Kabanata 28
MAY pagmamadaling pumasok si Adolf sa loob ng ospital. Agad ay tinanong niya sa reception area kung saan na dinala ang mga hit and run victims at nang malaman ay mabilis siyang pumunta roon.
"Kuya! Ano ka ba? Will you please wait for me naman?" Sigaw ni Lorraine habang sumusunod kay Adolf papunta sa elevator. "My God! Pinapagod mo naman ako. Akala ko ba magpapa-check up tayo?" Sabi niya nang makapasok na sila sa loob ng elevator. "Kuya?"
"Pumunta ka na sa OB mo. May importante akong gagawin."
"What?! No! Samahan mo ako!"
"Lorraine! Please give me a break!" Nag-burst out na si Adolf dahil sa frustation na nararamdaman. Alalang-alala na siya. Kanina pa siya humihiling na sana ay mali ang hinala niyang ang kanyang mag-ina ang biktima ng hit and run na iyon.
"Bakit ba kasi? May kinalaman ka ba doon sa accident?"
"No. I hope na wala..."
Nanahimik na lang si Lorraine. Hindi pa rin niya ma-gets kung bakit nagkakaganito ang kapatid niya. Hanggang sa nakarating na sila sa floor na pupuntahan nito. Agad ay sumunod siya sa kapatid na akala mo ay may hinahabol na kung ano.
_____
MABILIS na lumabas si Adolf sa elevator. Agad ay tinakbo niya ang pasilyo at doon nakita niya si Rafael na nakaupo habang tila nagdadasal. Duguan din ang suot nitong damit. Nakuyom niya ang kamao. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang kutob, may nangyari ngang hindi maganda sa kanyang mag-ina. At ang mga dugo sa damit nito, God knows kung kanino galing ang mantsa ng dugo na iyon. Kay Alegria o kay Lemuel? Damn! Isipin pa lang niya ay parang gusto na niya itong sugurin, at ganoon nga ang ginawa niya. Mabilis siyang lumapit rito at walang pag-aatubiling sinuntok niya ito.
"Shit! What the—Adolf?" Tila ay nagulat si Rafael sa biglang pagsulpot ni Adolf sa ospital na ito. Nagtataka siya kung paano nitong nalaman ang nangyari kina Alegria at Lemuel samantalang ni hindi pa niya nababalita kay Lola Toryang o sa kahit kanino ang nangyaring ito.
"Ako nga! Gago kang hayop ka! Anong katarantaduhan ang ginawa mo sa anak ko?!" Galit na susugurin na niya sana ito ulit pero biglang humarang si Lorraine.
"Kuya! Ano ka ba? Bakit ba bigla ka na lang namunugod ng ganyan?"
"Ang hayop na iyan! It's his fault kung bakit nandito ngayon ang mag-ina ko!"
"What?" So, kaya pala nagkakaganito ang kapatid niya ay dahil dito. "Kuya, pwede ba? Huwag kang paranoid. Bakit mo inaaway si Raffy? Hindi naman siya ang may kasalanan kung bakit nandito ngayon ang mag-ina mo."
Napa-face palm na lang si Adolf. Kailangan niyang huminahon ngayon, hindi ito ang tamang oras para siya ay magalit.
"How are they?" Tanong ni Adolf nang kumalma.
"Parehas silang nasa operating room. Hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang mga doktor." Sagot ni Rafael habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi.
"Damn!" Adolf breathe hard.
Isang oras pa silang naghintay hanggang sa may lumabas ng isang doctor.
"Doc, how's—" natigilan si Rafael dahil in-interupt ni Adolf ang sasabihin niya sana.
"Doc, kumusta ang mag-ina ko?"
"Kayo ho ba ang ama ng bata?"
"Yes. The biological father. Why? Is their something wrong? Ang asawa ko? Kumusta?"
Damn! Napamura na lang si Rafael pagkarinig sa sinabi ni Adolf na biological father. Anong gustong palabasin ng taong ito? At ano ang sabi nito? Asawa? Bakit ba nito inaangkin ang hindi naman nararapat rito? Para tuloy gustong sapakin ni Rafael ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
