Kabanata 2

41.7K 658 15
                                    

Kabanata 2

NAGISING si Alegria na masakit ang katawan. Paano ay hindi lang siya isang beses inangkin ni Rafael, maraming beses. Lahat yata ng parte ng kwartong ito ay nabinyagan nila.

Yeah. Masyadong aggressive ang lalaki sa kanya—na ikinatutuwa niya dahil ang ibig sabihin niyon ay gusto nito ang katawan niya.

Napangiti siya. Okay na rin iyon sa kanya. Sandali niyang niyakap ang sarili. Mayamaya ay bumangon na siya. Wala kasi sa tabi niya si Rafael.

Ano kayang ginagawa niya? Bulong niya sa kanyang isip at ngayon nga ay nag-i-imagine na siya na nasa kusina si Rafael at naghahanda ng breakfast para sa kanya.

Napangiti siya. Hindi niya maiwasang kiligin. Sana nga ay totoo ang iniisip niya dahil kung nagkataon siya na siguro ang pinakamaswerteng babae sa mundo.

Bumaba na siya sa kama at isinuot ang oversized polo ni Rafael na suot nito kagabi. Bubuksan na sana niya ang pinto nang makarinig ng ungol ng babae.

Bigla ay nanlamig siya. May ibang babae ba si Rafael bukod sa kanya at dinala pa rito?

Hindi niya napigilan ang umiyak. Kahit wala siyang karapatan dahil ni wala nga silang relasyon ni Rafael.

Lumabas siya ng kwarto. Oo, masokista na yata siyang matatawag dahil ginusto pa niyang makita ang kung ano man kababalaghang ginagawa nito.

Pero wala siyang nakitang kakaiba. Nakaupo lang si Rafael habang nanunuod ng TV.

"Gising ka na pala. Halika, look, ang ganda ng performance mo dito." Nakangising sabi nito.

Mabilis na pinahid ni Alegria ang luha sa kanyang pisngi. Wala naman pala itong babaeng kasama so ano ang pinapanood nito? Porn?

Pero bigla rin siyang nagtaka. Ano daw? Performance daw niya?

Agad siyang napalapit at tiningnan kung ano ang pinapanood nito at laking gulat niya nang makita ang sarili sa TV.

Kasalukuyan ay siya ang bida sa pinapanood niya ngayon. She was on top of Rafael while moving faster and faster. Narinig pa niya ang malakas na pag-ungol niya roon matapos maabot ang langit. Then the next scene was, ofcourse, siya pa din but this time si Rafael na ang nasa ibabaw niya habang nasa pagitan ng hita niya at—

Napapikit na lang siya. Bakit hindi niya kayang panoorin iyon? Mayamaya ay nakarinig ulit siya ng mga ungol—alam niya na sa kanya ang mga ungol na iyon.

"Your moans were like music to my ears. Ang sarap pakinggan. Hey, manood ka naman." Pag-aaya nito sa kanya pero kinuha niya ang remote control at pinatay na ang TV. "Hey! Anong problema mo?"

"Bakit mo ginawa ito!" Pagkuway galit niyang sabi.

"Are you shouting at me? Baka nakakalimutan mo, hindi pa kita binabayaran sa serbisyo mo. What if hindi kita bayaran?"

Bigla namang natahimik si Alegria. Kailangan niya ng pera para sa anak

"So? Hindi ka ba magso-sorry?"

Napayuko na lang si Alegria. Bakit naman siya magso-sorry?

"Well, magtataka pa ba ako? Kung noon nga wala kang sinabi na kahit na ano noong nakuha ni Brix si Althea, ngayon pa kaya?"

Doon napaangat ng mukha si Alegria. Bakit niya ba nakalimutan iyon? Siya pala ang sinisisi ni Rafael kaya nakatakas si Althea noon sa isla. At siya rin ang sinisisi nito kung bakit nakulong ng limang taon.

Naging malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Siguro kaya siya nasa harapan nito ay para magantihan. Oo nga pala at nagbanta ito sa kanya noon na hindi pa daw tapos ang sa kanilang dalawa.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon