Kabanata 4

33.6K 551 21
                                        

Kabatana 4

"WHERE have you been, Rafael? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Salubong na tanong ni Philip sa anak.

"Dad, para naman akong teenager niyan kung ituring mo." Natatawang sagot ni Rafael saka pasalampak na umupo sa sofa. "I'm old enough. See, 38 na ako."

"Iyan na nga ang ibig kong sabihin. Baka akala mo ay hindi ko nababalitaan na sa pad mo sa Manila dinadala ang mga babae mo. I'm reminding you, Rafael. Baka makadale ka niyan. I know na hindi ka pa nakaka-recover sa—"

"Dad, I know it's not obvious but I already moved on from my relationship with Althea. Masaya na akong nakikitang masaya siya sa piling ni Brix kahit pa nga hindi na talaga maganda ang anyo ng mokong." Natawa siya ng pagak. "But honestly, Dad, until now I really feel guilty dahil hindi pa nagigising si Ara."

"She'll wake up one day." Philip patted his shoulder. "Anyway, bakit hindi mo subukang muling mag-asawa? You're not getting any younger."

Biglang natawa si Rafael.

"I'm still enjoying my life. I have lived in celebacy for the past five years. Imagine that? Five years akong walang sex kaya ito sinusulit ko muna."

Napailing na lang si Philip.

"Tandaan mo lang palagi ang paalala ko sa iyo. Ayokong mabalitaan na nakabuntis ka ng babae."

"Don't worry, Dad. I am always using my protection. Anyway, I have to go." Tumayo na siya at tinungo ang pinto.

"Kadarating mo lang, ah? Saan ka na naman pupunta?"

"Dad, like what I've said. I am enjoying my life. Don't worry about me." 'Yon lang at lumabas na ito.

Naiiling na nasundan na lang niya ng tingin ang anak...

_____

SIMULA nang lumabas ng kulungan si Rafael ay walang araw na hindi niya dinadalaw ang ama.

Ito na ang nagsilbi niyang kaibigan na napaglalabasan niya ng mga sama ng loob. Dahil simula nang makulong siya ay nawala na lahat ang mga kaibigan niya.

Totoo nga ang kasabihan na sa oras ng kagipitan mo lang makikita  ang tunay mong kaibigan and unfortunately, wala siyang totoong kaibigan.

Natawa na lang siya ng pagak. Ang iba nga sa mga kaibigan niya dati ay pinagkakatiwalaan pa niya pero wala rin pala.

Anyway, it's their loss, not him. Dahil ngayong nakalaya na siya ay sisiguruduhin niyang magiging mas kilala ang pangalan niya higit pa sa dati.

Pero wala na siyang pakialam sa mga iyon. Ang mahalaga ay nandito siya ngayon sa puntod ng kanyang anak.

Tulad ngayon, nasa sementeryo siya at dinadalaw ang anak na hindi man lang niya nasilayan kahit sabihing patay na.

Taimtim siyang nagdasal matapos ilagay ang bulaklak at magsindi ng kandila.

"Anak, sorry kung hindi mo naranasan ang mabuhay. It's my fault kaya wala ka na dito..." kausap niya rito, iniisip niya na buhay ito at nasa harapan niya. "Kung sana ay hinayaan ko na lang sila, hindi ka sana mawawala but it's too late. Maybe, this is God's way of telling that Althea and Brix are meant for each other. Anyway, anak, I know that you became an angel. Please, be on your Mother's side. Protect and guide her. I know Althea will be happy if you do that, she loves you so much, anak. And again, please wake up your Ate Ara. Althea would be much happier kapag nagising na siya. And yeah, you're right. It's my fault again why she is in that position. I know I've  been a bad person before. But yeah. That was before... anyway, be my angel too. I love you so much..."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon