Kabanata 29
MALUNGKOT na nakatunghay lang si Rafael kay Alegria mula sa labas. Tanging ang salamin lang ang naghihiwalay sa kanila. Hindi pa kasi siya pinapayagang pumasok ng nurse, kakatapos lang kasi ng operation nito kaya kailangan ng pahinga. He sighed. Ito ang karma niya sa lahat ng maling nagawa noon. Kailan ba maaalis itong sumpa sa kanya? Mapait siyang napangiti.
"My condolence, Raffy. Kawawa naman si Alegria..." sabi ni Lorraine na bigla na lang tumabi sa kanya. "Hindi man lang niya nakita ang anak niya. But then, ang swerte pa rin niya, I mean sila ng pamangkin ko."
Hindi maiwasan ni Rafael ang mainis sa katabi. Sa tono ng boses nito para bang natutuwa pa ito sa nangyari. Hindi niya maramdaman ang pakikiramay nito. He harshly sigh. Bakit ba hindi na lang ito umalis sa hospital na ito? She doesn't have any business here. O, 'di kaya sumama na lang ito sa kapatid na ngayon ay nasa silid ni Lemuel. Tapos na rin kasi ang operation nito.
"Anyway, alam mo ba na kapag may nawawala ay may pumapalit?" Pagpapatuloy pa nito. Rafael hissed. Ano naman kaya ang sinasabi ng babaeng ito? "Rafael, are you listening to me?"
"Lorraine, as of now, wala akong pakialam sa kung ano man ang sinasabi mo. Can't you see? Kamamatay lang ng dapat ay anak namin ng asawa ko."
Biglang napangisi si Lorraine. "Iyon nga ang sinasabi ko ngayon. Namatay ang anak mo sa kanya pero may pumalit naman. Raffy, I'm pregnant and you are the father."
Biglang nangunot ang noo niya. Ano daw? Buntis ito at siya ang ama? Parang bomba iyon na sumabog sa kanyang tainga. Agad siyang napatingin doon sa impis nitong puson. Mukhang hindi naman ito nagdadalang-tao. And, in Lorraine's case? Ang hirap paniwalaan na hahayaan nitong mabuntis ang sarili. Alam kasi ni Rafael na figure concious ito at takot na tumaba.
"Liar. Do you actually think na maniniwala ako sa iyo? Porque ba namatay ang anak ko sasabihin mo iyan para mabuhayan ako ng loob? Oh, c'mon! I know you. Kung malaman mo man buntis ka, I'm pretty sure na hindi mo ipapaalam 'yan sa kahit na kanino. Baka nga sa oras na ito ay pinapa-abort mo na ang dinadala mo."
"Yeah. I admit. Balak ko ngang gawin iyon dahil sa takot akong tumaba at maging losyang but I realized na mali iyon. Kaya nga ito, o. Pinagpapatuloy ko itong pagdadalang-tao para sa iyo. Ganito kita kamahal to the extend na kaya kong isakripisyo ang lahat." Naiiyak nitong sabi. "Raffy, maniwala ka naman, o!"
"No! Malay ko ba kung akin nga ang batang 'yan. Knowing you? Alam kong nakikipag-relasyon ka sa mga kapwa modelo mo noon, kaya nga hiniwalayan kita noon."
"No! This is yours."
"I will never believe you, Lorraine. Don't use my situation now para sabihing anak ko ang sinasabi mong pinagbubutis mo. If you are really pregnant then hindi ka dapat nagsusuot ng high heeled na sapatos. Hindi mo ba alam na bawal ka magsuot niyan? Naka-hanging blouse ka pa na kita ang pusod at fitted skirt. C'mon, Lorraine, you are not a good actress." Panunuya ni Rafael.
Napatingin naman si Lorraine sa sariling suot. Aba malay ba niya kung ano ang sinusuot ng mga pregnant women. Basta ang alam niya ay dapat maging fashionable siya sa lahat ng oras.
"H-hindi ko naman alam, e. Why? Do I need to wear maternal dress? Yuck! Ang baduy."
"See? Kung buntis ka talaga dapat ay hindi ka nahihiyang magsuot ng mga damit for pregnant women." Marahas siyang napabuntong-hininga. "Let's stop this. Don't you ever lie again to me Lorraine. I won't buy your shit." Puno ng disgust na tumingin siya rito. Hindi niya akalain na kahit sa ganitong sitwasyon ay magagawa nito na magsinungaling. "Umuwi ka na, kayo ng Kuya mo. Hindi namin kayo kailangan dito."
"No! Hindi kami aalis dito. And besides, may karapatan din ang Kuya ko dito. Anak nila ni Alegria ang bata at ako, hindi rin ako aalis not until maniwala ka na ikaw ang ama nitong dinadala ko."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Ficción GeneralWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
