Kabanata 13
"I hate that bitch! I really hate her!" Galit na sabi ni Lorraine habang nasa restaurant sila ng hotel. Kasalukuyan nitong pinupunasan ang branded bag nitong Louis Vuitton na nabasa ng kape kanina. "My Gosh! Kawawa naman ang Louis baby ko!"
"Lorraine, did I heard it right? May asawa na si Rafael?" Naninigurong tanong ni Elaine.
"Yeah. May asawa na daw siya." She quoted the word 'asawa' "But I don't believe him. That bitch? Ang tanga-tanga niya and she really look dumb."
"Hey, what happened? Hindi ka daw pumunta sa meeting niyo ng manager mo? Akala ko ba gusto mong bumalik sa modeling career mo?" Ilang saglit pa ay dumating na si Adolf.
"What are you doing here, Kuya?" Gulat na tanong ni Lorraine. "Elaine, did you call him ba?"
"No. I never called him."
"Stop arguing. Tinawagan ako ng manager mo. Galit na galit siya dahil hindi ka daw sumipot but anyway, what happened?"
Marahas na napabuntong-hininga si Lorraine.
"May tangang babae na bumangga sa akin kanina. Natapunan niya ako ng kape and everthing get worst na! Nasira na niya ang damit ko and my precious day!" Naiiritang kwento niya sa kapatid.
"Really?"
"Yeah. And guess what kung sino ang sumira ng araw ko. Asawa daw ni Rafael. My God!"
"May asawa na si Rafael? Wala kaming nababalitaan na kinasal na pala siya."
"I think he's lying lang. Maybe iniisip niya na lalayuan ko na siya kapag nalaman kong may asawa na pala siya but he's wrong. Mas lalo lang akong na-excite sa kanya."
Napailing na lang si Adolf sa inaasal ng kapatid.
"But that girl looks familiar. I think I saw her before pero hindi ko lang maalala kung saan," mayamaya ay sabi ni Elaine.
"So what's her name?" tanong ni Adolf.
"Al... Al..."
"Its just a cheap name, Kuya." Putol ni Lorraine sa sasabihin ni Elaine. "Anyway, next week na ang party sa restaurant ni Rafael. We have to go there para makita natin ang babae niya. Aagawin ko sa kanya si Rafael."
"Okay. If you wish. Pero sa ngayon, makipagkita ka muna sa manager mo para ma-i-renew na niya ang contract mo. Anyway, I have to go. May inaasikaso ako."
"Where are you going na naman? Simula ng dumating ka dito palagi ka na lang busy. Hindi mo na rin naasikaso ang company na iniwan ni ni Daddy sa atin." Sabi ni Lorraine.
"Yeah. And I heard na may pinapahanap ka daw. Sino ba iyon?" Dagdag na tanong ni Elaine.
"You'll know her soon," iyon lang at umalis na si Adolf.
Hindi niya pinapaalam sa mga kapatid kung sino ang hinahanap niya, ayaw niya kasing malaman ng mga ito ang panggagahasang ginawa niya noon kay Alegria.
Ngayon ay pupunta siya sa lugar na sinasabing huling tinirhan ni Alegria. Mas lalo siyang naging eager na makita ito dahil ayon sa imbestigador na inupahan niya ay may anak daw ito at naisip niya na maaaring iyon ang naging bunga ng kapangahasan niya. Kung anak nga niya ito ay dapat lang na kunin niya ang kanyang mag-ina.
Alegria, I'm so sorry sa nagawa ko sa iyo noon. I promise, hindi ko na uulitin iyon. Magiging masaya tayo ng anak natin...
_____
"SALAMAT nga pala at pinagtanggol mo ako doon sa babae. Kung hindi ka dumating, siguradong hanggang ngayon sinasampal pa rin niya ako." Sabi ni Alegria. Nasa biyahe na sila pauwi.

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficção GeralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)