Kabanata 48
NATAPOS ng maayos ang fashion show. Kahit na ba nagkaroon ng aberya kanina dahil sa pagkakahulog ni Cassandra sa stage ay tuloy pa rin ang show. Bumalik pa rin ang dalaga kanina para ipagpatuloy ang pagrampa. Hindi naman siya nasaktan kaya babalik talaga siya.
"Thank you so much for coming here, Ms. Cassandra. We owe you our success tonight." Sabi ng isang pinoy designer nang makalapit sa dalaga.
"Oh! It's my pleasure. I'm still a filipina and I will always love to wear dresses made by our designers." Nakangiting sabi niya.
Nasa party siya ngayon na inilunsad daw ng primary sponsor ng masquerade fashion show. Hindi nga niya alam kung bakit agaran ang party. Karaniwan kasi ay three days after the event, saka nagpapa-party ang mga ito. Pero ngayon ay iba. Well, okay lang naman sa kanya. She loves going to parties like this.
"Casa..." tawag ni Seran sa kanya.
"Yes, Kuya?"
"Dito ka lang okay? May popormahan lang ako doon. Babalik din ako kapag nakuha ko na ang number." Sabi nito at pilyong kumindat sa kanya.
Hindi naiwasan ni Cassandra ang mapangiti.
"You're so naughty, Kuya Seran. Sino ba ang unlucky girl na lalapitan mo ngayon?"
"Unlucky? You must be joking, Casa. Maybe she's lucky dahil ako pa ang lumapit sa kanya." 'Yon lang at natatawang umalis na si Seran.
"Yabang mo!" Natatawang pahabol ni Cassandra.
Napailing na lang siya. Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa nakalapit na roon sa isang modelo rin. Napaisnab na lang siya sa pinsan, paano kasi ay nag-thumbs up pa ito sa kanya na parang sinasabing, See? Ang bilis bumigay.
Muli ay napailing siya at iniwas ang tingin sa mga ito. Itinuon na lang niya ang pansin sa gitna ng banquet hall kung saan may ilang pares na sumasayaw. Uptown Funk kasi ang pinapatugtog kaya todo hataw ang mga ito. Hindi niya maiwasang matawa, pati kasi ang may mga edad na ay sumasayaw pa rin; syempre kasama ng ilang mga modelo.
Napabuntong-hininga siya. Ilan sa mga modelong nakikita niya ay halatang nilalandi ang mga matatandang sumasayaw.
Gold digger? Napangisi siya. Sa tagal niya sa pagmo-modelo ay makikilala mo agad kung sino ang mga matitino sa hindi. And sadly, kahit kapwa niya lahi ang mga ito ay alam na niya agad ang hangad ng mga ito.
"Hi Miss Cassandra, can I have a dance with you?"
Napaangat ng tingin ang dalaga sa nagsalita. Nakalahad na ang kamay nito sa kanya na talagang inaanyayahan siya, matangkad ito at gwapo din. Napatingin ulit siya sa mga nagsasayawan. Hindi na magaslaw ang sayaw ng mga ito, mabagal na at ang ilan pa nga ay magkayakap pa. Saka lang niya napagtanto na romantic music na pala ang pinapatugtog.
Napangiti siya. Its about time para magsaya naman siya ngayong gabi, hindi naman pwedeng nakaupo lang siya magdamag.
"Sure!" Sagot niya at akmang aabutin ang kamay nito pero may ibang kamay na humila sa kanya patayo.
Muntik pa siyang mapatili sa gulat kung hindi lang ito agad na nagsalita.
"Would you like to dance?" Sabi ng lalaking naka-maskara.
At kung hindi nagkakamali si Cassandra, ito ang lalaking sumalo sa kanya kanina. Ito ang lalaking weird! Hindi siya maaaring magkamali, kahit nagbago ito ng suot na damit at maskara, still, kilala niya ang boses nito. Ang buo at baritonong boses nito. At isa pa, ang pabango at ang init na nagmumula rito—parehas kanina. Napaiwas siya ng tingin dito. Ito na naman, ang bilis ng tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Fiksi UmumWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
