Kabanata 49
"DAMN it, Seran! Anong ginagawa ng gagong 'yan dito?" Pabulong pero galit na sabi ni Zandro sa pinsan.
Hindi nakasagot si Seran at napabuntong-hininga na lang. Paano ba niya sasabihin na there's no such thing as coincidence? Alam niya na kaya nangyayari ito ay dahil ito ang pasya ng nasa Itaas. Naisip niya na siguro ay paraan ito ng Diyos para malaman na ni Cassandra ang totoong pagkatao nito.
Lihim siyang napailing. Sabi na nga ba at ganito ang mangyayari, na magagalit si Zandro. Dapat talaga kanina ay pinilit niya si Cassandra na sa ibang hospital na dalhin ang lalaking iyon. Pero wala, nagpadaig siya sa pagiging masungit nito.
"Wala pa nalalaman si Casa kung sino sa buhay niya ang lalaking 'yon. Just act natural, Zandro. You're so obvious." Sagot ni Seran.
Iritadong napasuklay na lang ng buhok si Zandro gamit ang kamay. Hindi siya mapakali dahil sa kaalamang nasa tabi lang ni Cassandra ang mga taong maaaring magpahamak dito.
Samantala ay natitigan na lang ni Seran ang pinsan. Kung ngayon pa lang na nalaman nitong si Adolf ang kasama nila, what more kung malaman pa nitong nagkausap sina Cassandra at Rafael? Kapag nalaman nito iyon ay baka nakabulagta na siya.
"Natawagan niyo na ba ang kamag-anak ng lalaki?" Tanong ni Cassandra sa nurse habang palabas ng kwarto kung saan naroon si Adolf.
Napatingin naman sina Seran at Zandro sa mga ito.
"Yes Ma'am. Kanina pa po. In just a minute po siguro ay nandito na sila."
"Okay. Thank you." Nakangiti niyang sabi sa nurse.
"Cassandra..." tawag ni Zandro sa kapatid nang makaalis na ang nurse.
"Yes, Kuya Zandro?"
"I think you need to go home."
"No. I'll stay pa. Gusto ko kasing malaman kung okay na ang lalaking tinulungan namin."
"I'll inform you about his situation."
"Maaabala pa kita. No need. I'm willing to wait."
"Paano kung may makakilala sa 'yo dito?"
"Nasa private area naman tayo. Saka nandyan naman si Kuya Seran to protect me, right?" Baling niya kay Seran, tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Damn! Bulong ni Zandro. Gusto na niyang pauwiin si Cassandra dahil baka biglang dumating ang pamilya ni Adolf.
"And, gusto ko rin kasi na makita ang pamilya niya. Especially, ang batang kasama niya noon sa mall. He's so cute kasi and I am hoping na kasama nila ang bata."
"What?" Biglang napataas ang boses ni Zandro pagkarinig doon sa sinabi ng kapatid.
"O, bakit parang galit ka? Masama bang makita ko ang bata? You know naman na very fond ako sa mga kids, 'di ba?"
"But—"
"Excuse me, ito ba ang room 504? May dadalawin kasi kaming patient dito."
Natigilan si Zandro sa sasabihin dahil may biglang nagsalita sa kanilang likod. Nang tingnan niya kung sino iyon ay laking gulat niya nang makita ang isang babae kasama ang isang batang babae at lalaki. Sa unang tingin pa lang ay alam na niya kung sino ang batang lalaki na iyon. Si Lemuel. Hindi siya maaaring magkamali, kahit na bahagyang tumangkad ito ay makikilala pa rin niya ito.
"Hey! It's you. Do you remember me?" Tanong ni Cassandra sa batang lalaki. "You are Pious, right? And you are... Azalea? Am I right?"
"Yes! I am Azalea!" Masiglang tugon ni Azalea samantalang ang katabi nitong si Pious ay tahimik lang.
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
