Kabanata 35

19.1K 302 32
                                        

Kabanata 35

SO far, so good... nangingiting bulong ni Adolf habang nakatingin kay Alegria na sinusubuan si Lemuel ng binalatang mansanas.

Hindi pa siya pinapaalis nito, hindi rin siya tinatarayan o hindi man lang niya ito nakikita na natatakot sa kanya. Alegria treated him as if he was an old friend. Maganda talaga ang naging pagpaplano niya. He made friends first with Lemuel at ngayon nagbubunga na iyon. Alam niya na hindi hinahayaan ni Alegria na makita ng kanilang anak ang pagkatakot niya. Which is, good for now, just for now. Kailangan pa niyang makuha ng buo ang tiwala nito.

Napangiti siya, may mga naiisip na siyang strategy para roon.

"Here, ikaw naman ang kumain." Sabi niya matapos kumuha ng tinidor na may slice apple na.

"H-hindi na... para kay Lemuel naman lahat ito."

"No. Para sa inyong dalawa 'yan. C'mon, kumain ka na."

"Sige na,'Nay! Kain ka na!" Sulsol pa ni Lemuel.

Napatingin si Alegria sa anak. Kung alam lang sana nito ang totoo, kung pwede nga lang niyang sabihin rito na hindi siya kumportable na nasa paligid si Adolf. Pero hindi pwede, kailangan niyang sarilinin na lang ito.

"'Nay?"

"Oo na. Sige na, kakain na ako." Kaya walang nagawa si Alegria kundi ang kainin ang binibigay ni Adolf.

"Great. Gusto mo pa?" Ang lawak na ng ngiti nito nang kainin ni Alegria ang binigay niya. Tumabi pa nga siya rito ng upo at feeling close na talaga. "Here. Kain ka pa. Sabi nila ay maganda ito sa kutis ng mga babae."

Kimi lang na ngumiti si Alegria. Biruin mong tinatanggap mo ang pagkain na binibigay na lalaking hindi mo gusto?

"'Nay, alam niyo po, bagay po kayo ni Daddy Adolf." Sabi ni Lemuel. Muntik pang mabulunan si Alegria. Saan naman nakukuha ng batang ito ang mga ganitong idea? "Sana po siya na lang talaga ang Daddy ko. 'Di ba, Daddy?"

"Well, magiging totoo lang ang wish mo kapag pinakasalan ako ng Nanay mo. 'Di ba, Alegria?"

Hindi nakasagot si Alegria. She was off guard. Para siyang nasa hot sit at wala siyang magagawa kundi ang sumagot ng oo at hindi. Para siyang nakaupo sa isang lie detector chair at kung mali ang sagot mo ay tutunog ang isang nakakabinging buzzer, para siyang nasa interrogation room at tinu-torture para umamin sa isang kasalanan. Ganito ang pakiramdam ni Alegria halo-halo at sa sobrang dami ng nararamdaman niya ay parang gusto na niyang sumuka o 'di kaya ay mahimatay dahil sa tensyon na nararamdaman niya.

"'Nay? Ano pong sagot niyo? Gusto niyo ba si Daddy Adolf?" Inosenteng tanong ng bata.

"A-alam mo, hindi ko pa masasagot 'yan. Saka sa ngayon kasi sa iyo muna nakatutok ang atensyon ko." Ang ganda ng sagot niya pero hindi ganoong sagot ang gusto ni Lemuel na marinig.

"E, bakit po? Saka dapat po ay iniisip niyo na po ang sarili niyo. Saka po binata na po ako, iyon ang sabi ni Daddy."

Biglang nangunot ang noo ni Alegria. Anong binata ang pinagsasasabi ng kanyang anak? He is only six years old tapos binata na kung ituring ni Lemuel ang sarili? Napatingin siya kay Adolf at mukhang tama ang hinala niya, ito ang nagsabi kay Lemuel ng mga bagay na iyon.

"Yeah. Ako nga ang nagsabi niyon." Sabi nito na tila nabasa ang nasa isip niya. "But I only did that para tumigil siya sa pag-iyak, right Lemuel? What did I tell you? Big boys don't cry."

"Opo!" Mataginting na sagot ng bata. "'Nay, gusto ko na si Daddy Adolf na lang ang palagi nating kasama, ayoko po kay Tito Rafael. Pakiramdam ko po, hindi tayo magiging masaya kapag siya kasama natin."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon