Kabanata 44
"WHY did you do that? My God! Sa harapan pa ng mga bata. Napaka-war freak mo, Kuya Seran." Naiinis na sabi ni Cassandra habang nasa biyahe sila.
"I didn't mean that. Nabigla lang kasi ako saka kung hindi ko ginawa iyon, baka hanggang ngayon ay nandoon ka pa rin at pinagkakaguluhan. Alam ko naman na ayaw mong nagkakaroon ng mga isyu na ganito." Paliwanag nito.
"But you shouldn't punched him in front of those kids." She said and sighed. Paano kasi ay may bigla siyang naramdamang kung ano doon sa batang lalaki. With his eyes showing some tears, parang gusto niyang punasan iyon. Napapikit na lang siya nang mariin. Hindi niya pa rin makalimutan ang batang iyon.
"Casa, are you okay? Please, don't be mad. Ginawa ko lang iyon dahil ako ang tumatayo mong bodyguard, inutos sa 'kin ito ng Kuya Zandro mo."
"Yeah. I understand. And I'm not mad. Anyway, alam mo, Kuya, I felt something about that kid, 'yong batang lalaki. I don't know pero ang gaan kasi ng loob ko sa kanya."
"It was just your imagination, Casa. Saka lahat naman ng batang nakikita mo ay kinagigiliwan mo. Remember doon sa America? Noong may batang babae na humiling na magpa-picture sa 'yo? Kinarga mo pa nga 'yong bata at hinalikan. And, you also told us na magaan ang loob mo roon. Walang pinagkaiba ito doon sa batang babae."
Bigla namang napabuntong-hininga si Cassandra. Agad ay nakaramdam siya ng lungkot at hindi niya maiwasan na maramdaman iyon.
"Maybe..." sabi na lang niya saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Habang si Seran naman ay namasdan na lang ito. And honestly, he felt guilty. Hindi sa pagkakasapak niya kay Adolf—kung tutuusin ay kulang pa nga iyon sa ginawa nito sa kanyang pinsan noon. Syempre ay alam na niya ang nakaraang meron ito. Napabuntong-hininga siya. Sinusundot siya ng kanyang konsensya dahil sa paglilihim na may anak ito.
I'm so sorry, Casa... he secretly apologized. What we are doing is for your safeness...
_____
"HEY! What happened? Bakit may sugat ka dyan?" Gulat na sabi ni Lorraine nang makasalubong niya si Adolf kasama sina Pious at Azalea.
"The bad guy punched Uncle Adolf's face!" Sumbong ni Azalea pero inisnaban lang siya ni Lorraine.
"I'm not asking you. So, shut the hell—"
"Lorraine!" Puno ng authority na sabi ni Adolf nang banggitin ang pangalan ng kapatid.
"Okay. I know. Azalea, please go upstairs with your Kuya Pious, okay?" Mahinahon na sabi ni Lorraine sa anak. "Pious, samahan mo na siya at ako na ang bahala sa Daddy mo."
"Opo. Halika na, Azalea." Aya niya sa pinsan at umalis na sa harapan nina Adolf at Lorraine.
"So, what happened to you?"
"I met Alegria," sabi ni Adolf saka tila pagod na naupo sa sofa.
"You mean Cassandra, right?" Paniniguro ni Lorraine. "Wow! Look at that bitch. Marunong na pala siyang mag-malling ngayon?"
"Stop calling her that way, Lorraine."
"Hanggang ngayon ba naman ay patay na patay ka pa rin sa babaeng iyon? Parehas lang kayo ni Rafael. Puwede bang huwag na lang siya ang habulin niyo? Hindi na nga siya nakakaalala e." Inis na sabi niya.
"Maaalala niya ako. Kapag nakasama niya si Pious, alam kong kusang babalik ang alaala niya—ouch! What the hell!" Bulyaw niya sa kapatid dahil bigla nitong sinundot ang sugat sa gilid ng labi niya.
"I'm telling you. I don't like that girl. Buti nga tinanggap ko pa ang anak mo sa kanya."
"And, what do you mean? May karapatan ang anak ko dito at sa ayaw o gusto mo ay patitirahin ko ang mag-ina ko dito."
BINABASA MO ANG
Taking Alegria
Fiksi UmumWill Rafael can take Alegria back? Paano kung may lihim itong gustong itago sa kanya? (Image use CTTO)
