Kabanata 15
SIMULA ng gabing iyon nagbago na si Rafael. Hindi na ito sumasabay sa kanila sa pagkain sa umaga, naging malamig na rin ang pakitungo nito sa kanya—lalo na kay Lemuel at minsan pa ay masama kung makatitig sa bata na para bang nagbabalak ito ng masama. Doon kinakabahan si Alegria, kaya nga kapag nasa paligid na si Rafael ay pinapalayo na niya ang kanyang anak. Napapansin na rin iyon ni Lola Toryang kaya tumutulong na rin ito sa kanya.
"Hija, ano ba ang nangyayari dyan kay Señorito? Aba'y mula nang umuwi kayo ay nag-iba na ang ugali. Natatakot tuloy ako para sa inyo," sabi ni Lola nang minsang nagkausap sila. Wala si Rafael ng oras na iyon.
"Oo nga po e, natatakot na rin ako." Pag-amin ni Alegria. "Ayoko pong mag-isip ng hindi maganda tungkol sa kanya pero sa nakikita ko ay binibigyan niya ako ng rason para gawin iyon."
"Alegria, ano kaya kung umalis na tayo rito? May ipon na tayong pera dito galing sa pa-sweldo niya sa atin bilang caretaker. Sapat na siguro iyon."
Napaisip si Alegria. Tama ang kanyang Lola. Gusto na niyang lumayo kay Rafael. Kung ganito lang din naghihirap siya at damay pa ang Lola at anak niya mas mabuti pang umalis na sila rito.
Ayaw na rin niyang makasama si Rafael. Gabi-gabi na lang kung galawin siya nito, napapagod din ang katawang lupa. Mabuti na nga lang ay hindi pa siya nahuhuli ni Lola Toryang na wala sa kwarto nila pagsapit ng ala-una ng umaga. Isa pa ay sumasakit ang puson niya sa tuwing matatapos sila ni Rafael, ewan ba niya kung bakit pero nasagot din ang tanong niya, kanina ay nagkaroon na siya ng buwanang-dalaw at nagpapasalamat siya dahil hindi pa nagbubunga ang ginagawa nila. Ang problema ay ang mamayang gabi, siguradong magpipilit ito para sa kama.
"Alegria, anong masasabi mo sa plano ko?" Untag sa kanya ni Lola Toryang.
"Sige Lola, mamaya pagdating ni Señorito Rafael ay magpapaalam na ako para makaalis na tayo bukas ng tanghali."
"Ay, mabuti naman."
_____
GABI. Bumangon na si Alegria at pumunta sa silid ni Rafael. Hindi na siya nag-abalang kumatok dahil iniiwang bukas naman iyon ng lalaki. Pagpasok niya ay naabutan niyang palabas ng banyo si Rafael. Nakatapis lang ito ng tuwalya habang pinupunasan ang basang buhok. Hindi maiwasan ni Alegria ang mapalunok dahil sa anyo nito.
"Good. Lagi kang sakto sa oras kapag pumupunta ka dito." Sabi ni Rafael matapos tumingin sa wall clock. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya habang ang kamay nito ay dumapo sa pang-upo niya at hinimas iyon pero bigla itong natigilan. "What's that?"
"M-may buwanang-dalaw kasi ako kaya hindi puwede ngayon." Bahagya niya itong itinulak.
"Damn!" Napamura na lang si Rafael. Hindi niya kaya ang isang gabi na hindi inaangkin ang babaeng ito. Yeah. He's addicted to her. Pilit man niyang inuukit sa kanyang utak na masamang babae ito, hindi naman niya maiwasan ang isipin na paano ang gabi niya kung wala ito sa kanyang tabi? Oo at inaamin niyang hindi niya kayang hindi ito nakakasama pero hindi niya iyon pinapahalata kay Alegria. Pagkatapos ng gabing kapiling niya ito ay binabayaran niya ito na tulad sa isang babaeng bayaran, pinaparamdam niya rito na iyon ang katayuan nito sa kanya.
"Rafael, may gusto sana akong sabihin..." kahit natatakot sa nakikitang reactions nito ay nagsalita pa rin siya. "G-gusto na sana naming bumukod, sapat na ang perang binibigay mo sa akin sa tuwing..." hindi niya maituloy ang sasabihin, nasasaktan siya dahil bayarang babae ang tingin nito sa kanya. "Kaya sana payagan mo na kaming—"
"Hindi pa ako nagsasawa sa iyo, Alegria. Bakit aalis ka na?"
"Ayoko na kasi na ganito tayo. Saka baka malaman pa ito ng anak ko, ayokong—"
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)