Kabanata 50
"GOD! Grabe naman ang nangyari sa.iyo, Kuya." Awang-awa na sabi ni Elaine kay Adolf.
"Daddy, ano pong nangyari? Bakit po kayo nagkaganyan?" Sabi ni Pious habang hawak ang kamay ng ama. Si Azalea naman ay nasa isang sulok habang umiiyak. Naawa rin kasi ito sa nangyari sa kanyang tiyuhin.
"Don't worry. I'm okay." Nakangiting sabi ni Adolf habang dahan-dahang bumabangon. "Sa totoo lang, dapat pa akong magpasalamat dahil sa nangyaring ito, nakita ko si Alegria. I know it was your Mom, Pious."
"Well actually, she's here. Pero kanina pa iyon." Sabi ni Elaine na ikinakunot ng noo ni Adolf. "A certain Doctor Zullega shouted her to go home. I think kilala ka niya dahil gusto-gusto niyang malayo na rito si Alegria."
"Zullega? Damn! Ang kapatid niya iyon." Napailing na lang si Adolf. "Ang taong iyon lang talaga ang hadlang para makausap ko si Alegria. Shit! Baka ang lalaking iyon pa may pakana sa pambubugbog sa akin."
"Who knows?" Kibit-balikat na sagot ni Elaine. "Kanina nga rin ay sinigawan niya ang anak mo. He knew that Pious was Alegria's son kaya—"
"He shouted you?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Adolf. Bahagya lang na tumango ang bata. "Ang hayop na iyon! Wala siyang karapatan na sigawan ka anak. Don't worry, kapag nakaharap ko ang gagong iyon ay sasapakin ko siya para makaganti ka."
"Hayaan niyo na po. Ang gusto ko lang po sa ngayon ay ang mayakap si Nanay. Gusto ko na po siyang mayakap."
Adolf patted his son's head. Naaawa na siya rito. Si Alegria talaga ang hanap nito.
"Don't be sad. Dahil sa nangyaring ito at sa pagkikita namin ng Mama mo, I know God has a reason. Magsasama-sama na tayo..."
_____
PASADO alas-tres na ng umaga pero gising pa rin si Zandro, nakaupo siya sa stool habang umiinom na brandy. Halos ay maubos na nito ang iniimom na alak. Hindi kasi siya makatulog magmula ng dumating siya.
Kanina ay tinangka niyang puntahan si Cassandra sa kwarto nito, nagtangka siyang kumatok pero umatras din siya. Naisip niya kasi na tama ang sinabi ni Seran. He should give Casa a time to think. He upset her kaya kailangan na maghintay siya hanggang sa mawala ang tampo nito sa kanya.
Damn! Pero hindi ako makakatagal na ganito kami. Hindi ko kayang isipin na nagagalit siya sa akin." Sa isip-isip niya pagkatapos ay muling nagsalin ng alak sa baso. Mayamaya ay tinungga na niya ang natitirang laman ng bote.
Napasandal siya sa lamesa. Sandali siyang nahilo dahil sa nalagok na alak. Seconds after, nang kaya na niya ay tumayo siya at kinuha ang ilang kumpol ng susi na nasa emergency box ng kusina nila.
He needs that key para makapasok siya sa kwarto ni Cassandra, sigurado kasing naka-lock iyon. Pasuray-suray siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Napangiti siya nang tumapat na siya sa pinto ng kwarto ng pakay niya. Duling na ipinasok niya ang susi sa seradura ng pinto. Sa wakas ay nabuksan na rin niya iyon.
Napangiti na lang siya. Pumasok siya sa loob at doon ay nakita niya sa kama si Cassandra, nakatigilid ito habang sa tabi nito ay nandoon ang laptop na naka-bukas pa.
Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang laptop nito at tiningnan kung ano ang huling ni-research nito. At kahit bangag pa siya dahil sa epekto ng alak ay hindi maaaring magkamali siya ng basa.
The name she was searching for is Rafael Gonzaga. Tiningnan niya ang mga images na naroon. Halos ay gusto niyang itapon ang laptop dahil sa nakikita. Paano ay naroon ang image kung saan magkasama ang mga ito, meron pa ngayong nakayakap si Rafael rito at hinahalikan.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Fiction généraleWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
