Epilogue

27.7K 365 75
                                        

Epilogue

After 1 year...

ISANG taon matapos mamatay ni Adolf ay nagpasya na sina Alegria at Rafael na magpakasal. Nakapagbabang-luksa na rin sila bilang galang kay Adolf at sa pamilya nito.

"Casan—I mean, Alegria..." tawag sa kanya ni Zandro.

Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse.

"Kuya Zandro, pwede mo pa rin naman ako tawaging Cassandra kung doon ka sanay."

"Pero bumalik na ang alaala mo, 'di ba?"

Tumango lang bilang sagot si Alegria. Yes, bumalik na nga lahat ng alaala niya bilang si Alegria. Nangyari iyon noong halos ay magahasa na siya ni Adolf. Bumalik ng kusa ang mga alaala niya. Weird man kung paano iyon nangyari pero ang trauma na naranasan niya noon sa kamay nito ang nagpabalik ngayon sa alaala niya. Na-trigger niyon ang isang nerve sa utak niya kaya ito siya ngayon, si Alegria na siya ulit, kilalang-kilala na niya ang sarili.

Dahil na rin sa bumalik ang mga alaala niya ay nagawa na rin niyang i-announce sa media kung sino talaga siya. Sinabi niya sa mga ito na siya si Alegria, na may anak siya at mahal niya si Rafael. Noong mga oras na ina-announce niya iyon sa buong mundo ay handa na siya sa mga bashers, sa mga negative comments pero sa awa ng Diyos ay wala siyang natanggap na mga negatibong komento, puro mga positibo, her fans also congratulate her upcoming wedding. May fan page pa ngang ginawa ang mga ito para suportahan sila ni Rafael.

"Salamat pala, ha? Kasi hindi mo sinabi kay Rafael ito. I want to surprise him." Nakangiti niyang sabi. Actually, si Rafael na lang ang hindi nakakaalam. Gusto niya na ipaalam iyon dito sa kasal nila, sa oras na magpapalitan na sila ng kanilang vow.

"I am the one who should say thank you," sabi ni Zandro saka marahang hinawakan ang kamay niya. "Thank you dahil pinatawad mo ako sa mga nagawa ko noon and thank you dahil pinili mo pa rin ako para ihatid ka sa altar."

Napangiti si Alegria. "Of course! Ikaw kaya ang nag-iisa kong Kuya kaya dapat lang na ihatid mo ako."

"Thank you..." nasabi na lang ni Zandro saka niyakap ng mahigpit ang kapatid.

Ilang saglit pa ay pinukaw sila ng mga katok sa pintuan. Nang lingunin nila ito ay si Seran.

"Tama na 'yan, hinintay na si Cassandra sa loob. Mag-uumpisa na ang kasal."

"Let's go."

Nauna ng lumabas si Zandro saka lumipat sa kinaroroonan ng kapatid at pinagbuksan ito...

_____

HINDI mapakali si Rafael habang nasa harap ng altar. Sobra siyang kabado ngayong araw. Damn! Mas malala pa ito kaysa noong nasa hospital siya at kasama ni Alegria.

Nakapanganak na kasi ito. Yes, may sarili na silang baby ni Alegria. Their baby was a girl and three months old na ito. Napatingin siya sa kanyang anak na kalong-kalong ni Lola Toryang. Natutulog ang anghel niya. Napangiti siya. Kamukhang-kamukha nito si Alegria. Siguradong madami din ang magbabalak na maangkin ang puso ng kanyang anak. Kaya dapat na bantayan niya ito.

"You're obviously shaking, pare." Puna sa kanya ni Seran na nakabalik na pala. "Parating na ang soon to be wife mo." Nakangiting sabi nito. Si Seran ang nagsilbing bestman niya.

Marahas na napabuntong-hininga si Rafael. Damn! Malala na itong daga na tumatakbo sa dibdib niya!

Ilang saglit pa siyang naghintay at ito na nga. Nasa bungad na ng pintuan si Alegria. Kaagapay nito si Zandro. Napangiti siya nang mapagmasdan ang mukha nito. Bagay na bagay rito ang puting traje de boda. Mas nagmukha itong anghel sa paningin niya.

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon