Kabanata 16
DAMN! Bakit ko ba nakalimutan iyon? Ngayon nga pala ang anniversary party ng restaurant ko. Bulong ni Rafael habang nagmamaneho siya papasok sa parking area ng Glorietta Mall.
Nitong nakaraang araw ay masyado siyang naging busy dahil sa pag-aasikaso ng mga documents nina Alegria at ng anak nito. Pati ang DNA result ay hinintay din niya na sa kalaunan ay wala rin siyang napala. Dahil sa mga iyon ay napabayaan niya tuloy ang business niya.
Naiiling na lumabas siya ng kotse at sumakay na sa elevator para makapunta sa level 4 ng mall kung saan naroon ang restaurant niya. Kung hindi pa niya kanina nakita ang kaibigan niya ay hindi niya maaalala ito. Isa kasi ang kaibigan niya sa mga VIP guest ng restaurant. Anyway, ang party na gaganapin ay exclusively for VIP's only.
Ngayon ay palabas na siya ng elevator. Naglalakad na siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay ang kanyang ama pala. Parang ayaw niya tuloy sagutin ang tawag nito. Paano ay siguradong kukulitin siya nito na dalhin ang 'asawa' niya.
Nalaman na nito na may asawa na siya dahil kay Lorraine. She asked his father kung totoo ang sinabi niya and well, dahil walang alam ang kanyang ama sa ginawa niya ay sinabi nito sa babae na hindi totoo ang balita dahil wala naman siyang sinasabi rito. So there, kinukulit na naman siya ni Lorraine and she's asking again for a second chance.
"Yes, Dad?" Sa huli ay sinagot na lang niya ang tawag.
"Rafael, dalhin mo ang sinasabi mong asawa mo sa party. I will be there later at ipakilala mo siya sa akin ng personal."
Napapikit ng mariin si Rafael. Ang laking problemang pinasok niya. Paano niya ipapakilala si Alegria bilang asawa kung hindi naman nito alam na mag-asawa na pala sila?
Damn Rafael! Ano ba kasi ang pumasok dyan sa utak mo at nagpagawa ka ng mga documents saying that Alegria is your wife? Masyado ka kasing umasa na anak mo ang batang iyon. Ito tuloy ang napapala mo.
"Do you hear me Rafael?"
"Yes Dad. Don't worry, dadalhin ko siya rito." Pinatayan na niya ito ng phone. Nagmamadali siya. Bibisitahin niya muna ang kanyang restaurant para i-check kung okay na ang mga preperations para sa party mamayang gabi then pupuntahan na niya si Alegria para ihanda ito at para na rin sabihin dito na simula ngayong gabi ay mag-asawa na sila...
_____
"AY madam! Ang ganda-ganda mo na!" Tili ng baklang nag-make up kay Alegria. "Sige nga madam, turn around!"
"Ha?"
"Ikot madam! Ikot! Tulad nito..." at umikot ang bakla na para bang isang beauty queen, nag-wave pa ito ng kamay. "Thank you, Philippines!"
Napatingin na lang si Alegria kina Lola Toryang at Lemuel na nakatingin lang din sa kanya. Natulala na ang mga ito matapos siyang ayusan ng bakla.
Ito ang bisita nila kanina. Ang sabi nito ay inutusan daw ito ni Rafael para ayusan siya—na hindi naman niya alam kung bakit. Hindi nila ito agad pinapasok kanina dahil sa takot na baka masamang tao ito at ang dala nitong karton ay naglalaman ng baril. Kinailangan pa nilang tawagan si Rafael para makasiguro. Mahirap na lalo at may misteryosong lalaki kanina na nagpakilala kay Lemuel.
"Madam, ikot ka na dali."
"Hija, umikot ka daw."
Umikot nga siya. Pero ang ikot niya ay parang penguin na nahilo lang.
"Ay! Ang pangit, Madam. Huwag mo ng ulitin iyon, ha?" Tumayo ito at may kinhuha sa loob ng karton. "O ito, suotin mo na ito." Binigay nito ang isang pares ng 3 inches high heels.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)