Kabatana 6
NAPALUNOK na lang si Alegria matapos mai-lock ni Rafael ang pinto. Saglit muna siya nitong tinitigan pagkuway isinandal sa pinto at siniil na siya ng halik sa labi habang ang mga kamay nito ay nasa dibdib niya at marahang hinihimas iyon.
Si Alegria naman ay para maamong tupa na sumunod na lang sa bawat galaw nito. Hinayaan na lang niya ito hanggang sa naramdaman na niya ang lamig ng aircon sa kanyang balat. Mabilis na pala nitong nahubad ang damit niya at ngayon nga ay ang labi nito ay nasa leeg niya habang marahan iyong kinakagat at sinisipsip. Hindi pa ito nagkasya at bumaba pa ang labi nito sa isa mga korona niya.
Napapikit na lang si Alegria habang ninanamnam ang mainit nitong labi sa kanya.
Hanggang ngayon ay talagang si Rafael pa rin ang tanging lalaki na maaaring magbigay sa kanya ng kakaibang kiliti gaya nito. Oo at noong isang araw lang silang nagkita pero kahit na ulit-ulitin nilang gawin ito ay hindi siya magsasawa. But the fact behind this was Rafael just using her body to satisfy his need. Malamang para rito ay parausan na lang ang papel niya dahil akala nito ay isa siyang bayarang babae.
"Playing innocent, Alegria?" Bigla itong natawa ng pagak. "I'm starting to like your act." Nakangising sabi nito sa kanya pagkuway binuhat siya at dinala sa kama. Mabilis ay naghubad ito agad saka pumaibabaw sa kanya.
Napalunok na lang si Alegria nang maramdaman sa kanyang binti ang kahandaan nito. Alam na niya kung ano iyon, hindi na siya dapat magulat roon. Muli ay hinalikan siya nito at agad siyang tumugon. Buong pagmamahal niyang muling ibibigay ang sarili rito.
Hanggang sa naramdaman niyang nagkaisa ang mga katawan nila. Napapikit na lang niya dahil sa kiliting binibigay nito sa kanya. Unti-unti na rin bumibilis ang kilos nito kaya naman sumabay siya sa galaw nito. Malapit na sila sa sukdulan nang matigilan si Alegria.
Narinig niya kasing umiiyak na tinatawag ni Lemuel ang pangalan niya.
"S-sandali lang, kailangan kong— ohh!" Pero hindi hinayaan ni Rafael na makaalis siya. He thrust her deeply while driving on her top. "Rafael—" siniil siya nito ng halik kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.
"You are on your duty, Alegria. Don't you know that leaving your work place is a sin? Gusto mo bang magalit ako sa iyo?"
Hindi na lang sumagot si Alegria. Hindi naman niya naintindihan ang sinabi nito dahil english iyon but the way he said it, alam niyang hindi siya pinapaalis nito dahil hindi pa ito tapos sa kanya. Napakagat-labi na lang siya saka ibinaling mukha sa gilid para doon ilabas ang isang butil ng luha.
Nakuyom niya ang kamao para pigilan ang sarili na maitulak ito. Hanggang sa natapos na rin ito at umalis sa ibabaw niya.
"That was... boring Alegria." Hinihingal na sabi nito pero hindi niya ito pinansin at mabilis na kinuha ang mga damit at nagbihis.
Mas kailangan siya ng kanyang anak. Patuloy pa rin itong umiiyak dahil hanggang ngayon ay umuulan pa rin. Siguro ay nagising ito dahil sa kulog at kidlat.
"Hey, hindi ka ba napagod? Bakit aalis ka na agad?"
"K-kailangan ako ng anak ko. Sige..." mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon.
Naabutan niya si Lemuel sa nasa ilalim ng lamesa habang nakatakip sa tainga. Takot na takot ang anyo nito. Bigla siyang napaiyak, ayaw niyang nakikitang natatakot ito. Mabilis niyang nilapitan ito.
"Lemuel, anak. Halika na kay nanay dali." Agad namang lumapit sa kanya ang bata at mabilis siyang niyakap. "Sorry, anak. Hindi kita agad napuntahan." Pero puro iyak lang ang tinutugon ni Lemuel sa kanya. Takot na takot talaga ito dahil nararamdaman niya ang panginginig nito.

BINABASA MO ANG
Taking Alegria
General FictionWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)