsitahimik ang mga bisita. "I know you were surprise by the news that my son have a wife. And to tell you honestly, I was surprise too. I never had this idea. Pero kinausap ko na si Rafael and told me na secret wedding ang naganap sa kanila ni Alegria. Sobra kasi nilang mahal ang isa't isa kaya hindi na sila makapaghintay na ipaalam sa atin ang kanilang kasal. Pero ngayon, nandito sila to announce that they are married." Mahabang litanya nito saka binalingan si Rafael. "Rafael, ipakilala mo naman ang asawa mo sa kanila."

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
قصص عامةWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)