Kabanata 25

23.8K 353 7
                                        

Kabanata 25

MATAPOS ang narinig na kwento ni Alegria ay nagpasya si Rafael na paimbistigahan si Adolf. Gusto niyang malaman kung may ibang rape case pa itong ginawa o kahit na anong krimen pero wala. Bukod sa kwento ni Alegria ay wala na siyang nakuha. Hindi nga rin napa-blotter ang ginawa nito 6 years ago. Pero kahit na ganoon ay gagawa pa rin siya ng paraan para makulong ang lalaking iyon. Kailangan na maiganti niya si Alegria.

Napabuntong-hininga siya. Naisip niya kasi na kapag nagdemanda sila laban dito ay siguradong lalabas ito sa media, kilalang tao si Adolf sa business world bilang isang magaling na business man sa isang network company. Ayaw niyang makaladkad ang pangalan ni Alegria kasama ang Adolf na iyon. Tahimik na tao lang si Alegria kaya sigurado siyang mabibigla ito sa mga media na magtatanong rito. Kaya nga kailangan na gawin niya ng tahimik ang pagganti rito.

Napailing siya. Kung sana ay hindi siya nakulong ng limang taon ay siguradong siya ang unang makikita ni Alegria at hindi ang Adolf na iyon, hindi sana nito naranasan ang bangungot na iyon.

Napatitig siya sa mukha ni Alegria. Katabi niya ito ngayon sa kama, kakatapos lang nilang angkinin ang isa't isa. Napangiti siya pagkaalala ng mainit nilang sandali kanina, hindi pa siya na-satisfy ng ganoon sa tanang buhay niya. Their love making was great. It was full of love, hindi tulad noon na kapag inaangkin niya ito ay pagnanasa lang. Ngayon ay iba na, sa bawat haplos niya, sa bawat halik niya sa katawan nito ay may paggalang at pagmamahal.

Nahaplos niya ang pisngi nito. Bakit ba ngayon lang niya napansin na mas maganda si Alegria kaysa sa mga babaeng nakarelasyon niya noon? Oo at ang dati niyang asawa na si Althea noon ay maganda at maamo rin ang mukha pero hindi ito tulad ni Alegria na kitang-kita sa bukas ng mukha ang kainosentihan. At iyon ang gusto niya sa babaeng katabi niya ngayon. Innocent and fragile. At kailangan nito ang proteksyon niya ngayon mula kay Adolf. Hindi na siya papayag na mahawakan nito si Alegria, hindi na niya hahayaan na mangyari ulit ang naranasan nito sa kamay ng hayop ng iyon.

"Alegria..." tawag niya rito pero mas sumiksik lang ito ng yakap sa kanya. Napangiti siya. Niyakap rin niya ito pagkuway hinalikan ang labi nito."Please, wake up." Muli ay hinalikan niya ito pero malalim na, gusto niya itong gisingin talaga. Nag-iba na rin siya ng posisyon, pumaibabaw na siya rito habang ang kamay niya ay humahaplos sa katawan nito.

"Hmm..." tuluyan na ngang nagising si Alegria, gumanti siya sa halik nito. "Teka, anong oras na pala?"

"Four am na. Bakit? Mamaya ka na umalis." Muli ay umamot ito ng halik sa kanya.

"Mamaya na lang ulit. May pasok pa kasi si Lemuel sa school niya, kailangan ko muna siyang asikasuhin."

Napabuntong-hininga naman si Rafael. Bumangon na rin siya saka sumandal sa headboard ng kama.

"Galit ka ba? Pasensya na, ha. Ayoko na kasing pinapakilos si Lola, umaatake kasi ang rayuma niya kapag nasosobrahan ng trabaho."

"No. Hindi ako galit. Come, yakap ka muna sa akin..." lumapit nga si Alegria rito at yumakap sa kanya. Inakbayan niya ito at inamoy-amoy ang buhok."Alam mo gusto ko ng sabihin kay Lola at Lemuel ang pagiging kasal natin para hindi na natin patagong ginagawa ito pero pinipigilan ko pa ang sarili ko. Ang gusto ko kasi, kapag sinabi natin ay 'yong kasal na tayo sa simbahan."

"Pero kasal naman tayo, 'di ba?"

"Sa papel lang iyon, Alegria. Ang gusto ko kasal tayo sa simbahan. Anyway, mahal mo naman ako, 'di ba?"

"Oo naman! Mahal kita!"

"Yeah and I love you too kaya gusto ko na makasal na tayong dalawa sa simbahan. Kapag kasal na tayo, mas magkakaroon ako ng karapatan na protektahan kayong mag-ina laban sa Adolf na iyon. Kapag kasal na tayo, hindi ko na hahayaan na makalapit ang hayop na iyon kay Lemuel."

Taking AlegriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon