Kabanata 40

17K 319 57
                                        

Kabanata 40

"WHAT?!" Agad ay napatayo si Zandro mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair nang marinig niya ang masamang balita mula kay Rafael. "Damn! Bakit kasi kasama mo siya?"

"Damn it, Zandro! We need ambulance here!" Sigaw nito mula sa kabilang linya. Sa tinig palang nito ay mahahalata ng umiiyak ito dahil garalgal ang boses nito.

"Gago ka, Rafael! Kapag hindi maganda ang sitwasyon ni Alegria. I swear, pagbabayaran mo ito!" Nanggigigil niyang sabi saka na ito pinatayan ng phone.

Agad ay tinawagan niya ang ambulance mobile na laging naka-stand by lang incase of emergency. Nagpasya siyang sumama na rin sa mga ito para makita niya kung ano ang sitwasyon ng kapatid.

"Damn it! Ang ayos-ayos lang niya kanina tapos ito na ang nangyari? Damn it!" Bulong niya habang nasa biyahe.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa lugar. Naabutan nilang maraming tao umuusyoso. Agad ay bumaba si Zandro ng sasakyan at hinawi ang mga tao, doon nga ay nakita niya si Rafael habang kalong si Alegria.

"Zandro! Help her! May pulso pa siya! Mabubuhay pa siya!" Nakangiti nitong sabi pero sargo naman ang luha sa mga mata. "I gave her CPR and—"

"Damn! Ang bagal ng tibok ng puso niya," sabi ni Zandro matapos pulsuhan ito.

"Pare, kumusta siya?" Tanong ni Rafael pero hindi siya pinansin ni Zandro, kinambatan nito ang mga kasamang attendant para ilagay sa stretcher ang walang malay na si Alegria. Ilang sandali pa ay nasa loob na ng ambulance ang mga ito. Susunod sana si Rafael pero pinigilan siya ng mga attendant.

"Sir, pasensya na po kayo. Puno na ho kasi kami rito." Sabi nito saka sinara ang pinto at sumakay na rin sa front seat.

Nasundan na lang ng tingin ni Rafael ang palayong sasakyan.

Damn! Please Alegria, mabuhay ka... bulong niya at nag-abang na rin ng masasakyan pabalik sa hospital.

Habang naghihintay ay hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili. Dapat pala ay hindi na lang niya pinagtangkaang itakas si Alegria, hindi sana nangyari ito. Hindi sana napahamak si Alegria.

At ang ikinaiinis pa niya, bakit si Alegria lang ang napuruhan? Bakit hindi na lang siya? Mas kaya niyang tiisin ang mga sakit kaysa naman kay Alegria na buong buhay na lang ay puro sakit ang naranasan tapos ito at nadagdagan pa.

Life is so unfair... naisip niya. Bakit ba ganito ang buhay? Bakit ba ganito ang kapalaran nila? Bigla ay may sumagot sa utak niya na baka bahagi pa ito ng karma niya dahil sa mga ginawa niya noon.

"Pare! Sasakay ka ba?" Tawag sa kanya ng konduktor.

"Oo." Agad nga ay sumakay siya. "Pakibaba na lang ako sa St. Zullega Hospital." Sabi niya sa konduktor at habang nasa biyahe ay todo ang dasal niya na sana ay maging maayos na si Alegria...

_____

DAMN! Dapat pala ay binigyan ko ng cellphone si Alegria para hindi ako natataranta sa paghahanap sa kanya. Bulong ni Adolf habang ang mga mata ay sinusuyod ng tingin ang bawat sulok ng ospital.

Hindi pa niya kasi nakikita si Alegria mula nang manggaling siya sa kwarto ni Lorraine. Pinuntahan niya ito sa kwarto ni Lola Toryang pero naabutan niya lang itong tulog.

Damn! Nasaan ka na ba? Hinahanap pa rin niya ito. Mayamaya lang ay nakita niya si Zandro na papasok ng hospital kasama ang ilang nurse habang tarantang-taranta dahil may pasyente itong dala. Balak niya sana itong tanungin ang kaso ay mabilis itong tumatakbo, tila hindi na nga siya napansin nito.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon