Kabanata 68
"SA tingin mo ba Alegria kaya kitang patayin? Mahal nga kita e, bakit ko hahayaan na mawala ka? You should live. You deserve to be happy to the man you really love... and this gun? This is for me. Alam kong habang narito ako ay palaging kang matatakot, ayoko ng maramdaman mo iyon kaya kailangan na mawala ako." Pagkasabi niyon ay malalim itong huminga saka itinutok ang baril sa sintido nito.
Si Cassandra naman ay nanlalaki ang mga matang napatitig na lang sa ginawa ni Adolf.
"Huwag mong ituloy 'yan. Paano si Pious? Malukungkot siya kapag ginawa mo 'yan. Please, makinig ka sa 'kin."
"You're here. You can take care of our son." Nakangiti niyang sagot.
"No! He need you! Huwag mo ng—" pero hindi talaga ito nakinig. Itinuloy nito ang balak...
"No!" Isang masamang panaginip ang gumising sa tulog na diwa ni Cassandra. "Adolf..." napaiyak na lang siya nang maalala ang lalaki pati ang ginawa nito.
"Alegria! You're awaked!" Agad ay napalapit si Rafael sa kanya saka siya inalalayan para makabangon. "Are you okay? Why are you crying?" Masuyo niyang tanong saka pinahid ang luhang naglandas sa pisngi nito.
"Si Adolf, kumusta siya?" Tanong niya na kahit papaano ay umaasa siyang nakaligtas ito. Kahit na coma pa 'yan o kung ano pa man, ang mahalaga ay may pag-asa itong mabuhay pero malungkot na umiling si Rafael.
"He's gone. Dead on the spot na siya nang matagpuan namin kayo. Nakaburol na siya ngayon at bukas ang libing niya."
"Oh, God!" Muli ay napaiyak siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang ginawa nito. Hindi dapat nagpakamatay si Adolf. Naging biktima lang ito. Ang dapat na makaranas ng sinapit nito ay ang taong dumukot sa kanya.
"Alegria, huwag mo munang alalahanin si Adolf. Makakasama 'yan sa baby natin." Alo niya rito.
"Huwag kong alalahanin? How can I? Alam mo ba kung bakit niya iyon ginawa? Kasi mahal niya ako at ayaw niya akong saktan. Mas pinili niya ang magpakamatay para mailigtas ako. Sabihin mo nga sa 'kin, paano ko hindi iisipin na may taong nagsakripisyo para mabuhay ako ngayon?"
"Sa tingin mo ba Alegria gusto ni Adolf na isipin mo iyon?" Seryosong saad ni Rafael. "Sa tingin mo ba matutuwa siya kung sisisihin mo ang sarili mo dahil sa nangyari sa kanya? He sacrificed for your sake, for your happiness. Dahil sa huli naisip niya na dapat na maging masaya ka at alam niya na magiging masaya ka sa piling ko." Nakangiti niyang sabi saka kinuha ang kamay niya at marahan iyong pinisil.
"P-pero hindi niya pa rin dapat ginawa iyon."
"I know but we can't do anything about what he did. Bukal sa loob ang ginawa niya, alam kong mali pero ganoon talaga. Nakakainis man pero mahal ka niya talaga at ito ang naisip niyang paraan para hindi ka niya masaktan."
"H-hindi naman talaga dapat na nangyari iyon sa kanya. A-alam mo bang may dumukot sa 'kin? Hindi si Adolf, may iba pa. N-natatakot nga ako na baka—"
"You have nothing to worry. Nahuli na siya. Si Lorraine. Kasalanan niya kung bakit nangyari iyon sa kapatid niya. She injected him a drug that can boost a man's sex drive."
"Si Lorraine?" Napapikit na lang siya. Mas lalo siyang nahilo dahil sa nalaman. Pakiramdam niya ay babaliktad ang sikmura niya. "P-paano niya nagawa na—"
"Alegria, huwag muna silang isipin, please. Gusto ko na maging okay ka."
"P-pero..."
"Alegria—"
"Okay. Hindi ko na sila iisipin pero gusto kong pumunta sa burol niya."
"Alegria—"
"Please, sa huling pagkakataon gusto ko na makita siya para magpasalamat."

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Fiction généraleWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)