Kabanata 32

21K 330 16
                                        

Kabanata 32

ILANG araw din ang ginawang pahinga ni Alegria for full recovery ng kanyang katawan. Ngayon ay hindi na niya kailangan pang gumamit ng wheelchair dahil nakakalakad na siya ng maayos. Sa mga araw din na nagpapahinga siya sa hospital na iyon ay naging maalaga naman sa kanya si Rafael, iyon nga lang ay sasandali lang niya itong nakakasama.

Napapansin niya na kada minuto ay may tumatawag o 'di kaya ay nakaka-recieve ito ng text, pasimple pa nito iyong titingnan at kapag tinatanong naman niya kung sino iyon ay sasabihin nitong wala lang.

Ano ba talaga ang tingin sa kanya ni Rafael? Hindi marunong mag-isip? Oo nga at wala siyang kahit na anong educational background, illeterate siya pero may kakayahan naman siyang mag-isip ng kung ano na kayang nangyayari sa paligid niya. At alam niya na may hindi pa sinasabi sa kanya si Rafael, tiyak niyang may itinatago ito at parang may kunting tinig sa kanyang tainga na nagsasabing tama ang una niyang dahilan na naisip kung bakit para itong palitaw na lulubog-lilitaw sa kanyang harapan.

"Hija, may problema ka ba? Aba'y ang lalim ng iniisip mo?" Untag sa kanya ni Lola Toryang na kasalukuyang inaayos ang mga gamit niya. Na-discharge na siya dahil okay naman daw lahat ng vital signs niya.

"Okay lang po ako, Lola..." sagot niya dito. "Lola, salamat sa pag-aalaga niyo sa amin ng anak ko. Hay, sana ay magising na siya..."

Isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng maaksidente sila. At sa mga araw na nagdaan doon ay pinipilit niyang bisitahin ang kanyang anak. Kahit pa nga may mga sandali na naaabutan niya roon si Adolf na nagbabantay rin. Hindi niya gusto na naroon ito pero alam niyang may karapatan ito. Sino ba siya para pigilan ito? Si Adolf ang ama ni Lemuel at dama niya ang pag-aalalang nararamdaman nito.

Kaya nga kapag naabutan niyang naroon ito ay siya na lang muna ang iiwas at babalik na lang siya kapag nakaalis na ito. Hindi pa rin siya komportable na kasama ito sa iisang lugar but then nandoon yung possibility na gusto rin niyang kausapin ito, gusto niyang makinig sa paliwanag nito. Baka kasi kapag nakinig siya rito ay mawala na ng tuluyan itong takot na nararamdaman niya para rito. Hindi naman kasi habang buhay ay magtatago siya mula sa kanyang nakaraan, kailangan din na harapin niya ito.

"Alegria, naririnig mo ba ako?" Muli ay untag sa kanya ni Lola Toryang.

"O-opo! Ah, ano nga po ulit ang sinasabi niyo?" Sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya tuloy napansin na nagsasalita pa pala ang Lola niya.

"Ang sabi ko ay magigising rin ang anak mo. Palagi ka lang manalangin. Ay! Oo mga pala, bakit wala rito ang Señorito? Napapansin ko na bihira lang siyang narito sa tabi mo?"

"Oo nga po, e..." tanging nasabi niya. Napapansin din pala iyon ng kanyang Lola.

"Good morning!" Bigla ay pumasok si Alejandro, naka-duty ito ngayon at nagra-rounds para sa mga pasyente nito. "You're in good shaped! Mabilis ang naging recovery mo." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Magaling ho kasi kayong doktor kaya mabilis din gumaling itong apo ko." Sagot ni Lola Toryang.

"Salamat ho, Lola. So, where's Rafael? Wala pa ba siya? I saw him kanina kasama na naman niya ang isang pasyente dito." Makahulugan siyang tumingin kay Alegria. At tiyak niya na nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.

Samantala ay nagkatinginan naman ang mag-Lola.

"Ay! May bibilhin lang ako gamot sa butika rito. Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Lola na nakaramdam na medyo seryoso ang usapan ng dalawa.

"Magkasama sila ulit?" Tanong ni Alegria nang makalabas na si Lola.

"Yeah. And according sa files na nakuha ko tungkol sa patient na iyon. Wait..." may kinuha itong papel mula sa chart nito. "Here, basahin mo." Binigay nito iyon sa kanya.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon