Kabanata 17
"NAKITA mo na ba sila?" Tanong ni Elaine kay Lorraine.
"Yeah. And I can't believe this. Talagang pinapanindigan ni Rafael na may asawa na siya kahit wala naman." Inis na sumimsim siya ng alak sa hawak na baso. "Look at them, proud niyang pinapakilala ang babaeng iyon." Turo nito sa kabilang panig ng restaurant kung saan may kausap si Rafael at magiliw na pinakilala ang babae.
"Well, malay ba natin kung nagkaroon ng secret wedding si Rafael with that girl?"
"I doubt. One month pa lang ang nakakalipas tapos may asawa na siya? Siguradong may ginawa si Rafael." Ang sama ng tingin niya sa mga ito. Hanggang sa natapos na makipag-usap si Rafael at umalis na ito. Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa pumasok ang mga ito sa private office ng lalaki. "Oh, damn! Anong gagawin nila doon?" Bigla namang naging alerto si Lorraine.
"Oh, my twin sister. Tinatanong pa ba 'yon? Maybe gagawin nila ang bagay na ginawa niyo noon dyan."
"Damn you, Elaine!"
"Thank you." Nakangiting umalis na ito sa kanyang harapan.
Habang si Lorraine ay parang dragon na nakatitig sa pinasukan nina Rafael. Hindi siya papayag na maagaw ninuman ang lalaking minamahal. Gagawin niya ang lahat para makuha ito ulit. Ilang sandali pa siyang naghintay roon hanggang sa bumukas na ang pinto ng private office nito at lumabas si Rafael. Napangiti siya ng makita ito. May naiisip siyang plano ngayon. At alam niyang hindi ito nakakatanggi sa kanya...
_____
"I came on the right time. Hindi pa pala nagsisimula ang party," sabi ni Adolf.
"Masyado ka ngang maaga." Sarcastic na sabi ni Elaine nang makasalubong ang kapatid. "Anyway, ano ba ang ginawa mo at hindi ka sumabay sa amin kanina?"
"May dinalaw lang ako. Anyway, where's Lorraine?"
"She's—oh, there. Sinusundan si Rafael." Turo niya roon kay Lorraine na sinundan si Rafael hanggang sa makapasok ito sa men's restroom.
Napailing na lang sina Elaine at Adolf sa nakita.
"Aren't you suppose to stop her?"
"No. Okay lang 'yan. Anyway, nasaan ang asawa ni Rafael?" Tanong niya at hinagilap pa ng tingin ang paligid.
"Why Kuya? Interesado ka ba sa kanya?"
"You'll know. So, where is she?"
"Nasa office ni Raffy. Anyway, may binabalak ka ba?"
Ngumiti lang si Adolf saka umalis na rin at pumunta doon sa sinabi niyang lugar. Hindi maiwasan ni Elaine ang magtaka kung bakit ganito tila kainteresado ang kanyang kapatid sa asawa ni Rafael. Napainom siya ng alak. Hanggang ngayon ay pilit niya pa rin inaalala kung saan nakita ang babaeng iyon. Alam niya, nakita na niya ito sa kung saan pero hindi niya maalala kung saan...
_____
ANG tagal naman... bulong ni Alegria sa sarili. Nakaupo siya ngayon sa couch, hindi niya mapigilan ang pagkuyakoy ng paa. Nati-tense kasi siya dahil sa isiping ipapakilala siya bilang asawa, nakadagdag din ng kaba niya ang lamig ng aircon sa office na ito. Nasaan na ba kasi siya?
Napabuntong-hininga siya. Bakit ba kasi iniwan siya ni Rafael? Hindi naman niya gagawin ang sinasabi nito at kung gusto nitong makasiguro, puwede naman siya nitong isama kahit pa nga naiilang siya sa mga tao sa labas. Basta kasama niya si Rafael kaya niyang makiharap sa mga iyon alam naman niya kasing hindi siya pababayaan nito.
Ilang sandali pa siyang naghintay. Mayamaya lang ay tumayo na siya, hahanapin na lang niya si Rafael. Sigurado namang nasa paligid lang ito.
Binuksan niya ang pinto, sumilip lang siya.

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)